Oops! Wag Green Minded!

5.8K 77 28
                                    

Nash POV

"Alam mo bang..crush kita--

Nang sinabi yan ni Shar.. parang tumigil ang mundo ko.. Ang straight-forward naman nya! Di pwedeng magpaligoy-ligoy muna?? Di ako ready eh!

Di ko alam kung anong irereact ko..pero sa kaloob-looban ko.. yung puso ko.. nagpaparty-party na! Lakas lang maka-kabog parang gustong tumalon.. Ewan ko pero napangiti ako dun..

Kung ganon.. parehas lang kami ng nararamdaman sa isa't-isa? ano kaya isasagot ko sa kanya? 'I like you too?' wag yun! masyadong mabilis.. 'I crush you too'kaya?oo yun nalang..para MU na kami.. Nagising ako sa pagmumuni-muni nang mapansin kong bumukas ulit ang bibig ni Shar para magsalita..

"--dati"-pagpapatuloy ni Shar sa sinabi nya kanina.. at dahil dun.. para naman biglang na stroke ang puso ko.. tumigil ata sa pagtibok..bat may 'dati' na kasunod?! di ba pwedeng 'hanggang ngayon' nalang?? Nawala ba yung nararamdaman nya para sakin? Ang sakit naman nun! Mafrefriendzone ata ako sakaling magtapat ako ngayon.. Napawi yung ngiti ko kanina..

"Huy! okay ka lang bro? Bat ganyan mukha mo? Sabi mo di ka magagalit?"-sabi ni Shar

"Di ako galit"-sagot ko na lang..at umiwas ng tingin sa kanya.. kelan pa kaya? bat di ko alam na nagkagusto na pala sya sakin?

"Naiilang ka ba? Wag ka mag alala..nakamove on na ako noh hahaha wala na yun.. bro pa rin tayo di ba?"-tanong nya..

"Tss.. oo na"-sabi ko.. oo na lang.. wala na tayong magagawa.. nakapagmove on na daw sya.. tanggapin nalang!

"Eh ikaw?bro? sino na nagugustuhan mo ngayon? share naman jan!"-sabi nya sakin..

"Yung totoo?"-tanong ko.. aaaminin ko ba na sya yung taong gusto ko?

"Ay.. hindi.. yung peke? -_- seryoso na kasi.. yung totoo syempre!"-sagot nya naman.. nakuha pang mambara.. ano kaya magiging reaksyon nito pag nalaman nya sagot ko?

"Ah okay.. sasabihin ko na.. ang totoo kasi nyan i---" -nagsasalita palang ako nang bigla syang sumabat kaya napatigil tuloy ako -_-

"Ang totoo kasi nyan i---isa ang nasa puso mo at yun si Alexa! Tama ba? Yun yung eksaktong sasabihin mo di ba? "-sabi ni Shar.. ay! ganyan ka eh! di mo ako pinapatapos tsk!

"Tatanong tanong ka tapos ikaw din sasagot?"-sabi ko nalang sa kanya.. jumping to conclusion agad sya eh! kung alin ang gusto nyang paniwalaan dun sya..

"So sya nga? Alam mo ba..inamin nya sakin na crush ka talaga nya.."-sabi nya

"Alam ko..ramdam ko naman eh"-sabi ko

"Diakomanhiddituladngibajan"-dagdag ko pa at sinabi ko yun ng walang hingahan hahaha baka mahalata nya eh.. tulad nung nasa roller coaster kami kanina..muntik na ko dun! Nung isinigaw ko yung 'Shar mahal kita ang manhid mo sobra!'--yan yung sinigaw ko.. buti di nya masyado narinig hahaha..

"Ano? di ko naintindihan..pakiulit?"-sabi nya

"Wala ng ulitan"-sagot ko

"Kanina ka pa..ganyan ka naman eh! bahala ka na nga.. pero maiba tayo.. si Alexa.. gusto mo ba sya? o may possibility ba na magustuhan mo din sya?"-tanong nya

Napaisip naman ako..Di ko naman gusto si Alexa more than friends pero.. kung wala na talaga akong pag-asa kay Shar.. pwede rin na magustuhan ko si Alexa di ba?

"Siguro? Baka? Pwede?"-sagot ko nalang sa kanya..di pa ako sigurado eh..

"Ah..ganun ba aray naman"-sabi ni Shar na medyo matamlay ang boses.. anyari dito?

"Bat ganyan ka? May masakit ba sayo?"-tanong ko..

Sharlene's POV

"Ah ganun ba aray naman"- wala sa sariling sambit ko..

FRIENDZONED or NOT? (NASHLENE)Where stories live. Discover now