Chapter 15: T-shirt

85 11 0
                                    

Jenna's POV

Hindi rin ako nagtagal sa cr. Nang may ..

"Oooops" biglang may nagbuhos sakin ng harinang may halong paminta with matching itlog pa.

Ginawa pa kong pancake na ewan. Ang lagkit ko na!

Napaubo nalang ako at bumalik ulit sa cr. Pero pahakbang palang ako ng...

"Wait a minute bitch. I'm here para kausapin ka." Sabi ni Neggy na black maldita ng SMU.

Ewan ko. Bigla nalang uminit yung ulo. Bitch? Ako? Baliktad ata.

Di talaga ako pumapatol sa mga ganto kasi baka matanggalan ako ng scholar dito. Pero kung ganitong ugali yung haharap sa'ken. Ewan ko nalang.

"Ah..  ganito na pala ngayon. Mambubuhos ng harinang may paminta para kausapin?" Pambabara ko habang pinupunasan ko yung mukha ko. *Achoo* nalagyan pa ko malapit sa mata at ilong.

"Pilosopo ka ah. Gurlssss hawakan niyo siya!" Utos niya dun sa kasama.

Pilit kong di pinakita yung kaba ko kahit na madami pa sila. Pero naramdaman kong nakakagalaw pa rin ako. Tumingin ako kay Neggy na halos umusok na yung ilong sa sobrang galit dahil hindi siya sinunod nung kasama niya.

"So gumagalaw pa rin pala sila. Despite of what happen." may narinig akong bumulong. Pero pamilyar yung boses niya.

"G-girl s-si N-nathan" nauutal na bulong nung isang kasama ni Neggy.

Bigla naman pumutla yung mukha Neggy at hinila niya yung kasama niya palayo.

"Are you okay? Tell me. May iba pa bang ginawa sila sayo?" May pag-aalalang sabi ni Nathan.

Ngumiti muna ko. "Ano ka ba? Oks lang ako. Malayo sa bituka. Di na muna siguro ako papasok sa next subject." Sagot ko. Ang dumi na kasi nung damit ko. Dibale sana kung may extra t-shirt sa may locker ko, kaso wala eh.

Di naman siya nakasagot sa'kin. Mukhang may iniisip.

Sa pagkakaalam ko namaan si BFF, hindi niya hilig na may dalang extra t-shirt.

"May extra t-shirt ako sa may locker ko. Medyo malaki yung size nun. Itupi mo nalang yung bandang manggas." Sabi niya.

"Huh?" .. "Wag na nakakahiya." Pigil ko pa.

"Stay ka lang dyan. I'll get it. Wag ka nang umangal. Mabilis lang ako." Nakangiting sabi niya.

Ayos na siguro yun. Okay sabi mo eh.

Pumasok muna ko sa cr at naghilamos ng mukha ko. Nilabas ko yung panyo ko tas binasa ko yung half part nun para ipunas sa bandang leeg ko. Tapos hinugasan ko na ulit at tinapat ko yung panyo ko dun sa hand blower para matuyo. Diba bongga!

After 2 minutes ...

"BFF, sino may gawa sayo niyan?" Inis na tanong ni BFF. Kasunod na niya pala si Nathan pati sina Joshua, JK, JL, Chris at Ella

"Si Neggy ang gumawa niyan. Wala talagang kadala-dala yung babaeng yun." Si Nathan na ang sumagot. "Oh" sabay abot niya sa'kin.

Color white yung t-shirt na may itim itim sa gilid tapos may nakaprint na #WOLF❤. Ang bango pa. Harhar.

"Hmm. Mukhang kasya nga sa'kin. Fold ko yung manggas ah." Masayang sabi ko. "Bihis lang ako." Tumango naman sila.

Pagkalabas ko. "A-ayos lang ba?" Nakita ko naman silang napanganga. Hala? Ganun ba kabig deal ang pagsuot ng tshirt ni Nathan. "Wui! Okay lang ba? Hayaan mo Natnat lalaban ko to ng bonggang bongga." Sabi ko pa.

Fight For Love [On-going]Where stories live. Discover now