Elemental 17

6.1K 207 0
                                    

(Someone's POV)

Umilaw ang mahiwagang tubig kaya mabilis akong tumakbo papalapit doon.

May imahe doon na unti unting lumilinaw.

Hindi maari.......

Lumitaw doon ang imahe ng isang napaka-gandang dalaga na lumuluha.

Napapikit ako nang Mariin dahil sa nalaman ko.

Nagka-mali kami...

......

(Amber's POV)

Panibagong malungkot na araw na naman.

Isang buwan na ang nakalilipas ngunit wala parin ipinagbago.

Hindi parin nila ako napapansin.

Parang isang ordinaryong elementians na lang ako para sa kanila.

Sabagay ordinaryo lang naman talaga ako.... Walang katungkulan at walang kaugnayan sa mga nakatataas.

Kaya ano pa bang aasahan mo amber?
Naituturing kanilang prinsesa katulad ng pag Turing nila Kay princess larah? Wake up for this shit amber!

Pumikit muna ako ng mariin bago lumabas ng dorm ko.

Tahimik na pasilyo agad ang bumungad sa akin sa labas.
Nakaka-panibago naman dahil halos araw araw na maingay ang akademya simula nang dumating si princess larah.

Hindi ko na lang yun pinansin at tinahak na ang daan papunta sa elementals garden.

Simula pa nung nakaraang linggo ako hindi pumapasok.
Wala e... Para kasing nawalan na akong ganang pumasok pa araw are araw kung wala naman din sila.

Pagkarating ko sa elemental garden ay sinalubong kaagad ako ng mga fairies.

Tipid ko lang naman silang nginitian.

Namasyal masyal muna ako sa buong elemental garden hanggang sa napagod na ako at humiga na lang sa damuhan.

Nakaka-gaan talaga sa pakiramdam ang elemental garden.

Haaayy mas masaya sana kung kasama ko din sila.

Hinawakan ko ang kuwintas ko sa--teka bakit wala?!

Napatayo naman ako dahil natataranta na ako.

Hindi yun puwedeng mawala dahil bigay yun sa akin ni mommy at daddy sa mortal world.

Dinaanan ko ulit ang mga dinaanan ko kanina pero wala hanggang sa nakalabas na ako ng elemental garden

Lakad lang ako ng lakad hangga sa hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ng dalawang estyudante na nag uusap sa gilid ko.

"Grave ang ganda ng engagement party nila prince red at princess larah kanina diva? "

"Oo nga"

Kaya pala..... Kaya pala ang tahimik kanina dahil lahat sila ay nasa engagement party ng mga lintik na yun!!

Tumakbo na ako palayo sa kanila at sa isang tagong lugar na lang ako umiyak.

...

Light Academy-THE LONG LOST ELEMENTAL PRINCESS(-ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon