Extra Surprise Visit

4.1K 75 24
                                    

Sharlene's POV

"Mali ka.. mali yung iniisip mo!"-sabi ni Nash

Defensive??

Wala pa nga akong sinasabi.. Mali agad? Umatake nanaman ba ulit ang pagka mind reader nya at nalaman nyang mali yung iniisip ko?

"Let me explain"-dagdag nya.. may pa-let me-let me explain pa syang nalalaman.. may paganon-ganon pa syang dialog ah.. akala ko sa teleserye at movie lang yun nangyayari.. pati rin pala sa wattpad meron non XD

Tinapat ko na lang yung palad ko sa mukha nya para tumigil sya sa pagsasalita..

"Naexplain na sakin ni Alexa"-sabi ko.. kaya wala na syang lusot -_-

Tatalikod na sana ako nang hawakan nya ako sa braso at iharap sa kanya.

"Kung ganon bakit galit ka?"-tanong nya

"Nash.. girlfriend mo ko.. may karapatan akong magselos kapag napapalapit ka sa ibang babae"-sabi ko.. at wala akong laban dahil di nila alam na bf ko sya -_-

"Shar naman.. magtiwala ka sakin okay? di kita ipagpapalit.. ikaw lang.. o kung gusto mo sabihin na natin sa kanila na tayo na"-sabi nya.. gusto ko din namang ipagkalandakan sa iba na kami na eh kaya lang..

"Wag na.. baka lalong magkagulo.. naniniwala naman ako sayo"-sabi ko.. tsaka titiisin ko na lang to.. hangga't kaya ko pa..

"Edi okay na tayo?"-tanong nya.. hindi pa! kelangan may pambawi XD

"Libre mo muna ako.. ice cream!"-sabi ko.. sabay ngiti..

Pagsubok lang yan.. kelangan lang maging matatag kami.. hangga't walang bumibitaw.. siguradong magtatagal pa kami!

Nash POV

Sa huli nagkasabay pa rin kami ni Shar umuwi.. pero bago yon.. pumunta muna kami sa isang ice cream parlor..

Syempre konting disguise para di makilala.. Tapos pumasok na kami, umorder at nagsimulang kumain..

Napaisip naman ako..

Akala ko magkaka-away na kami kanina tungkol dun sa Wawa thingy.. buti at naintindihan nya.. si Alexa kasi ang kulit! pinagpipilitan na yun na daw call sign namin..

Porket magkaLT kami dapat daw may ganon.. ay ewan ko ba! Pinabayaan ko na lang baka makasira pa ng career pag nagkalabuan kami eh..

"Hoy! lutang ka.. iniisip mo? matutunaw na yung ice cream mo oh"-biglang sabi ng katabi kong nakacap at shades.. napataas na lang ang isang kilay ko.. teka sino ba to??

Ay tange! Si Shar nga pala hahaha nubayan! masyado akong occupied..

"Ah wala hahaha"-sagot ko na lang

"Ok? Paunahan na lang tayo makaubos ng ice cream"-sabi nya..

"Ayoko nga! Nakakabrain freeze kaya!"-sabi ko

"Yun lang eh! Ang bakla mo naman! Weak!"-kantsaw nya.. aba't talagang sinusubukan nya ako ha!

"Hindi ako bakla! Halikan kita jan eh"-sabi ko sabay ngisi.. tototohanin ko talaga kahit in public.. nakadisguise naman eh haha

"Baliw! ayoko nga! paunahan na lang kasi tayo! ano? game?"-tanong nya..

"Sige na nga"-pagsuko ko.. basta pag dating kay Shar.. asahan nyo ako ang laging talo sa ganito XD Kryptonite ko yan eh hahaha

Under ba??... --parang di naman masyado haha galing lang nya talaga mangumbinse.. benta nga agad sakin eh!

"3..2..1..GO!"-bilang nya.. at yun..

FRIENDZONED or NOT? (NASHLENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon