Chapter 10

465 16 7
                                    

Chapter 10


"Ma'am, eto po ang gloves." Iniabot sa akin ni Natalie ang gloves na kanina ko pa hinahanap. Kinuha ko naman ito at sinuot para makapagsimula na ako sa paglilinis ng battery cages.

It's Friday and I decided to go here in our farm right after my last subject at school. Actually may practice kami ngayon ng Euphoria pero pinili kong huwag na lang muna pumunta dahil naka scheduled na ang pag punta ko dito sa farm. Hindi ko naman din kasi pwede pabayaan 'to.

"Salamat. Nasaan ba yung iba at parang konti lang yung mga tao natin ngayon?"

Napakamot siya sa ulo at tipid na ngumiti.

"Eh ma'am may delivery po kasi tayo sa Nasugbu. Tatlong tao yung pinadala ko doon tapos sa Laguna naman dalawa sa tao natin yung inatasan kong mamili ng feeds. Si Tatay Norman, nag leave... kasi birthday ng anak niya. Invited sana ako kaso wala namang maiiwan dito."

Nakinig ako sa kanya habang binabasa ng tubig ang kulungan ng mga inahing manok.

"Nagpasabi ka sana, papayagan naman kitang mag leave." Ani ko.

Kinuha ko ang sponge na may sabon at sinimulan na ang paglilinis. Akmang kukunin din ni Natalie ang isang sponge para sana tulungan ako pero pinigilan ko siya.

"Ako na bahala Natalie. Anyway, it's already 5pm. Mag out ka na."

Tumango na lang si Natalie at iniwan na akong mag-isa. It's very visible on her face that she's tired. She's really hardworking and she deserves to have a vacation leave. Maybe one of these days, bibigyan ko siya ng one week vacation leave para naman maka pag pahinga siya ng maayos.

Inabot ako ng isa't kalahating oras bago ako natapos sa paglilinis. Madilim na ang paligid at tanging ang roving guard na lang ang kasama ko.

Pumunta na ako ng office at kinuha ang bag ko. I was on my way to my car when my phone beeped for a new message. Kinuha ko ito mula sa bulsa ko para makita kung sino ang nagtext.

Drew:

Baby girl, hanggang alas nwebe kami dito sa studio. Pwede ka pang humabol.

Ako:

Okay. Kumain na kayo?

Drew:

Nope. But I think you can do something about it. Hehe.

Napairap na lang ako sa text ni Drew. Mga patay gutom talaga! For sure, magpapalibre na naman ang mga gago.

Pumasok na lang ako sa kotse at pinaadar ito. I went to a nearby fast food to buy myself a dinner. And of course, pati na rin yung mga matatakaw sa studio na naghihintay sa akin. My god! Mababawasan na naman allowance ko nito. Wala sa planong budget ito. Kung hindi ko lang talaga sila mahal, hindi ko 'to gagawin.

Pag dating ko sa studio ay naabutan ko silang nagpapractice ng isang pamilyar na kanta. Unang nakakita sa akin ay si Luis na mukhang matamlay pero biglang nagkabuhay nang makita ang dala kong pagkain.

"Yes! The princess is here!" he announced and immediately stopped playing his bass guitar.

Nag ningning ang mga mata ni Drew nang makita niya ako. Gosh! Pagkain lang naman habol nila. See? They were really expecting me to bring food.

"O mga batang hamog, kain na. Maya na ulit ang practice." Nilapag ko ang pagkain sa mesa na naroon sa loob ng studio at nagsilapitan naman sila.

Umupo ako sa mono block chair at sinandal ang ulo ko sa pader sa likod ko. I'm so exhausted! Ikaw ba naman maglinis ng kulungan ng mga alaga naming manok. Sa totoo lang sumasakit nga yung likod ko. Parang nawalan tuloy ako ng ganang mag practice ngayon.

Out of Bounds (Ugly Past Series #2)Where stories live. Discover now