Chapter 11: When Jenna cries

121 14 3
                                    

Nathan's POV

"Mang Sony sa kambal na lang ho ako sasabay pauwi. " tango lang ang sagot ni Mang Sony at pumasok na sa kotse.

Kaming lima kasing magkakaibigan sa iisang Village lang nakatira.

"Nandyan na pala sila eh. Ang bilis naman." Sabi ni Jenna.

"Nagtext nga sakin yung kambal este si JK lang pala. Hinahabol daw siya ng girls kaya di na tumuloy." Natawa naman si Jenna. At lumapit na sa kanila.

Jenna's POV

Ang awkward kanina sa sasakyan kung anu-ano sinasabi ni Nat-nat.

Flashback

"Mang Sony paano niyo po napasagot si Aling Tanya?" Pag-oopen-up ng topic ni Natnat

"Matagal na 'kong may pagtingin sa kanya noon pero hindi niya ako pinansin kaya Hinalikan ko." Sagot ni Mang Sony na ikinagulat ko.

"P-po? Pero paan---" hindi na ako pinatapos ng pagsagot ni Mang Sony

"Alam mo kasi, Ija nung panahon namin magkadikitan lang ng balat e malaking kasalanan na yun tulad ng halik sa pisngi. Lalo na kung maraming nakakita."

Bigla namang pumula yung mukha ko. Di ko alam kung bakit.
Siguro dahil naalala yung unang pagkiss sa'kin ni Nathan sa tungki ng ilong ko.

"Di ko po maintindihan. Pero tingin niyo po ba mapapasagot ko siya?" Sagot ni Natnat sabay turo sa akin bigla naman akong namula.

"Ijo, nang halikan ko si Aling Tanya mo eh. Halos di ko na siya nakitang lumabas ng bahay. Tatlong araw makalipas nagulat na lang ako muntik na 'kong ambahan ng suntok ng kanyang ama buti nalang nakailag ako---- O siya nandito na pala tayo." Natatawa pang sabi ni Mang Sony.

Hindi na natapos ang kwento dahil malapit na kami sa bahay.

End of Flashback

"Uh- pasok kayo." Sabi ko na lang.

Dun ko nalang sila pinaupo sa may sala. Nakakahiya nga eh. Isipin ko pa lang ang pinagkaiba ng bahay namin sa kanila eh sobrang nahihiya na ko sa kanila.

"Nakakahiya mang sabihin, pasensya na sa bahay namin ah. ...... sabi na eh di talaga kayo babaga----" di ko na natapos yung sasabihin ko dahil nagsalita bigla si Farrah best.

"Alam mo best maganda ka at mabuting kalooban. Ok lang kami dito okey? Kaya wala kang dapat ikahiya."

Oo nga no. Pero kahit ganun. Nagpapasalamat ako sa kanila kasi tinanggap nila kahit malayo yung agwat ng katayuan ko sa buhay kumpara sa kanila.

Ang swerte ko sa kanila.

Andami nilang binili kaya inaya ako ni Nat-nat na pumunta na sa kusina namin para ayusin.

JK's POV

Hello po *kaway kaway*. Ako po si John Klein Roque. "JK" for short *pout*. Ayoko kasi sa full name ko. Nandito kami ngayon sa bahay nila Jenna. ^_^ 38,39 Party!!

Masasabi kong medyo may kaliitan yung bahay nila Jenna pero malinis.

Halata namang medyo mahirap lang sila pero di naman yun sapat na dahilan para kamuhian namin siya. Lalo na't mukhang nahuhulog na ang isa naming kaibigan. Huli ka boy!

"Guys, Knock Knock!"

"Please manahimik ka dyan."
Okray ng kakambal ko.

"Oy! Di na kayo nasanay. Pagbigyan niyo na si Jk."
Natatawang saad ni Farrah sabay bulong kay Joshua.

Fight For Love [On-going]Where stories live. Discover now