Chapter 21: First Move

73 6 1
                                    

Nathan's POV

Papunta na ako sa bahay nila Jenna hindi ko na muna inisip ang parusa sa akin ni Coach ang inisip ko ngayon ay yung pasalamatan ko si Jenna.

Talaga ba? Sabi ng isip ko.

Binilisan ko na ang pagdadrive ko alam niyo na gusto ko na talaga makita si Jenna.

Sa sobrang pagmamadali ko biglang ..

"Shit!" Bigla akong napasigaw at napabreak dahil bakit nga ba ako sa bahay nila pupunta eh nasa coffee shop siya.

Ang tanga tanga mo Nathan wala na kasing ibang inisip kung hindi si Jenna lang.

"Ang tanga" pabulong kong sinabi sa sarili ko.

Inikot ko na pabalik ung sasakyan ko at eto na naman ako nagmamadali na ewan, basta gusto ko lang siyang makita.

Malapit na ako sa shop, papasok na ako sa entrance ng parking lot, pagkapark ko, bumaba na agad ako at pumasok na sa shop.

Pagkapasok ko hinanap ko kaagad si Jenna, nilibot ko yung mata ko pero wala akong makitang Jenna.

Lumapit ako sa isang katiwala namin na nagha-handle ng shop na si manager Mika at tinanong na kung nasaan si Jenna.

Katulad ni Jenna, working student din si Ate MM, mabilis siyang na-promote bilang manager dito sa shop dahil bukod sa masipag na, mabait at maganda pa.

"Ate MM, may tatanong lang ako." sabi ko kay ate MM.

"Yes! Ano yon?" Sabi niya pag kaharap niya sakin.

"Si Jenna, nasaan?" Tanong ko sakanya

"Ah nag paalam na siya nahilo kanina at sumasakit ang ulo, kaya pinauwi ko na dahil mukhang magkakasakit." Nagulat naman ako sa sinabi ni ate MM.

"Mga anong oras po iyon ate MM?" Pag-aalalang tanong ko.

"Kani- kanina lang, bakit mo nga ba sya hinahanap?" Pagka sabi niya. Di ko na siya sinagot. At nagpaalam na ko at umalis na.

"Ah sige Ate, bye." pagkapaalam ko tumakbo na agad ako.

Nandito na ako sa harap ng kotse ko at binuksan ko agad ang pinto.

Habang nagdadrive ako hindi mawala sa isip ko ang pagalala ko kay Jenna.

Ano kaya nangyari sa kanya?

Ok lang kaya sya?

May sakit ba siya?

I hope she's fine.

Sa sobrang pagmamadali ko nakarating agad ako sa bahay nila Jenna. Bumaba na ako ng sasakyan at nasa harap na ako ng gate nila, simple lang ito hindi gaanong malaki at hindi rin maliit.

Kumatok na ako sa gate nila at may nagbukas din naman agad nito.

Lumabas ang isang lalaking may taglay na kagwapuhan, matangkad at may matipunong braso na tila may kahawig.

Pucha. Kamag-anak ata 'to ni Jenna.

"Sino ka?" Tanong sakin nung lalaking nag bukas ng gate.

"Classmate po ni Jenna." sagot ko sa lalaki ng medyo nag-aalangan pa.

"Ano kailangan mo sa kapatid ko?" Bossy niyang tanong.

So kuya pala ito ni Jenna ibig sabihin eto na pala si bayaw.
Napangiti ako sa naisip ko bago ko sagutin ang tanong ni bayaw.

Tumingin siya sa akin na nakakunot ang noo na naguguluhan sa reaksyon ko.

"Kakamustahin ko lang po siya kasi nabalitaan ko po kasing may sakit siya kasi umuwi sya galing shop." sagot ko kay bayaw.

"Walang siyang sakit." sabi ni bayaw, seryoso pa rin yung boses niya. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan.

"Pero sabi po sakin nung manager na may sakit siya." sa naguguluhang sabi ko.

"Naniwala ka naman." sabi ni bayaw.

Nga naman bakit agad ako naniwala pero kasi syempre si Jenna ang involve.

Napakamot ako ng batok dahil dun. "Ano po. Ah." Di ko na alam ang sasabihin ko.

"Anong kailangan mo sa kapatid ko?" Tanong niya pa habang pinapatunog yung mga daliri niya sa kamay.

"Ah. Ano po. B-babalik ko lang po." Tumango naman siya. At kumalma.

"Magsabi ka ng totoo." Seryosong sabi niya. Takte, pinagpapawisan na ako dito.

"Ah-eh. Ano po." Nauutal na sabi ko.

"Manliligaw ka ba ng kapatid ko?" Ma-awtoridad niyang sabi.

Hindi agad ako nakasagot.

"Op-Hndi. Ay di ko po alam." Naguguluhang sabi ko.

"Makakaalis ka na." Biglang sabi nito.

"Opo. Manliligaw niya ako. Hindi. Kasi di pa ko umaamin sa kanya. Kasi natatakot akong mareject." Sagot ko sa kanya.

"Bawal magboyfriend ang kapatid ko. Hangga't hindi pa siya nakapagtatapos ng pag-aaral." Ma-awtoridad niyang sabi.

"I'll wait for her then." Kampanteng sagot ko.

Napa-english ako.

"Yun ay kung kaya mo?" Palabang sagot nito.

"Wala akong hindi kayang gawin para sa kanya."

"Talaga lang ah. Tingnan natin." Nakangising sagot niya.

Mapapalaban ata ako ah. Inaya akong pumasok. Agad na hinanap ng mga mata ko si Jenna.

Pero wala.

Ang kuya naman niya ay nakita kong pumasok sa may bandang kusina nila. Pagbalik nito may dalang walis tambo, isang timba na may sabon, basahan at dustpan.

"Alam mo bang panlima ka na sa nagpupunta rito na manliligaw DAW ng kapatid ko. At kinailangan ko pa silang ikatawag sa kapatid ko. At lahat sila puro mga batugan kung kumilos." Tumingin siya sa akin. "At ikaw naman." Tumuro siya sa akin. Napalunok naman ako. "Marunong ka ba gumamit nito." Sabay taas niya ng walis tambo. Tumango ako dahil yun yung ginagamit nung dalawang kasambahay namin kasi mas sanay sila dun kaysa sa vacuum cleaner.

"Oo naman." Sagot ko. Pero ang totoo never ko pang na-try gumamit ng ganun. Tinignan niya ako na parang hindi naniniwala.

"Next. Pangalan mo? Saan ka nakatira?"

"Nathan Co, boss. Sa Reen Village malapit sa may S Mall."

"5am. Sharp. Malapit sa S Mall. Sa waiting shed area. On-time. Pangbasketball na attire. No cellphone allowed." Tinignan niya ako na parang hinahamon ako."Makakaalis ka na." Hoo! Yun lang pala.

"Teka .. pakilala ka naman bilang kuya ni Jenna." Sabi ko sa kanya sabay tapik sa balikat niya. "At nasaan nga po pala si Jenna?" Dagdag ko pa. Kanina ko pa kasi nililibot ng tingin yung bahay nila eh, wala namang Jenna.

"Kean Mendoza. Kapag nalaman ko lang na masaktan ang kapatid ko. Alam mo na."
Seryosong sabi niya. "Kung tinatanong mo kung nasaan si Jenna. Pwes! Diskarte mo na 'yon."

"Yes boss." Tumango nalang siya.

Hoo! First move done. Mukhang mapapadali pa ata ako ah.

A/n note:
Sorry lame update. Bawi ako next chap. -_____- thank you for the reads and votes.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fight For Love [On-going]Where stories live. Discover now