Elemental 34(The Dream Pt.2)

5.2K 175 2
                                    

Totoo ba talaga itong nakikita ko?

Hindi kaya nasa isang ilusyon lang ako?

"ayos ka lang ba amber?para ka kasing nakakita ng multo e"-sabi nung kamukha ni queen merliya na kahawig din ni ruby.

"Ano ka ba naman merlyn malamang nagtataka yan kung bakit natin kamukha yung mga anak natin tapos kahawig pa natin yung mga apo natin na mga kaibigan niya din"-sabi naman nung kamukha ni king tree na kahawig naman ni shaina.

So ibig sabihin.........

Lolo at lola silang lahat nila red??!!!!

"Wag naman lolo at lola amber hindi naman kami mukhang matanda hindi ba?"-sabi naman nung lola ni airah.

"E ano po ba ang tamang tawag sa inyo?"-nagtatakang tanong ko.

Kasi anak nila yung mga kasalukuyang hari ngayon tapos apo nila sila ruby edi ibig sabihin lolo at lola na nga sila?!

"Just call us ahmmmm....mama(a/n-yung pag pronounce po niyan ay para pong katulad sa pagbigkas ng mga italian)"-sabi naman nung err mama edward.

"Kami rin tawagin mo na lang kaming papa(Italian pronounciation)"-sabi naman nung papa DAW ni onyx.

Hayst. sumasakit ang ulo ko dito sa mga matatandang ito.

"Ok po e tanong ko lang paano ba ako makakaalis dito?gusto ko na kasing umuwi"-sabi ko

"May mahalaga lang kaming sasabihin sayo amber"-napalingon naman kaming lahat dun sa nagsalita at halos lumuwa na talaga ang eyeballs ko dahil sa nakita.

At mas lalo pa akong nagtaka nang magsiyukuan silang lahat syempre maliban sa akin at dun sa bagong dating.

Pag tinititigan ko siya ay kamukhang kamukha niya talaga si queen elizabeth at ang mas nakaka-gulat pa doon ay magkahawig po kami haaay dyos ko baka po na e-elemento na ako.

kung ano ano na nga kasi ang nakikita ko.

"Sino ka?"-tanong ko sa kaniya.

"Ako si Eliza Precious Larah Cullen"-sabi naman niya at ngumiti.

Eliza Precious Larah Cullen.

Parang kinuha sa pangalan naming dalawa ng reyna.

Ang totoo kasing pangalan ng reyna ay....Queen Precious Elizabeth Cullen.

So ang ibig sabihin ay.....

"Oo tama nga ang iniisip mo......ako nga ito apo"-sabi niya at ngumiti sa akin ng matamis at binuka ang dalawa niya braso para bang naghihintay ng yakap.

Hindi na ako nag aksaya pa nang oras at agad ko naman siyang niyakap.

sabik ako sa lolo at lola noon pa man.

pero ang mas nakakagulat lang ay ang lola ko ay parang kasing-edad lang ng mommy ko.

Hayy iba talaga pag nasa mundo ka nang mahika..

ang imposibleng mangyari ay nangyayari...

...

Light Academy-THE LONG LOST ELEMENTAL PRINCESS(-ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon