Love Advice

6.2K 77 10
                                    

Nash POV

Pano kaya kung..

Humingi ako ng tulong kung papano manligaw?

Di ako magaling sa ganong bagay eh..

Ang tanong..

Kanino naman kaya?

Hmmm..

Aha! Alam ko na!

Dinial ko ang number NYA.. sana naman gising pa SYA hanggang ngayon..

Nagring ng isang beses tapos sinagot na nya..

"Pare naman! Bat ba nambubulabog ka? Andun na ako eh! Kakapikit ko pa lang tapos handa na akong managinip! tas biglang magriring tong phone ko dahil lang natawag ka?! Nagulantang tuloy ako! Muntikan na ako mapaihi sa pajama ko dahil sa gulat alam mo yun?"-sermon ni Andre.. Oo! si Andre nga -_- wala na akong ibang maisip na pwedeng tawagan eh..

"Ano tapos ka na ba? Grabe dre! para kang babae kung tumalak"-sabi ko sa kanya..

"Gago! ano bang kelangan mo?"-tanong nya.. mas gago ka! pasalamat ka kelangan ko tulong mo kung hindi kanina pa kita na-trash talk jan tss

"Magtatanong lang sana"-sabi ko.. tiis lang Nash.. magtimpi ka lang.. baka may mapurat ka jan..

"Tungkol saan naman? Siguraduhin mong may saysay yan ha! Humanda ka sakin pag walang kwenta yan tapos nanggising ka pa.. Uupakan talaga kita"-sabi nya.. tss para namang kaya mo? eh sa sapak pa lang ni Shar talo ka na eh.. Lampa!

"Pano ba manligaw? ha?"-tanong ko.. yan nasabi ko na.. sana naman may matinong sagot tong gunggong na to..

"...."-di sya sumagot -_- okay! nice talking dre!

"Huy! Anjan ka pa? Bwisit ka! wag mo akong tulugan!"-sigaw ko

"Bwahahahahahaha seryoso pre? Humihingi ka ng tulong sa panliligaw? At sino naman yung babaeng yun? Si Shar ba?"-tanong nya..

Oo! at hindi ko yun sasabihin sayo! XD

"Basta! Sagutin mo na lang ako!"-sabi ko

"Depende kasi pre sa babae eh.. halimbawa.. si Shar at si Alexa.. magkaiba sila ng gusto.. sino ba sa kanila ha?"-sabi nya.. ano to? Humahanap ng paraan para lang malaman kung sino? tss maka-segway ka naman medyo obvious -_-

"Langya! bat ba ang kulit mo? basta nga eh! sagutin mo na lang ng maayos yung tanong ko para makatulog ka na"-sabi ko.. napupuno na ako dito kay dre eh..napaka usisero tapos pag sinabi ko kung sino ipagkakalat naman nya.. daig pa nya si Boy Abunda pramis!

"Ang bobo mo pre! Nakikinig ka ba? sinagot ko na nga! Depende nga kasi! Anong klaseng babae ba sya?"-sabi nya.. ang labo naman nun!

"Edi yung in general! Para di nakadepende"-sabi ko.. pag dinescribe ko kasi.. matutunugan agad nya na si Shar yun..

"Ahh okay.. bigyan mo ng flowers at chocolates! Magsimula ka sa basic"-sagot nya

"Alam ko na yan eh! Ano pa?"-tanong ko.. di ako mangmang.. napapanuod ko kaya lagi yun sa TV

"Hmmm.. purihin mo sya.. gusto ng mga babae yun! sinasabihan sila ng maganda.. mga ganung bagay"-sabi nya.. di nga? totoo ba yun?

"Ano pa?"-tanong ko.. ang lalaos naman ng advice ni Dre! Pang-makalumang tao hahaha

"Teka lang naman! nag iisip pa ako walanjo! Bat ba kasi sakin ka nagtatanong? mukha ba akong expert sa ganyan? Bat di nalang kay Jai? mukhang mas maraming experience yun eh"-sermon nanaman nya.. sa manok ba to pinaglihi at putak ng putak?

FRIENDZONED or NOT? (NASHLENE)Where stories live. Discover now