Chapter 14: Okay lang

86 12 2
                                    

Jenna's POV

 Naalala ko yung nangyari nung weekend. Sobrang nagulat ako na ganun pala kahyper at kakalog yung mama ni Chris. Mabilis din naming nakaclose si Ella- yung anak ng friend ni Tita Cha.

Anyway, naglalakad na  ako ngayon papunta sa school.

*beeeeeep*

Napatalon naman ako bigla.

"Sino ka ba?" Sigaw ko dun sa bumusina.

E paano ba naman ang laki laki ng daan, makabusina kala mo hari ng daan. Tsk.

"Sabay ka na sa'kin Miss." Sabi niya.

"At sino ka naman para magkasabay tayo?" Pilit na mataray kong sabi. Ang gwapo e!

May manipis na labi, bilugang mata at matangos na ilong. Mukhang kasing edad ko lang din siya.

Pero syempre joki joki lang yun. Kapag sa ganito talaga lumalabas yung pagmamaldita ko. Kaya naman kinalma ko muna yung sarili ko para 'di ako maging bastos.

Mataman niya akong tinignan. Mukha naman siyang mabait. "Okay. I introduced myself first. I'm Sid Vargas from SJU and you... are?" Tanong niya. Tsk. So what's your point? Feeling close ka! Yan sana yung gusto kong sabihin.

Naglahad pa siya nung kamay niya. Pero di ko 'yon tinanggap.

Minsan nang naikwento sakin nila BFF at infinite boys na ang SJU ang kaaway na school ng SMU sa sports at academics.Dalawang kanto lang ang layo nito sa SMU kaya madadaanan ako nito. Napalingon ako sa sinag ng araw. Waaah! Late na pala koooooooo.

"Jenna nga pala. SMU. Ge una na 'ko. May klase pa kami uy." paalam ko

"Wai-----" di pa niya tapos yung sinasabi niya ay tumakbo na'ko palayo.

"Hoooh! Kapagod" pagdating ko malapit sa corridor sa room namin. Naabutan ko namang nasa labas si Nathan ng room namin. Sila Bff naman ay mga nakatayo malapit sa pinto ng room.

"Oh? Anyare sayo BFF? Mukha kang hinabol ng sampung kabayo sa ayos ng buhok mo oh." Mapangasar na sabi ni BFF. Napakabait na bff.

"Lakas kasi ng hangin sa daan. Magkakabagyo ata. Di ako ready." Pamimilosopo ko. "....May suklay ka ba 'dyan?" Pilit na di matawang dagdag ko pa.

"Loka!" Bumaling si bff kay Natnat. "Oy! Baka naman" sabi ni BFF sabay nguso sa bag ko. Nagtaka naman ako ng kinuha ito ni Natnat at nilagay sa upuan ko. Nagtaka naman ako sa inasta nila.

"Oy ano yon? May usapan ba kayo? Nao-OP ako eh." Sabi ko

Bigla naman namang nagsalita si JK. "Eh paano ba naman si---" di na niya natapos yung sasabihin niya ng pukulan siya ng masamang tingin ni Nathan.

"Jenna." Biglang singit ni Chris, seryosong boses? Napalingon naman sa'kin lahat.

"O-oh?" Nauutal na sagot ko.Waaah! Bakit bigla akong kinabahan?

"Sino yung kausa---" di na niya natapos yung sasabihin niya kasi biglang dumating yung terror teacher ng Science.

"Ok. Class prepare yellow paper for our 50 items short quiz. For those who gets a 40 score below, I will drop out in my subject. Understand!?" Grabe naman 'tong si Sir. Buti nalang advance reading ako.

Pilit naman naming tumango nalang lahat.

"Magsasalita kayo o 0 kayong lahat?" Sigaw ulit ni Sir.

"YES CHER!!" sigaw naming lahat.

"Sinisigawan niyo ko?"

"HINDI CHER!"

Fight For Love [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon