Elemental 36(She Found It)

5.3K 174 1
                                    

Nagising na lang ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko kaya bumangon na ako.

So panaginip lang ba yun lahat???

Pero pakiramdam ko ay hindi dahil naramdaman ko yung hawak nila sa akin lalo na yung yakap sa akin ni lola kaya imposibleng panaginip lang lahat yun.

atsaka hindi man lang ako nakaramdam ng gutom e diba bago ako umalis doon sa kanila e kumain muna ako.

at isa lang ang ibig sabihin niyan!!!!

Totoong nangyari yun at hindi lang yun isang ordinaryong panaginip^_^

Ginawa ko na ang daily routine ko at pagkatapos ay lumabas na rin ako ng dorm ko.

Wala na akong nadatnan na mga estyudante sa hallway malamang nasa mga kanya kanyang mga classroom na nila yun.

Well late naman na din naman ako hindi na lang ako papasok^_^

Lakad lang ako nang lakad at hindi ko alam kung saan ako
pupunta.

Nang biglang may narandaman akong malakas na enerhiya.

Nandito nga pala ako sa elemental garden.

Hindi ordinaryo ang enerhiyang ito dahil sobrang lakas nito.

Sinubukan kong alamin kung saan nagmumula ang enerhiyang iyon.

*Lakad*

*Lakad*

*Lakad*

*Liko*

*Lakad*

napatigil na lang ako sa paglalakad ng maramdaman kong nasa harapan ko na ang malakas na enerhiyang hinahanap ko.

Nagmulat ako nang mata at tinignan kung ano iyon o posibleng ....sino ba yun?

Wala akong nakikitang elementians sa harapan ko pero ramdam ko parin ang enerhiyang hinahanap ko.

Sinuri ko pa ang buong paligid nang may mapansin akong bagay na matatakpan ng halaman na nasa harapan ko.

Lumakad ako papalapit dito at hinawi ng marahan ang halaman at tumambad sa akin ang isang bagay na matagal na naming hinahanap.

Nanginginig ang kamay kong kinuha ang bagay na yun dahil baka masira ko ito na pagsisisihan ko buong buhay ko.

pinagmasdan ko itong mabuti....

tinitingnan ko kung totoo ba talaga ito...o nag iilusyon lang ako.

Nakalagay siya sa isang babasaging bote na kulay rainbow ang takip.
Laman nito ang pulang likido.

Naiiyak na ako sa tuwa dahil sa wakas ay nahanap ko na din ang lunas na ito.

Gagaling na ako!

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at binuksan na ito at iinumin na sana ng....

*boooggssshh*

nabitawan ko ang bote dahilan para tumilapon ito sa kung saan.

Tiningnan ko ng matalim at malamig ang elementians na nangialam sa akin.

At nakita ko dito si ruby na galit na nakatingin sa akin.

Ano na namang problema nitong babae na to at pati ako ay pinakiki-alaman niya?

"What the hell do you think you doing?!?!!"-galit kong sigaw sa kaniya na halos ikaatras niya pero agad naman siyang nakabawi at galit naman siyang tumingin sa akin.

So siya pa ang nagagalit sa akin?ibang klase..

"E Ikaw!!ano sa tingin mo din ang ginagawa mo?!Magpapakamatay ka ba ha?!"-galit din niyang sigaw sa akin.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?!Hindi ako tanga ms.waterious para magpakamatay!!nababaliw kana!!"-nagtataka man ay hindi ko parin iyon pinahalata sa kaniya at ginantihan din siya nang sigaw.

"Hindi magpapakamatay?e anong tawag mo dun sa pulang likido na iinumin mo sana kanina huh?!!!Alam mo bang yung pulang likido na yun ay yung ang lason na ikakamatay mo sa loob nang limang minuto kapag nainom mo?!"-sigaw niya din pabalik sa akin.

Ang pagkakaalam ko...

ang lason na tinutukoy niya ay...trichonoria.

Isa sa mga mapanganib na lason dito sa elemental land.

pero ang pulang likido na hinahanap ko ay ang pholorophyl.

at ramdam ko....ramdam na ramdam ko na yun na yun.

"Ewan ko sayo ms.waterious....pero para sa akin......pinatay mo na rin ako"-malamig kong sabi sa kaniya bago siya iniwang nagtataka.

You kill me ruby.....you fvking killed me.

...

Light Academy-THE LONG LOST ELEMENTAL PRINCESS(-ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon