Leche Plan

3.5K 79 24
                                    

Sharlene's POV

"Oh Sharlene?! Bat ganyan ang mata mo? nag iyak ka ba?"-tanong sakin ni Roann pagkarating ko sa studio

"Ah wala to..napuwing lang"-sagot ko habang pinupunasan ang mata ko

Oo.. nag iyak ako.. sino ba naman ako para hindi maiyak sa desisyong ginawa ko.. Inaamin ko, pabigla bigla ako.. pero wala eh.. nasunod na yung puso ko.. wala akong inisip kundi yung nararamdaman ko.. masakit eh! Nasaktan ako! At ayon.. di ko na kinaya..

"Magstart na tayo.. Asan si Nash?"-tanong ni Direk samin

Lumingon-lingon naman si Roann

"Oh? Asan na yun?"-tanong sakin ni Roann

"Ah.. di ko alam"-tanging sagot ko

Lumapit naman samin si Alexa.. inismidan nya lang si Roann at tumabi sa kabilang side ko.

"Shar! nakita mo ba si Wawa? Sabi nya kasi kanina sakin uuna na daw sya tapos sya pa pala ang wala dito"-sabi nya

"Ewan"-yun lang ang sagot ko.. kung makapagtanong naman kasi parang walang nangyari kanina.. sya kaya ang dahilan kung bakit wala na kami!

"Ahh.. ganon ba.. ay! nga pala! bat ka ba biglang umalis sa dressing room kanina? tsaka anong sinabi mo? di kita naintindihan"-sabi nya sakin.. sus! painosente!

"Ah yun ba? sabi ko dapat sinabi nyo na sakin na may relasyon pala kayo.. na shock tuloy ako kanina nung nakita kong magkikiss na kayo"-sabi ko..

Mukhang nagulat naman sya.. nabuking na eh!

"Ha? Nagpapatawa ka beh? anong relasyon? tsaka kiss? hahaha in my dreams!"-sabi nya.. palusot pa eh! nahuli na nga kanina tss..

"Eh pano mo naman ipapaliwanag yung nadatnan ko kanina?"-tanong ko

"Yun ba? Eh kasi naman----"

"Sharlene at Jairus! Kayo muna mag take kasama yung ibang talents.. mamaya na yung scenes na kasama si Nash. Ang tagal eh. Asan ba yun?"-sabi ni Direk

"Oh kayo pala muna.. mamaya ko na lang ikwekwento"-sabi ni Alexa.. tumango na lang ako..

Lumingon ako kay Roann na ngayon ay mukhang di nakakarelate sa pinag uusapan namin..

"Tara na"-sabi ko sa kanya sabay hila sa kamay nya

"Hoy! Ano yon?"-tanong nya

"Wala"-sabi ko

"Jusko! di aandar sakin yang kasinungalingan mo Shar! Usap tayo mamaya"-sabi nya

"Oo na!"-sagot ko.

Tapos nagsimula nang magtake ng scenes namin

Yung apat na mokong, si Red at si Roann walang ginawa kundi magkumpulan sa set at kunwaring nagchichismisan..

Habang nagtatake kami ng scene namin ni Jai..

"Cut muna! Oh Nash! Buti naman andito ka na. San ka ba galing?"-tanong ni Direk..

Napatingin ako.. kung ako mukhang ewan kanina dahil sa pag iyak ko bago ako dumating dito.. si Nash naman..

..ayos na ayos.. ang aliwalas ng mukha.. parang walang nangyari.. parang walang paki.

"Ah.. may nagpagreet po kasi sakin kanina na nakasalubong ko sa hallway kaya ngayon lang ako"-sabi nya habang nakangiti.

So.. di man lang ba nya dinamdam yung break up namin di tulad ko? at nakapag greet pa talaga sya sa lagay na yun ha.. mga lalaki talaga!

"Sa susunod ipagpaliban mo muna yung ganon.. sige kayo naman ang mag tetake.. Shar at Jai.. mamaya na ulit kayo.. Nash at Alexa pasok na!"-sabi ni Direk

FRIENDZONED or NOT? (NASHLENE)Where stories live. Discover now