Elemental 16(She's Broken)

6.2K 205 3
                                    

Naka-upo ako ngayon sa damuhan ng elemental garden.

Nakatulala lang akong pinagmamasdan ang buong lugar.

Iniisip ko ang mga kaibigan ko.

Malapit na akong mapagod...... Mapagod sa kahihintay sa araw na makasama ko silang muli.

At mapagod sa kakaintindi sa kanila.

Pero hanggat kaya ko pa ay magtitiis ako.... Magtitiis ako para sa kanila

Tumulo na naman ang luha ko.

Naiinis ako sa sarili ko dahil ang hina ko.... Isa akong marupok na Tao Hindi katulad nila Ruby.

Kaya siguro tinalikuran na lang nila ako at si princess larah na lang ang samahan nila.

Pero ang Hindi ko lang matanggap kung tatalikuran din nila ako ruby at onyx .

Ang mga kaibigan ko na itinuring ko naring kapatid.
Ang kasama ko nung mga panahon na umiyak at na lungkot ako.
Yung mga masasaya naming mga araw na kami'y magkakasama.

Yung mga bondings namin nung nasa kabilang mundo pa kami.

Nakalimutan na kaya nila yun?

Dahil ako ay hinding Hindi ko iyon kakalimutan at kailanman ay Hindi ko yun makakalimutan.

Sunod sunod na pumatak ang mga luha ko dahil sa sakit na bumabalot sa buong sistema ko.

May imahe namang sumulpot sa isipan ko na lalo kung ikina-iyak.

Imahe nila red at princess larah na magkahalikan.

Iisipin ko pa lang na maglalapat na ang kanilang mga labi ay parang tinutusok na ng milyon-milyong patalim ang puso ko.

Iisipin ko pa lang na magka-yakap silang dalawa ay baka umiyak na ako ng balde baldeng luha.

Iisipin ko pa lang na magka-hawak kamay sila ay nahihirapan na akong huminga.

At iisipin ko pa lang na sila na ang itinakdang magkasama habang buhay ay parang ikalulubog ko na iyon ng tuluyan at natatakot akong Hindi na ako maka-bangon ulit.

Humagulhol na ako sa iyak dahil sa mga naaiisip ko.

I'm totally broken right now.

....

Light Academy-THE LONG LOST ELEMENTAL PRINCESS(-ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon