Elemental 18(One more...and i give up)

6.3K 205 2
                                    

Pinunasan ko ang mga luha na naglalandas sa pisngi ko.

Tumingin ako sa makulimlim na langit..... Parang may nagba-badyang malakas na ulan.

Sigh.

Wala ba talagang katapusan ang sakit na nararamdaman ko?

Bakit Hindi na lang ako maging masaya para sa kanila?

Isa... Isa na lang at susuko na ako.

<Kinabukasan>

Maaga akong gumising ngayon dahil ngayon na ang araw na kakausapin ko sila..... Ang mga kaibigan ko.

Pagkatapos Kong gawin ang daily routine ko ay lumabas na ako ng dorm ko.

Assual maingay na naman ang mga estyudante.
Araw- araw silang masaya samantalang ako ay lagi na lang nasasaktan.

Puwede bang humiling?

Na sana ay di na lang bumalik ang nawawalang prinsesa?

Alam Kong selfish pakinggan pero wala e.. Ito yung nararamdaman ko.

Pagkadating ko sa classroom ay nadatnan ko na agad sila doon na masayang nagtatawanan.

Napangiti naman ako nang mapait.

Parang wala lang sa kanila ang Hindi ko pagpasok ng ilang linggo.

Wala na nga ba talaga?

Nag simula na akong mag lakad sa puwesto nila pero napatigil din dahil sa narinig Kong pinag-uusapan nila.

"Sinong best friend mo Bess Ruby? "-tanong ni princess larah Kay Ruby.

Hindi nila ako napapansin dahil nakatalikod silang lahat sa akin maliban lang Kay princess larah na palihim na ngumingisi sa akin.

Wtf!

"Siyempre ikaw ang pinaka-bestfriend ko dito larah"-nakangiting sabi pa ni Ruby.

Para akong napako sa kinakatayuan ko.

Tuluyan ng ngumisi sa akin si larah kaya napatingin silang lahat sa akin.

Nanlaki naman ang mga mata ni Ruby ng makita niya akong lumuluha.

Tumayo siya sa pagkaka-upo at sinubukang hawakan ako pero agad akong lumayo sa kanya.

"Prend yung---"-I cut her off.

"Wag mo akong tawagin ng ganyan! "-sigaw ko sa kanya na punong-puno ng hinanakit.

Napahawak naman ako sa dibdib ko ng makaramdam ako ng paninikip at pananakit dito.

May sakit nga pala ako sa puso kaya masama sa akin ang mga matitinding emosyon pero..... Hindi ko lang talaga mapigilan ang nararamdaman ko ngayon.

Nanlaki ulit ang mata ni Ruby dahil sa nakita niyang nahihirapan na akong huminga gayon din si onyx.

Sabagay alam nga pala nilang dalawa ang sakit ko.

Pero napili parin nilang akong saktan...

"Amber huminahon ka! "-natatarantang sabi ni onyx na ikinabahala din nila red.

Nakita ko sa mga mata nila ang pag-aalala.

Pero sumagi naman sa akin ang mga panahon na iniwan nila ako ere at ang sinabi ni Ruby kanina kaya unti unti ng nabuo sa sistema ko ang poot at galit na ayaw Kong maramdaman sa kanila.

Unti unting dumidilim ang paningin ko...

At naramdaman ko na lang na kinapos na ako sa paghinga.

...

Light Academy-THE LONG LOST ELEMENTAL PRINCESS(-ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon