Chapter 13: The Playboy

95 11 0
                                    

A/n: Bigyan ko lang ng POV si Chris :) :)

Chris POV

Christian Laurel nga pala ang Certified Playboy ng SMU. Yes. Tama kayo. *wink*

Para sa'kin ang mga babae parang damit na kapag pinagpawisan ka na, papalitan na agad. Sabihin na nating 'di ako makuntento sa isa.

Two is better than one ika nga nila.

Pero ang totoo niyan ..... sadyang lapitin lang talaga ako ng MGA girls. Wait--- eto na oh.

"Hey babe bakit 'di ka pumunta last night? Nagpareserve pa naman ako ng isang room." malungkot na sabi ni Thea? Therry? Thanya? Ay basta.

"Sorry Theresa ah. Gumawa kasi ako ng homework e." Kampante kong sagot with my killer smile syempre.

"What? Loisa ang name ko. Sabi na nga ba eh. Niloloko mo lang ako eh. I'll break up with you na." mangiyak-ngiyak na sumbat niya sa'kin.

*pak*

"Shit--" tangna. Ang lakas ng sampal ah. "O sige kung 'yan ang gusto mo. Break na tayo." Wala lang naman sa'kin yun.

"Joke lang. Binibiro lang kita eh. Basta tayo pa rin ah."

"Pwes ako na ang makikipagbreak sayo. Pagkatapos mo kong sampalin." Pagdadrama ko pa. At tsaka ko iniwan.

Tsk. Tsk. Tsk. Babae lang 'yan di kawalan.

*kring* Mukhang isa na naman 'to sa mga babae ko.

"Hello baby" sabi ko.

"Christian Laurel" wait parang may kaboses siya.

"Mom?"

"Yes. Ako nga. Miss you baby. Pasundo naman ako sa airport." Mom said.

"Haiist. Mom may date pa ko eh."

"Di bale nalang. Ganyan naman kayo eh. Parehas lang kayo ng kuya mo. Mas inuuna niyo pa yung ibang MGA babae. *fake sobs*" Sagot ni Mom. Diiniin pa talaga yung word na MGA.

Oo alam ko namang peke lang yung iyak ni Mom. Hayy. Di na 'ko nasanay.

"K. Mom. Just wait for me. 45 minutes."

"Sweet mo talaga. Alam ko naman na di mo ko matitiis. Hihi." Dagdag pa ni Mom.

"Ge. Mom. I'm on my way na."

Actually di ako pinapayagang magdrive kesyo raw bata pa 'ko, walang license. Psh! E ba't binili pa ako ng sarili kong kotse. -.- kaya kasama ko ngayon yung family driver namin.

Pero syempre pumupuslit ako paminsan.

***

Tinawagan ko na si Mom kasi baka mamaya naiinip na 'yon.

"Hey baby boy. Nandyan ka na? " Sabi ni Mom.

"Yes, Mom. Nandito na 'ko sa may parking lot."

"Sige. Range Rover pa rin yung car mo? O nabili ka na ng iba ng Dad mo?"

"Yun pa rin, Mom. Saan ka po banda?" tanong ko.

"Actually kasama yung anak na babae ng friend ko na magbabakasyon dito. Pakisabi naman kay Kuya Phil pasundo naman kami malapit sa waiting area dito. Dalawa kasi yung luggage ko.." Sinabihan ko na si Kuya Phil. para masundo agad.

Fight For Love [On-going]Where stories live. Discover now