Chapter 5: Sweat or Sweet?

190 14 3
                                    

Jenna's POV

"Ate, Tara na malelate na tayo!" Sigaw ni Lianne. Pareho kami ng school pero sa kabilang building naman siya.

"Andyan na." Inayos ko pa kasi yung baon namin. Yay! Excited na ko mamaya.

Monday ngayon and guess what? Yung music club. ;) Nagtext sa'kin si Farrah. Yep. Close na kami, sa isang linggong kasama ko siya lagi ay alam na niya tungkol sa'kin. At circle of friends pala niya yung limang lalaki na nakita ko sa Bulacan.

"Be, kamusta weekend?" Farrah said. Be? :( Naalala ko tuloy si Errick yun kasi yung tawagan namin kaya para talagang magbf/gf, sabi niya susundan niya raw ako dito, kamusta na kaya siya?

"Ayos naman. Maraming tao sa coffee shop kaya busy ako nung Sat. Nung Sunday naman nagsimba kami nila Mama.Ahm, Farrah wag na be itawag mo sa'kin naaalala ko kasi yung bestfriend ko sa Bulacan e." Sabi ko.

"O sige BFF nalang, pasok na tayo sa room. Anong oras ka pupunta sa Auditorium?"

"After class siguro BFF. Kita nalang tayo dun ah."

Nathan's POV

Nandito kami malapit sa Auditorium. "Tol, 'nung balita sa sinalihan mong Music Club?" Biglang tanong ni JL.

"Mamaya pa sasabihin yung mga pasok dahil may isa pang hindi nakakakanta." Sabi ko.

"Ayan na pala e. Magsisimula na. Best of luck , tol." Nakangiting sabi ni Joshua.

"Ge kita nalang tayo sa gate." Kinakabahan kong sabi.

"'Lam mo tol, wag kang kabahan. Alam naman naming matatanggap ka e." Sabi naman ni JK. Di ko alam kung pinapalakas ba loob ko nito o ano e. Napakamapang-asar kasi eh.

Umalis na sila.

"Jenna Mendoza your the last performer." Sabi ni Sir Anthony, yung baklang nagjudge sa'min last week. Umakyat na siya sa may maliit na stage. Wala siyang dalang instrument.

Jenna's POV

This is it! Sana matanggap ako. Nginitian ko sila Farrah kasama si Macy at Lovely nang mahagip ng paningin ko si Nathan ay umiwas ako tingin. Ang kakantahin ko ay Angel of Mine.

🎶 When I first saw you I already knew . There was something inside of you. Something I thought that I would never find. Angel of mine🎶

Nagulat ako nung natulala yung mga nanonood sa akin. Pati mismo si Nathan. Ay! Ba't ba lagi siyang pumasapasok sa isip? Ang TRESPASSING niya ah. HAHAHA.

🎶I look at you, lookin' at me. Now I know why they best things are free. I'm gonna love you boy you are so fine. Angel of mine🎶

Gosh! Nakatitig siya sa'ken. Napatitig din tuloy ako.

🎶How you changed my world you'll never know. I'm different now, you helped me grow. You came into my life sent from above. When I lost all hope you showed me love. I'm checkin' for yah boy you're right in time. Angel of mine🎶

"Thank you po sa pakikinig sa pagkanta ko". With matching genuine smile.

*clap clap clap* yung mga schoolmates kong nanuod.

"Ang ganda ng boses mo ah. Mala-Julie Ann San Jose. Anyway bibigyan ko kayo five minutes para makipagchickahan dyan sa tabi-tabi. After non, sasabihin ko na yung mga pasok." Sabi ni Sir Anthony yung isa sa nagjudge sa'min.

Bumaba nako ng stage para pumunta sa pwesto nila Farrah, nasa likod nila yung mga tropa ni Nathan.

"Jenna ang galing mo pala kumanta." Komento ni Joshua.

"Syempre namn. Talent ko kaya 'to. Now you know. Hahaha."I murmured.

"Ganda ng boses ah." Sabi naman ni Chris na may halong pagkamangha.

"Galing mo! *clap clap*" sabi ni JK

"Woooh! The best yung voice mo." Matamlay na sabi ni JL na halata namang nagustuhan yung boses ko. ^^

Ngiti lang ang sinagot ko sa kanila.

"BFF, samahan mo ko bumili ng tubig." Sabi ko kay Farrah with puppy eyes. Nang biglang sumingit si .. "Nathan?"

"Ah-eh , tubig oh? Diba nauuhaw ka." Sabi ni Nathan na pawis na pawis.

Nilabas ko yung panyo ko. Pinunasan ko yung pawis niya. Luh? Anong ginawa ko? Halatang nagulat pero napangiti siya? Bigla naman ako nahiya sa ginawa ko. Nakakahiya.

"Ahm. Hmm. Pawis na pawis ka kasi oh." Mahina kong sabi

"Oy. Ano yan BFF?" Farrah said with smirked.

Tinignan ko lang si BFF ng please-wag-ka-na-magsalita-nahihiya-kasi-ako-look. Mukha naman naintindihan niya kaya nanahimik nalang siya at tumabi sa'kin.

"Oh. Tubig" sabi ni Nath sabay hawak sa tap of my head. Ginawa naman akong aso. -.- Pero sweet nung gesture niya ah.

"Ahm. Sige salamat. " at ininom ko na yung tubig.

"Kaya ka pala nagpaalam sa'min kanina para bumili ng tubig." -JK
"Lumalovelife ang tol natin ."-Chris
"Sweet."-Joshua
"Siya pala ah."-JL

Kantyaw ng mga kaibigan na binigyan niya ng Manahimik-kayo-kundi-lagot-kayo-sa-akin-look. Mukhang naintindihan naman nila. Tinawag na kami nung organizer ng Music Club.

"Ok. Gagawa tayo ng grupo. Each group may naka assign na female and male vocalist, drummer, guitarist etc. So here's the result given by the judges/teachers." Sir said habang hawak yung isang card.

"Ang mga kasapi Silver Band ay sina Carlo Lee, Jv Choi, Max Dela Cruz, Rienne (ri-yen) Tan, Mariz Roque (pinsan ng kambal) at Jeff Montes."

"Ang Gray Band naman ay sina Jenna Mendoza, Jane Gasper, Nathan Co, Paul So , Ry Silvestre at Kenneth Madrid. "

"Jas Ford, Cheska Sy, Ethan Remperaz, Klea Ty, Chanel Cruz at Storm Ty ay sa Black Band. Bukas magpapatawag nalang ako ng meeting natin. Attendance is a must."

Natawa kaming lahat sa sinabi ni Sir. Exam lang ang peg. Hahaha. Mag-aalasingko na pala paniguradong hindi na ko nahintay ni BFF. Habang papalabas ako sa gate may biglang umakbay sa'kin si ano pala. Si... "Nathan?" Shocks. Kahit kinikilig ako. ^tinanggal naman siya. Sabay sabing "hands-off bro."

"Tss. Pauwi ka na?" Tanong niya na medyo may inis yung tono.

"Yup. Wala akong pasok sa coffee shop niyo ngayon eh."
Sagot ko. Feeling close lang.

"Hatid na kita." Sabi niya.

"Wag na nakakahiya." Sabi ko habang nauunang maglakad.

Hinawakan niya yung braso ko. "Wait nga may boyfriend ka ba?"

"W-Wala" Kyahh. Eto na ba yung sasabihin niya na pwede ba siyang manligaw. Ahm. Ano isasagot ko.?

"Yun naman pala e. Mahiya ka kapag may boyfriend ka tapos kasama mo ko."

"Sige na nga." Nakasimangot kong sabi.

"Talaga?" He said. "O ba't ka naman nakasimagot?"

"Wala. Tara na."

------------

"Salamat sa paghatid. Ingat sa pag-uwi. Text mo ko pag nakauwi kana." I said with smile.

"Sige. Goodnight." He said with matching kamot ng ulo. "Hmm. Number mo pala?"

"Ay! Oo nga eto oh 0936*******."

"Ge, una ko."

Mabilis akong pumasok sa loob dahil baka maabutan pa ni Kuya sa labas naku mahirap na.

            
A/n:  Vote and Comment. Please. Thanks. ;)

Fight For Love [On-going]Where stories live. Discover now