Guilt

5.7K 62 2
                                    

Nash POV

"Ano.. Nash.. kasi nagtext sakin si Mommy.. sabi nya nasa ospital daw si Daddy.. emergency daw eh.. pwede bang magpahatid?"-Alexa

Pano yan?? mas emergency kasi yung kay Alexa eh!.. Tatawagan ko nalang mamaya si Shar.. mas malapit din kasi yung parking lot kung nasan ang kotse ko dito sa Chup shop eh.. yung fountain naman sa kabilang dulo pa.. kaya di ko din madadaanan si Shar..

"Sige.. tara na.."-ako.. at pumunta na kami sa kotse ko at pinaandar na ni manong papunta sa ospital..

At pag minamalas ka nga naman! Sobrang trapik! Tinatawagan ko si Shar kaso unattended yung phone nya.. bat kasi naka off?? wag mo sabihing nadead bat sya?!

Plok.. plok.. (Wag ka.. patak ng ulan yan..)

Halaa.. uulan pa ata?? Baka naman nakauwi na si Shar..

Sharlene's POV

Antagal !!!! Ilang oras na ba ako naghihintay dito??!! Nagagalit na ako.. Matapos ako iwanan.. pag iintayin pa ako?!

Baka kasi.. ang saya ni Nash ngayon.. kasama kasi si Alexa.. at nakalimutan nanaman nya ako.. Ang sakit lang! Palagi nalang! Hanggang kelan ba ako magkakaganito?! Hanggang kelan ba ako magpapaka tanga?!

Plok..plok..

Huh? Di pa naman ako naiyak ah... bat may luha agad??

Napatingin ako sa palagid.. Shet! naulan!!

Aalis na sana ako.. kaso baka biglang dumating si Nash at hanapin ako.. kaya mag stay muna ako dito.. pabayaan na ang ulan na yan!

Nash POV

Hanggang ngayon.. trapik pa din.. pero medyo malapit na kami sa ospital.. Anlakas na ng ulan.. Sana talaga nasa bahay na si Shar..

Maya maya.. nakarating din kami.. Nakita namin ang Mommy ni Alexa sa labas ng ospital..

Pagkababa namin sinalubong agad kami ng Mommy nya..

"Tita.. hinatid ko lang po si Alexa.. uuwi na po ako" paalam ko

"Nako Nash.. maraming salamat ha.. pero bago ka umuwi bisitahin mo muna ang tito mo at nang makapagpasalamat din sya sayo"-Tita.. nakakahiya namang tanggihan.. kaya sumama na ako

Pagkatapos ng Thank you session namin ni Tito.. Pinakain naman ako ng Mommy ni Alexa.. eh gutom na talaga ako.. kaya kumain na ako..

"Tita, Tito, Alexa.. uwi na ako.."-ako

"Sige Nash salamat ulit"-Tito

"Ingat ka ha!"-Tita

"Bye! Thank you sa lahat! Bukas na lang ulit!"-Alexa

At umalis na ako.. kumusta na kaya si Shar?? pupunta pa rin ako sa fountain para sigurado.. Sana wala sya dun.. Sana safe sya sa bahay nila..

Sharlene's POV

Time check: 6:00pm

Walanjo! 6hours na ako nag iintay dito!

Gutom na gutom na ako, basang basa, walang pamasahe at yapak pa! san ka pa?? dinaig ko pa ang pulubi sa lagay kong to..!!

Wala na talaga! Iniwan na nya talaga ako! Nagsisisi ako.. sumama pa kasi ako! Ayoko na.. Pagod na ako.. Sobrang galit ako sa kanya ngayon!

Kelangan ko na umuwi.. Kahit malayo ako ngayon sa bahay.. siguro kakayanin ko naman maglakad..

Umalis na ako.. habang paalis ako.. iniwan ko lahat ng nararamdaman ko para kay Nash.. ang pagkagusto ko sa kanya pati na rin ang pagtitiwala ko..

Di ko na hahayaang maulit pa to sakin.. Di na ako magpapakatanga sa isang katulad ni Nash Aguas.. na walang ginawa kundi ang iwan na lang ako..

Nash POV

Pagkarating ko sa may fountain.. bumaba agad ako ng sasakyan.. hinanap ko sya.. wala si Shar.. Whew! buti nalang! baka nasa bahay na siya.. Bisitahin ko na lang mamaya at magsosorry ako..

Pagkadating namin sa Lachryville..

"Manong dun po ako bababa kina Shar"-ako

"Sige Sir.."-Manong

Pagkababa ko.. kumatok agad ako.. at si Tita ang nagbukas ng pinto..

"Tita.. si Shar po?"-ako

"Yun nga eh! Kanina pa ako nag aalala Nash.. Wala pa sya eh.. Sabi nya dun sa note.. may pupuntahan lang daw tapos di pa nya dinala yung bag nya eh dun nakalagay lahat ng pera nya .. tapos di ko macontact phone nya..baka kung ano na ang nangyari dun.."-Tita

"Ano ho?? Wala pa po sya?! Tita magpapalit lang po ako ng damit samin.. pag anjan na po si Shar.. itext nyo po sakin ha!"-ako

"O sige!"-Tita

At umuwi na ako samin..

Pagkapasok ko sa kwarto..

Sinuntok ko yung pinto.. Naiinis ako sa sarili ko! Wala pa si Shar dahil sakin! Baka mapahamak si Shar dahil sakin!

Hindi sya nagdala ng pera kasi sinabi kong wag na.. Bat ko kasi nalimutan na wala nga pala syang dalang pera! Pano sya uuwi kung wala syang pamasahe?? Bat kasi makakalimutin ako?!!

Medyo nagdugo yung kamay ko dahil sa pagkakasuntok ko sa pinto.. pero wala pa ito sa pinagdadaanan ni Shar ngayon! Napakalaki ng nagawa kong kasalanan sa kanya at hinala ko galit na sya sakin ngayon..

May karapatan naman talaga syang magalit eh.. Dahil iniwan ko sya.. pinaghintay.. at inilagay sa kapahamakan..

Nagpalit na agad ko ng damit..

Hahanapin ko sya! Pupunta ako kahit saan mahanap ko lang sya!

Palabas na ako ng pinto ng biglang tumunog ang phone ko.. may nagtext..

From: Tita Mylene

Nash! andito na si Shar.

Kahit papaano ay natuwa ako at nakauwi sya.. Kaso.. paano ko sya haharapin?? Bahala na..

Pumunta na ako sa bahay nila Shar.. Si Tita ulit ang nagbukas ng pinto..

"Kumusta po siya Tita?" tanong ko

"Ayun.. nasa kwarto na nya.. nagshoshower.. kasi nung dumating sya.. basang basa at nagpaulan ata.. tapos puro putik yung paa kasi nakayapak dahil napigtas ang swelas nung sandals nya.. tinanong ko nga kung pano sya nakauwi eh.. sabi naman nya naglakad daw sya.. tapos gutom na daw kasi di ba nga walang pera.. kaya nagluluto ako ngayon.. oh ikaw ba ?? kumain ka na ba? sabay ka na kay Shar.. bababa na yun mamaya"-Tita

Nakonsensya ako sa mga sinabi ni Tita.. dahil sakin kaya ganun ang pinagdaanan ni Shar..

Kung hindi ako sumama pa sa loob ng ospital at kung tinaggihan ko ang inalok na pagkain ng mommy ni Alexa.. sana di ganun kahirap ang pinagdaanan ni Shar..

Naaawa ako kay Shar.. at ang tanging masisisi ko ay ang sarili ko.. Anong klaseng bestfriend ako??!! Naiinis ako sa sarili ko!!!

"Ah.. next time nalang po Tita.. kinumusta ko lang po si Shar eh.. sige po.. bye po."-ako.. at umuwi na ako..

Kelangan kong humingi ng tawad kay Shar.. Mag iisip ako ng paraan magka ayos lang kami..Ayoko ng ganito.. baka lalo syang mawala sakin ..

To be continued..

(A/N: Madramang chapter ni Nash naman.. hahaha.. pang MMK eh LOL.. Stay tuned! lets see kung pano sila magkakabati! Saranghae RAWR XD )

Votes and comments are free and highluly appreciated.. Thank you

Lovelots..

yOOnjOoLee/yuuchan01

FRIENDZONED or NOT? (NASHLENE)Where stories live. Discover now