Meet Chef Shar

5.9K 64 6
                                    

Sharlene's POV

Pagkatapos ko mag CR.. inayos ko na ang sarili ko..

Habang nakaharap sa salamin.. napaisip ako..

WEIRD.. ang weird nila kanina.. Kasi ang o-OA nila kung magreact dun sa mga sinasabi ko.. eh nagkwekwento lang naman ako tungkol dun sa nangyari samin..

Wala naman akong naaalala na mali dun sa mga sinabi ko..detalyado pa nga yun eh kaso bigla nalang silang sasabat tapos parang gulat na gulat na para bang may nasabi akong masama..

Tapos si Nash tawa ng tawa.. ang laki ng sapak!

Nako! nakakapraning naman! Makabalik na nga dun -_-

Nung palapit na ako sa kanila.. parang may pinag uusapan sila.. tapos may narinig ako..

" Asdfghjkl yun..yun yung totoong nangyari"-sabi ni Nash

"Ahhh.."-react naman nung iba

Ano kaya yun?

"Hoy! Anong meron?"-tanong ko sa kanila.. at umupo na ako sa tabi ni Mika

"Kasi B1 pinaliwanag lang samin ni Nash yung nangyari kanina"-sagot ni Miks

"Oh? bakit pa? napaliwanag ko na di ba? Sabi nyo naintindihan nyo pa nga ako eh"-sabi ko sa kanila.. ang gugulo naman nila!

"Eh kasi ang akala namin nag-hmmmm!"-si Kobi yan..biglang tinakpan ni Jai yung bibig nya..

"Eh kasi ano.. iba kasi ang naisip namin..di kasi nagkaintindihan masyado.. lagi kasing may sumisingit kaya ayun hahaha"-paliwanag ni Jai.. habang pinipigilan parin magsalita si Kobi

"Bakit? Ano ba pagkakaintindi nyo?"-tanong ko naman

"Wala..wag na natin yun pag usapan.. ang mahalaga klaro na ang lahat.. Tara nalang umorder"-sabi ni Alexa.. parang ang saya nya ngayon kumpara kanina..

"Sige gutom na rin naman ako eh"-sabi ko..

"Anong bago? Gutom ka naman lagi"-sabi ni Nash.. itong isang to ang sarap batukan!

"Aray! Kelangan talaga mambatok?!"- sabi ni Nash.. eh? nabatukan ko pala sya hahaha.. astig! di lang bibig ko ang may sariling utak..nakisama narin yung katawan ko! hahaha XD

"Ikaw kasi"-sabi ko na lang.. at umorder na kami

Pagkatapos namin kumain.. Medyo gabi na pala..

"Uwi na tayo?"-tanong ni Sophia

"Sige"-sagot naman namin

Pagkasakay namin sa van..

Si Jai..sumandal lang saglit.. harok agad.. di man lang pinahiram sakin ipad nya para makapagminion rush muna -_-

Inilabas ko yung earphone at phone ko sa bag.. no choice eh.. soundtrip nalang habang nasa byahe..

Bigla naman kinuha ni Nash yung isa at balak ilagay sa tenga nya kaya pinigilan ko.. aba! makikisoundtrip pa ata ng walang paalam-_-

"To naman.. share!"-sabi nya

"Ayoko nga! kay Alexa ka na lang!"-sabi ko.. narinig naman yun ni Alexa kaya nginitian nya ako.. di ba nga sabi ko tutulungan ko sya? 1man 1word kaya to! di pwedeng di ko sya tutulungan kahit gusto ko na mag back out ngayon..

"Damot! Oy Alexa.. ano ba mga songs na nasa playlist mo?"-tanong ni Nash kay Alexa

"Hmmm.. puro kay Justin Bieber"-sagot naman nya..

Tumingin sakin si Nash at binigyan ako ng parang-awa-mo-na look.. pfft hahahahaha gustong gusto ko tumawa ngayon..di ko lang magawa! hahahaha

"Puro kay Taylor to"-bulong ko sa kanya.. pero sa totoo lang halo halo to.. iba't ibang kanta, iba't ibang artist.. di naman porket idol ko si Taylor, di na ako pwedeng magdownload ng kanta ng iba.. di ako ganun noh!

FRIENDZONED or NOT? (NASHLENE)Kde žijí příběhy. Začni objevovat