Spin the Bottle

6.6K 73 3
                                    

Sharlene's POV

Maya maya pumasok na din kami ni Jai sa loob..

Nakita namin na kumpleto na pala sila sa table kami nalang ang kulang

"Bro san ka galing? Kanina pa kita iniintay akala ko napano ka na!" sermon sakin ni Nash

"Jan lang naman sa labas nag usap lang kami ni Jai" sabi ko sa kanya..

"Anong pinag usapan nyo?" tanong nya

"Tungkol sa partner sa show.. Eh ano napag usapan nyo ni Alexa? Gumana ba ang plano? Nasabi mo na bang crush mo sya?" tukso ko sa kanya

"Hindi noh.. tungkol lang din sa show ang napag usapan namin" sagot nya

"Tss.. bagal mo bro!" bulong ko sa kanya

"Hay.. ewan ko sayo.. may sasabihin daw si direct buti sakto ang dating nyo" sabi ni Nash

At pumunta na si direct sa stage sabay sabi ng" Okay.. bukas di lang ang the breakers ang aatend ng meeting kundi ang lahat ng cast.. 8am sharp dapat andito na.. Sana walang malate.."

At umuwi na kami pagkatapos nun..

Kinabukasan..

Maaga akong nagising at nag ayos agad ako ..8am ang meeting eh

Outfit ko ngayon: Gray na romper na may belt tapos nagpony tail nalang ako ng buhok tsaka nag sandals..

Di kami sabay ni Nash ngayon kaya inihatid ako ni manong Allan..

Pagkadating ko.. nakita ko sina Jairus, Alexa, Sophia at Mika.. kaya naman nagkwentuhan muna kami..

Maya maya.. dumating na si Nash kasama si Kobi.. Antagal naman ni direct.. sya nalang iniintay.. sya kaya nagsabing bawal late tss

Organizer: Sa lahat ng cast after 30 mins pa makakapunta si direct nagkaemergency daw.. standby lang kayo jan..

"Aww.. kaya pala" -Jai

"Tss ang boring" -Sophia

"Ano kayang magawa?" -ako

"Hmm Laro nalang tayo?"- Alexa

"Ano naman?"- Nash

"Spin the bottle tayo guys!"- Mika

"Ah masaya yan!"- Kobi

"Sige!Game!" -kaming lahat

At nagsimula na ..una nagspin si Mika and guess what??

Tumapat sakin.. Lechugas.. buena mano agad!

"Truth or dare?" tanong nya

"Truth!" sagot ko.. ayaw ko mag dare ngayon puro kalokohan naman ang ipapagawa nila eh..

"Hmm.. sige.. Nagkaboyfriend ka na ba?" tanong ni Mika

"NBSB yan!" singit naman ni Nash

"Hoy lalaki.. ako ung tinatanong hindi po ikaw!" sabi ko sa kanya..

"NBSB ka ba talaga? totoo ba un Shar? bakit naman? ayaw mo pa mag bf?" tanong naman ni Jai

"Totoo un.. di naman sa ayaw.. kasi tropa lang turing ko sa kanila eh haha" sagot ko naman

"Pano hindi kasi kilos babae eh kaya matumal lovelife" sabat nanaman ni Nash

"Isa pa Aguas! Isusupalpal ko na tong bote jan sa bunganga mo!" naiinis na sabi ko.. tumawa naman ung iba..

"Nakakailang tanong na kayo ha..ako na magsspin" sabi ko sabay paikot ng bote at tumapat kay Alexa.. galing ko talaga hahaha

"Truth" sabi nya

FRIENDZONED or NOT? (NASHLENE)Where stories live. Discover now