Elemental 31

5.9K 181 2
                                    

Iniwas ko ang tingin ko sa kanila.

posible kayang naramdaman nila yung ginawa ko kanina?

puwedeng hindi puwedeng oo pero wala akong pakialam.

at salamat naman dahil hindi na sila nakatingin sa akin.

At sa hinabahaba ng oras ay nag bell na din.

Nauna kaming lumabas ni airah hindi dahil para pumunta sa cafeteria kundi hahanapin ngayon namin yung bote.

"Saan tayo mag uumpisang mag hanap amber?"-tanong sa akin ni airah.

Saan nga ba?

"Mabuti at mag hiwalay na lang tayo sa paghahanap para mas madali ahmmmm....ikaw dun ka sa gym ako naman sa mga bawat classroom ok?"-sabi ko at tumango naman siya at agad na kaming nag hiwalay ng daan.

tamang tama na break time ng mga estyudante ngayon kaya walang mga elementians ang nandito dahil lahat sila ay nasa cafeteria.

Bawat classroom na madaraanan ko ay pinapakiramdaman ko kung nandoon ba ang bote pero wala.

Tapos na ako sa mga classroom ng First year highschool ngayon ay sa mga second year naman.

Pero natapos ko na ang mga classroom dun sa second year ay hindi ko parin naramdaman ang bote.

Talagang pinapahirapan ako neto ah!

Dahil sa napagod na ako ay umupo muna ako para makapagpahinga.

Malamang si airah ay napagod na din yun dahil sobrang laki din nung gym namin.

Hayst.nauuhaw ako pero tinatamad akong pumunta sa cafeteria dahil medyo malayo layo dito yun.

"Oh tubig"-napaangat ako nang biglang may nagsalita.

Isang lalaki ang nasa harap ko ngayon at may hawak siyang malamig na malamig na tubig.

"Paano kung may lason yan o di kaya ay nilagyan mo nang gayuma ha?"-sabi ko sa kanya.

mahirap na noh malay mo bigla na lang akong mangisay dito at bumubula pa ang bibig o di kaya may gayuma yang tubig.

Tumawa siya.

"Wala tong lason at higit sa lahat ay hindi kita gagayumahin because your not my type"-sabi niya na natatawa.

abat loko to ah!

"Pasalamat ka at nauuhaw ako kundi naupakan na kita"-sabi ko sa kanya at kinuha ang tubig na alok niya.

tumawa lang siya.

ininom ko na yung tubig at yesssss!!!!!!naligtas ako sa kamatayan hahahaha jk lang!!!

"Wala man lang thank you diyan?"-sabi niya.

"Wala"-tipid kong sabi sa kaniya.

"Youre welcome miss"-sabi niya and note that sarcasm noh.

"Bakit ka ba nandito second year ka pa lang ba?"-tanong ko sa kaniya.

"Sa guwapo kong to pang second year lang in your dreams"-mayabang niyang sabi

May mahangin pala akong kasama baka mamaya tangayin na ako dito sa kahanginan niya.

well ok naman ang itsura niya papasa na siya sa itsura ng mga tao.

"Yabang mo din e noh?kung hindi ka taga dito sa building na ito e bakit nandito ka?"-tanong ko sa kaniya.

"Transferee kasi ako dito tapos nakita dito kaya sinundan kita e ikaw bakit ka nandito sa building nato?wag mong sabihin na second year ka pa lang?"-nang aasar na sabi niya.

Aba ang hilig talagang mang asar ng loko na to.

"Sa mukha ko na ito na diyosa nang kagandahan second year highschool lang hindi naman ata makatarungan niyan noh sa mga diyosang katulad ko"-sabi ko sa kaniya kaya natawa na naman siya.

"Mahangin ka din pala e"-natatawang sabi niya kaya inirapan ko lang siya.

"Prend!!!!!!!"-napalingon ako sa ibaba ng building ng may sumigaw doon at nakita ko dun si ruby na kinakawayan ako pero hindi ko naman siya pinansin.

(Ruby's pov)

"Prend!!!!!!!"-tawag pansin ko sa kaniya at nag tagumpay naman ako dahil lumingon siya sa akin pero agad din naman siyang umiwas ng tingin na parang wala lang ako sa kaniya.

Pero amber hindi ako titigil hanggat hindi ka bumabalik sa dati kahit na masaktan pa ako.

Hindi physically kundi emotionally.

...

Si Kim Myungsoo po yung nasa multimedia.

Siya po yung lalaking kausap ni amber:-)

Light Academy-THE LONG LOST ELEMENTAL PRINCESS(-ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon