Chapter 20: Sweetness

61 8 6
                                    

(Continuation of Chapter 18)

Nathan's POV

"Oh ba't ka nakabusangot diyan? Dahil ba sa tumawag kay Jenna?" Biglang tanong ni JK, habang humihigop ng soup.

Di ko nalang siya sinagot, dahil totoo naman. Nagpatuloy lang ako sa pagkain ko.

Wala sa sariling napangiti ako habang iniisip siya. Si Jenna.

"Mukhang mahal mo na ah!" Kalabit sa akin ni Chris. Nginitian ko na lang siya.

Binato niya naman ako ng buto galing sa bibig niya.

Tangna. Ang sarap pala sa pakiramdam na ma-inlove sa pangalawang pagkakataon. Pero 'di naman ako nagsisisi na minahal ko yung una.

"Takte pre baliw ka na naman sa pag-ibig na 'yan." Sabi naman ni JL, minsan lang 'yan magsalita pero tagos sa dibdib. "...sinasabi ko sayo mas masakit sa pangalawa."

"'Lam ko naman 'yon pre. Lahat talaga ng nagmamahal, nasasaktan." sagot ko na lang sa kanya.

Hindi ako natatakot masaktan, ang ikinakatatakot ko masaktan ang isang tao dahil sa akin.

Sandaling nagkaroon ng katahimikan. Miski si JK na puro biro ang alam, mukhang natameme na rin sa sagot ko.

"May hihingiin sana akong pabor sa inyo?" Wala sa sariling kong sabi. Napatingin naman sila sa akin."...pwede bang tulungan niyo ako manligaw .."

"Kay Jenna?" Sabay-sabay na sagot ng tatlo sa akin.

Kun'di ko ba naman mga kaibigan to, nasapok ko na 'to eh.

Tumango ako. Kanino pa ba?

Sinabi ko sa kanila yung plano ko. Napanganga silang lahat sa akin.

"Close your mouth, mga pre."

"Basta ba Nathan. Bago ka pumasok sa isang relasyon. Siguraduhin mong nakamove on ka na kay Janna." Seryosong sabi ni JK.

Tumango ako. Natahimik na kaming lahat. Di namin namalayang nakatayo na sa may gilid ng table si Jenna.

"Mukhang seryoso ang usapan niyo diyan ah." Si Jenna yung nagsalita. "Oh. Bakit natahimik kayo?" Sabi pa niya.

"Kanina ka pa diyan?" Kinakabahang sabi ko.

"Hmm. Hindi naman masyado mga 180 seconds lang ang nakalipas." Sagot niya sa'kin.

180 seconds? Ibig sabihin may tatlong minuto na siyang nakatayo. Lol. Kinompute ko pa.

Lumaki naman ang mata ni Chris. Natawa naman si Jenna at umupo na at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Wag kang mag-alala, wala naman akong narinig." Iling niya pa.

Natapos na kaming kumain. Kaya umupo muna kami dun sa may bench para makapagpahinga.

Nilabas ko yung phone at headset ko. Tapos napapapikit ako dahil sa antok at pagod. Ginawa kong unan yung sports bag ko, kahit papaano naman ay may hinihigaan yung ulo ko.

Sila Chris at yung kambal naman, mga nakayuko yung ulo sa table. At katulad ko mga naka-earphones din sila. Mamayang 1pm ulit ang training namin.

Naramdaman ko naman umupo si Jenna sa may bandang ulo ko. At tinanggal yung bag ko.

Nagulat ako ng ihiga niya ulo ko sa may hita niya at may nakapatong na panyo. Damn.

Pwede rin namang kiligin ang lalaki diba? Oh, well. Kinikilig ako, sobra.

"Natnat komportable ba o sa bag na lang?" Nahihiyang sabi niya. Nagthumbs-up ako sa kanya para sabihing okay na okay yun.

Napansin ko namang namumula. Actually namumula rin ako, di niya lang siguro nahalata.

"May klase ka pa diba ng 11:30?" Tanong ko sa kanya habang nakapatong yung braso ko sa mata ko.

"Sinabi na ni Ms. Pujante kanina na walang klase sa subject niya ngayon. " paliwanag niya sa akin.

"Sus! gusto mo lang akong katabi eh." Pagbibiro ko sa kanya. Kaagad niya namang binaba yung ulo sa may upuan at tumayo.

"Aww shit!" Sigaw ko sa kanya. Shit. Mukhang may bukol pa ata ako.

"Hala! Sorry ikaw kasi eh." Naiinis na sabi niya.

Di ko naman alam na maiinis siya.

"Biro lang naman 'yun eh. Ang sakit pala." Pangongonsensya ko sa kanya. "May bukol pa ata ko." Dagdag ko pa habang hinihimas ko yung ulo ko.

"Matulog ka na nga." Umupo ulit siya sa may tabi ko.

Ayun. Balik sa pwesto ulit kami. Na parang walang nangyari.

"Sweet nila!!"

"Kyaaaaaaaah! Sabi na eh, sila na!"

"Sana ganyan din yung girlfriend ko sa akin Pre."

"Ayiiiiiiie!"

"Bagay sila!!"

Yumuko na lang si Jenna para di makita ng mga dumadaan yung namumula niyang mukha.

Bigla naman akong nakaramdam ng pagkirot ng sintido ko dahilan para hilutin ko.

"Masakit ba?" May halong pag-aalalang sabi niya. Tumango na lang ako.

"Kuha kita sa clinic ng gamot.' Akmang tatayo na siya pero pinigilan ko siya. Sinabi kong ayos lang ako.

At tsaka isa pa nasa third floor pa ang clinic dito sa highschool department. Ayoko namang mapagod siya dahil sa akin.

Pero naramdam kong nagsimula na siyang masahiin yung sintido ko. Di ko na siya pinigilan dun.

Sa 'di ko malamang dahilan. Nakatulog na ako ng mahimbing.

Nagising na lang ako na may maingay sa paligid ko.

"Kaya naman pala hindi sinasagot yung mga calls ko, may reason naman pala." Boses ni Ate yun ah.

Kinusot ko muna yung mata ko bago ko iyon imulat. Wala na rin akong katabi.

Napabangon ako bigla. "ATE?"

"Your one and only!" Sigaw niya sa akin. Nagpapadala nga pala siya ng Chocolate frappe.

Napansin ko namang medyo madilim na yung paligid. At nakita ko si Chris na tatawa-tawa.

Nagkamot muna ako ng ulo."Nakalimutan mo?" Di pa ako nagsasalita. Inunahan na niya ako.

"Yun nga. Anong oras na ba? Nasan si Jenna?"
Tanong ko sa kanila. Sumimangot naman si Ate.

"5pm na. Nauna na nga palang umuwi si Jenna, may pasok daw siya sa shop niyo ngayon. At bukas mo na daw sa kanya ibalik yung panyo." Mahabang paliwanag ni JK.

Ngayon ko lang napansin na may panyo pa pala sa pinaghigaan ko kanina.

Iniwan niya. Naiwan niya?

Malamang naman Nathan, iniwan niya. Kaya nga sinabi ni JK na bukas mo nalang ibalik diba? Sabi ko sarili ko.

"Sasabay ka ba sa'kin Nat? Tapos na rin naman training mo sa basketball este tulog mo pala." Sabi ni Ate pagkatapos tumingin sa pambisig na relo niya.

"Pre may nakareserbang punishment sayo." Sabi ni Chris, nanakot pa.

"Okay." Nagulat sila sa sagot ko.

"Okay? Okay lang sagot mo? Malilintikan ka talaga kay PJ." Sermon sa akin ni Ate.

Pero mas nagulat sila sa sinagot ko.

"Mamaya na 'ko uuwe. Puntahan ko pa si Jenna. Para makapagpasalamat ako."

"Asus! Yun lang ba talaga?" Biro ni JK.

Fight For Love [On-going]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora