AWKWARD!

6.1K 66 3
                                    

Sharlene's POV

~Tsup~

Punyemas na lechugas na nagkalagas-lagas! Shemay!! Shet na malagkit na nagkadikit-dikit ang lips namin ni Nash.. X(

Dahil sa gulat ko.. tunulak ko sya ng napakalakas.. kaya nahulog sya sa upuan.. plakda eh! hahaha

"Ano ba?!" galit na sabi ni Nash.. oops nasaktan ata?

"Sorry! ikaw kasi eh!"-ako

"Anong ako? eh ikaw kaya ang basta basta nanghahalik jan!"-Nash

"Eh bakit ka kasi lumingon?! sa cheeks lang dapat yun eh!"-ako

"Eh malay ko ba? di mo naman sinabi na manghahalik ka ah!"-Nash

"Eh sa naiilang ako pag alam mong k-k-ki-kissan kita eh.. tsaka tinutupad ko lang naman ang usapan natin eh.. bigla ka kasing lumingon kaya di tuloy sa cheeks nag landing.. kaya ikaw may kasalanan!"-ako

"Ako pa? Eh kasi ..kaya po ako lumingon yung tinuro mong araw na sinabi mong bababa na.. ang taas taas pa oh! Sana yung babaeng baliw na nanlilimos na lang yung tinuro mo.. dun pa ako mapapatulala!"-Nash sabay turo nung baliw.. oo nga noh

"Langya.. yung first kiss ko!" pagalit na sabi ko.

"Ikaw kasi eh.. kasalanan mo din.. tsaka kung di mo alam ninakaw mo din ang first kiss ko!"-Nash sabay upo dun sa dulo ng bench

OK! AWKWARD!

Unti unti akong umipod sa kabilang dulo nung bench kaya anlayo nanamin sa isa't isa.. Wala din naimik saming dalawa..

Hanggang sa..

"Uy tignan mo yung lovers na nagdadate oh parang may LQ! haha"-sabi nung girl.. ay oo ate pakilakasan pa boses mo.. di kasi namin naririnig eh!

"Oo nga noh hon! parang tayo lang dati hahaha"- sabi nung boy.. yung totoo?? di uso sa inyo ang mag usap ng mahina ang boses? Halos ipagsigawan na eh!

"Sorry"-Nash.. tumingin sya sakin

"Sorry din"-ako..nginitian ko sya.. eh kasalanan ko din naman talaga eh.. pasensya na.. ngayon ko lang narealize talaga haha

"Wag na lang natin bigyan ng malisya bro"-Nash at ngumiti din sya

"Oo ba.. basta wala din makakaalam nito ha"-Ako..

"Ok.. swerte mo nga ako yung 1st kiss mo eh!"-Nash

"Kapal ng mukha mo! Para namang ginusto kong ikaw ang maging 1st kiss ko!"-ako

"Osya.. tama na satsat..tara uwi na tayo.."-Nash.. at tumayo na sya

"Tara! ikaw nga jan kalalaking mong tao ang daming mong dakdak hahaha"-Ako..

At naglakad na kami habang nag aaway..para kaming tanga eh noh hahaha

Pagkarating sa Lachryville:

"Bye Shar.. bati na tayo ha.. goodnight"-Nash.. habang binubuksan ang pintuan nila..

"Oo na nga po bati na tayo! bye.. Goodnight!"-ako ..bago pumasok ng bahay

Nang nasa kwarto na ako.. Nagbihis na ako.. bigla namang tumunog yung cp ko.. May Nagtext! hahaha

From : Bro

Goodnight .. text sa free haha

#IKissAGirlAndILikeIt!

-GM

o_O Aba't tengeneng yen! ano tong kalokohan ng lalaking to?!

Nireply-an ko nga.. at ito ang naging convo namin:

Ako: Hoy bro! wag namang talkshit!

Nash: Problema mo nanaman bro?!

Ako: About dun sa gm mo!

Nash: Oh?alin dun? Yung "text sa free?"

Ako: Nyemas ka! Nagpapakainosente ka pa! Dun ho sa i kiss a girl thingy..

Nash: Ah.. dun sa I Kiss A Girl and I Like It?

Ako: Oo! kelangan ulitin pa ulit?

Nash: Oh anong meron don?

Ako: Hay nako! akala ko ba walang malisya at walang makakaalam dun sa nangyari satin kanina?! eh bat ganun ang gm mo?!

Nash: Eh wala naman yun kinalaman dun sa nangyari kanina eh.. nag on kasi si Mommy ng radio eh un ang tugtog kaya yun ang naitype ko.. pamparami lang ng content sa gm ko..

(Okay pahiya ako ng konti dun hahaha)

Ako: Dapat nilinaw mo kasi!

Nash: Tss..ikaw ata ang affected eh.. patay malisya dapat bro!

Ako: Affected your face.. nakalimutan ko na nga yun eh.. Ano ba yung pinag uusapan natin? Di ko na maalala eh..

Nash: Lul ka bro ahaha gusto mo ipaalala ko ulit? ;)

Ako: Ah! wag na! di naman kelangan eh hahaha tsaka di naman importante.. Sige gudnyt..

Nash:Gudnight din.. punta ako jan bukas ah.. maghapon ako jan.. pasabi na din kay tita Mylene.. :)

Ako:Ha? anong gagawin mo dito? At maghapon pa talaga ah!

At di na sya nag reply..bow!

Kaya natulog na lang ako.. Bahala na bukas!

To be Continued..

(A/N: Ano kaya mangyayari kinabukasan? Hahaha Abangan! sorry sa late update! Sorry din kung mejo matumal at matagal ako magUD.. Mejo busy eh.. Pero pramis tuwing weekends bubusugin ko kaya sa UDs ko.. Saranghae RAWR XD )

Vote Like Share and Leave a comment guys..

pa add na din sa FB:

lieann_valenzuela@yahoo.com

Lovelots..

yOOnjOoLee/yuuchan01

FRIENDZONED or NOT? (NASHLENE)Where stories live. Discover now