Chapter 17: Feeling Guilty

97 13 0
                                    

Jenna's POV

Ewan ko kung naghahalucinate lang ako. Pero kita ng dalawa kong mata na nasaktan siya sa sinabi ko base na rin sa reaction ng mata niya. Eh totoo naman na wala kaming relasyon. Diba?

'Parang concern lang sayo yung tao eh. Syempre masakit para sa kanya na sabihin nun lalo't na diyan mismo lumabas sa bibig mo! ' sigaw ng konsensya ko.

'At saka diba pinunasan mo rin siya ng pawis nang bigyan ka niya ng tubig pagkatapos mong kumanta. Remember? .Tapos ngayon parang YUN LANG! Hay nako nai-stressed ako sayong Jenna ka!. Puntahan mo yun sa table niya.' Dagdag pa nito.

Hindi ko naman sinasadyang sabihin yun eh. Di ko lang talaga alam kung bakit niya ginagawa yung bagay na yun. Syempre, bilang babae namimis-interpret ko yung mga actions niya. Ayoko namang maging feeling-era.

Ayoko rin namang isipin na nagkakagusto siya sa'kin.

'Weh!?''

So, ayun na nga. Nagi-guilty ako dun sa sinabi ko kanina. Pagkatapos ko kasing sabihin yung 'Andaming nakatingin sa atin oh..... Baka isipin nila may relasyon tayo.' Tahimik siyang umupo sa isang two table seat.

Napaigtad naman ako nang may biglang pumitik ng noo. Aww.

"Jenna serve mo na 'to kay Sir Nathan." Sabi ni Brenda. Napatingin naman ako sa hawak nitong paper bag. "Oh." Sabay bigay niya sa'kin.

Wala naman sa sarili akong tumango. At pumunta sa table kung saan nakaupo si Natnat.

"Hmm." Pagkuha ko sa atensyon niya. At inilapag ang isang paper bag.

Tumayo naman agad siya at kinuha yung order niya, nagtuloy-tuloy sa paglakad.

Hala! Hindi man lang ako pinansin.

"Oy!" Sigaw ko. Pero di pa rin ako pinansin.

"Sir Nathan!" Sigaw ko ulit. Lumingon na siya pero tumalikod na ulit.

"Natnat!" Huminto na siya at tinignan niya ako ng walang emosyon.

Kaya nagkaroon ako ng pagkakataong lapitan siya. Magsasalita na sana ako nang inilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko.

"Wag mo kong kausapin. Baka isipin nila may relasyon tayo." Walang emosyong sabi niya. Sabay alis niya daliri niya sa labi ko at naglakad na palabas.
Natigilan naman ako.

Teka?

Linya ko yun ah.

"Jenna una na ako sayo. May pupuntahan pa kasi ako." Paalam sa'kin ng ka-workmate kong si Brenda. "Bye. Ingat." Tapik pa niya sa balikat ko.

"Sige. Ingat din." Sabi ko at pilit na ngumiti.

Bagsak balikat naman akong pumunta sa stuff's room. Habang nagbibihis ako, nagtext naman si BFF.

From: BFF Farrah
Bes, ask ko lang if dumaan diyan si Nathan. Wala pa kasi siya dito eh sa hospital eh. Out mo na ba?

Ako:
Hospital? Bakit anong nangyari?! Kakaalis niya lang dito. Kaka-out ko lang. why?

From: BFF Farrah
So hindi sinabi sayo ni Nathan?

Ako:
Hindi. Nagalit pa nga sa akin eh. Medyo nagkasagutan kasi kami kanina. :( Ayaw akong pansinin.

Pagkasend ko 'non. Hinihintay ko siyang magreply pero hindi siya nagtext ulit. Kaya naman lumabas na ako sa stuff's room.

"Jenna, may maghihintay sayo sa labas. Gwapo. Uyyy." Sabi nung kachange-off kong si Sunny. Twenty-four hours kasing bukas 'to. Magka-edad lang din kami at tulad ko nangangailangan din sya ng pera.

"Ha? Sino?" Naku baka si Nathan. Ayyy! Hindi umalis na nga pala yun. Baka naman si Kuy----

"Ayyy! Siya yun. Yung anak ng boss natin!! Kyaaaah" tili ni Sunny habang nakatingin sa likod ko.

Diba umalis na yon? Yung taong galit sakin,yung taong hindi ako pinapansin, yung taong nagtatampo sa'kin at yung taong MAHAL KO-------

"Nasa ospital si Joshua, nag text sakin yung bestfriend mo, Sasama ka ba sa ospital?" Malumanay na sabi sakin ni Natnat.

"Ha? Hindi-Oo- eh.! Ahm. Oo nga nagtext sa'kin si BFF." Naguguluhang sagot ko sa kanya.
"B-bumalik ka?" Nahihiyang tanong ko sa kanya.

Narinig ko ang yabag ng sapatos niya palayo sa akin. Ako naman ay parang nagtanong lang sa hangin.

"Oy. Sunod ka raw sa kanya." Kinikilig na sabi ni Sunny. Di pa rin ako gumagalaw. "... oh? Ano? Natutula ka na diyan? Gwapo no?" Tukso pa niya sa akin.

Hindi nalang ako nagsalita. Bastos 'mang gawin lumakad na ako palayo nang hindi man nagpaalam.

Pagkalabas ko ng Coffee shop. Hinanap ko agad si Natnat. May bigla namang humintong blue na Porsche sa harap ko.

Bigla naman bumukas yung passenger seat na para bang pinapasakay na ako dun. Di na ako nag-inarte pa at sumakay na dun.

Ikinakabit ko yung seatbelt, ewan ko ba kung hindi lang ako marunong o masyado lang akong natetense dahil nga galit sa'kin si Natnat. First time namin 'to eh.

Luh? Ano 'to LQ? Joke.

Pigil hininga naman akong yumuko nang kunin niya yung dulo ng seatbelt sa may right side ko. "Kabit ko lang." Pagkasabi niya non di na naman siya umimik. Di ko naman alam kung paano ko siya magsisimulang kausapin kaya tumahimik nalang ako.

Pagkalipas ng sampung minuto nakarating na agad kami sa ospital kung saan dinala si Joshua. Malapit lang pala. Take note, panis na laway ko sa sobrang tahimik ko.

Nauna siyang bumaba st pinagbuksan ako ng pinto. Wow. Gentleman. At di man lang ako ulit pinansin. Ang bwiset lang.

Syempre, di ako papatalo.
.
.
.
.
Hinawakan ko yung kaliwang braso niya. At ....

Hinawakan niya din yung braso ko. 0_0 para tanggalin yung kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad. *pout*

"Sorry na nga eh. Di ko naman sinasadyang sabihin yun."
Sabi ko.

Naramdaman ko namang huminto siya. At binalikan niya 'ko. Di na kasi ako nakagalaw pagkatapos nung kanina.

Nilapitan niya ako. At inakbayan ako. "'Lika nga dito. I'm okay. Naiintindihan naman kita eh. Siguro nga sobra na yung actions ko." Sabi niya ng nakangiti pero 'di umabot sa mata niya. "Eh basta wag ka nang magalit. Hirap mo pa lang lambingin.." Medyo pilit na natatawang sabi ko.

"Hindi ako nagalit ah. Tampo pwede pa."

Ngitian ko nalang siya. "Nasa ER pa rin ba si Joshua?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Yes. Pero imomonitor pa raw after 2 hours. Then pwede ng ilipat sa katabing room." Sagot niya.

"Tara na. Siguradong malamig na 'yang inorder mo."

Natawa naman siya. Bati na kami, guys.

-
An: thank sa gumawa nung cover nitong story ko. xxbamchuxx
Thank you din KittyQuinn11 at mika_niall.

Fight For Love [On-going]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt