Elemental 30

5.6K 184 5
                                    

(Amber's Pov)

alam kong mas nahihirapan si airah kaysa sa akin.

pero bilib ako sa kanya dahil nagawa niyang saktan si shaina kahit nagpapanggap lang naman kami.

she's a good pretender.

pero ang ipinagtataka ko lang e kung bakit hindi ko na nakikita si larah the princess.

nag kibit-balikat na lang ako at itinuon na lang ang atensyon ko sa harapan kung saan nagtuturo dun yung prof namin.

ramdam ko ang mga tingin ng mga kaklase ko sa amin ni airah.

hindi paba sila nakaka-move on dun sa ginawa naming eksena kanina?

o may iba pa silang dahilan kung bakit nila kami tinitingnan?

pero mas ramdam ko naman ang titig ni red na halos tumagos na ito sa kaluluwa ko.

Nung una ay hindi ko pa iyon pinansin pero hindi ko na nakayanan ang mga titig niya sa akin kaya

lumingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

pero......

"I love you"

alam kong si red ang kumausap sa akin sa isipan ko.

namula naman ako kaya napaiwas ako nang tingin.

sht bakit ako kinikilig?

wag mong sabihin na may nararamdaman pa ako sa kanya?

ipinilig ko ang ulo ko sa naiisip.

Amber hindi ka bumalik dito dahil sa kanila ok?

may misyon akong kailangan kong tapusin at yun lang dapat ang pagtuunan ko nang pansin at hindi ang mga taong minsan ng sinaktan ako.

pinakaramdaman ko ang paligid.

inaalam ko kung saan nakatago ang boteng hinahanap ko este namin ni airah pala.

biglang lumakas ang hangin at saglit na naramdaman ko ang bote pero nawala din agad iyon.

inis kong sinabunutan ang sarili kong buhok dahil sa inis.

ayon na e malalaman ko na kung saan nakatago e pero nawala naman b*isit.

tiningnan ko si airah.

"Naramdaman mo ba?"-mahinang tanong ko sa kanya

"Oo nung lumakas yung hangin pero agad din iyong nawala kaya hindi ko na detect ko saan talaga nakatago yung bote"-mahaba niyang paliwanag sa akin.

tumango tango ako dahil parehas ang naramdaman namin.

sinubukan ko ulit na pakiramdaman ang bote pero parang may malakas na puwersa ang pumipigil sa akin kaya napadilat ako dahil parang pakiramdam ko ay kakapusin ako sa hininga.

Tumingin ako sa puwesto nila red.

and boom.

nakatingin sila ruby sa akin na may nag tatanong na mga mata.

...

sorry po sa mga bad words:(

vote and comment po.

Light Academy-THE LONG LOST ELEMENTAL PRINCESS(-ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon