Ligaw Problems

5K 81 16
                                    

Nash POV

"Talaga?!"-tanong ko ulit sa kanya

Eh sa di talaga ako makapaniwala! Pumayag sya!! Corny man sabihin pero feeling ko nasa heaven na ako hahaha.. Sa wakas!! nakatyempo rin XD

"Oo nga! Kanino ba?"-sabi nya.. YUN LANG!

=_________=

Malamang sayo!

Paking tape!!!

Pwedeng magwala? /3

Akala ko---yun na eh! Akala ko---gets na nya! Tapos---tapos hindi pa din pala!! Kung kanina heaven yung feeling..ngayon--parang inilaglag ako sa lupa ng walang stop over.. lakas makahila ni gravity kaya lagapak ako dahil sa impact.

Daig pa ata ni Maria Clara to eh! at least si Maria Clara nakipagPBB teens na nung maramdaman na gusto sya ni Ibarra.. eh si Shar? ginawa ko na ang lahat! Nganga pa rin ako -_- ang hirap naman neto oh!

Sharlene's POV

"Pwede bang manligaw?"-tanong ni Nash.. natigilan naman ako dun.. manligaw? humihingi ba sya ng permiso sakin para manligaw? kanino naman kaya? >:(

"Oo naman"-sagot ko nalang bestfriend eh full support dapat -_- .. sino nga kaya yung sinasabi nya?? ako kaya?? Leche na! Asa pa ako hahaha malamang ibang babae yun! Pag nalaman ko kung sino yun ipahahunting ko yun kay Red at Roann nang lubayan na si Nash.

"Talaga?"-tanong nya ulit.. ay ang kulit! Sabihin na kasi kung sino nang maipablatter na!

"Oo nga! kanino ba?"-tanong ko para magkaalaman na.. kanino ka manliligaw?! sabihin mo at nang maiLIGAW ko na sa Quiapo yang babaeng yan! Para hindi na kayo magkita ng karibal kong yan! tss

Napansin ko naman na nag iba yung expression ng mukha nya.. Natulala at napanganga pa.. Anyare dito??

"Huy! ok ka lang? ano na?"-tawag ko.. mukhang natauhan naman sya

"Ano.. wala wala.. nevermind"-sabi nya..anong wala?tss

"Sus! ngayon ka pa nahiya sino nga?"-tanong ko..ang galing bumawi ng nasabi na tss

"Next time na lang 5:30 na oh super late na tayo.. tara na!"-sabi nya

Napatayo naman ako at naglakad na kami.. pero kinukulit ko pa rin sya..

"Sino nga? Akala ko magpapatulong ka sa panliligaw? Pumayag na nga ako eh! tapos di mo sasabihin kung sino"-sabi ko at sumakay na kami sa kotse

"Wala nga yun! bat ba ang kulit mo?"-sabi nya mejo pasigaw na sya nyan

"Di kasi ako naniniwalang wala! meron yan! sino ba kasi?"-sabi ko

"Bat ba ang kitid ng utak mo?"-inis na sigaw nya.. aba! sumosobra na to ah!

"Eh bat ba kasi ang talkshit mo? Sinabi mo na..binawi mo pa!"-sigaw ko

"Wala kana dun! Babaeng malago ang bigote!"-sigaw nya.. asdfghjkl!!! naghahamon ata to ng away eh! patulan ko nga!

"Eh ikaw? Lalaking matulis ang nguso!"-sigaw ko.. halata namang napikon sya hahaha

"Malapad ang mukha mo!"-sigaw nya.. mukhang di papatalo ha?

"Malaki naman ang bibig mo!"-sigaw ko.. eh talaga naman eh hahaha

"Pango!"-sigaw nya.. grabe lang mang-insulto! ang galing maghanap ng imperfections ko haha

"Usngal!"-sigaw ko.. wala na akong mahanap na ipanggaganti sa kanya eh puruhan na natin sa bibig XD

Tapos tumigil sya kaya napatigil din ako tapos nagkatitigan lang kaming dalawa..

FRIENDZONED or NOT? (NASHLENE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora