Elemental 9(POWER BATTLE 1)

7.7K 261 12
                                    

Ngayon na ang araw.

Araw na gaganapin ang power battle.

Dug.dug.dug.dug

Kinakabahan parin ako pero hindi ko alam kung bakit.

Sinabi ko ulit ito kay jamella pero ang sabi niya sa akin ay masyado lang daw akong paranoid.

Nakapag-practice na rin ako.

Nung una ay mahirap pero na-kontrol ko na din.

"Ano handa ka na ba?"-tanong sa akin ni jam.

"Oo?"-alanganing sagot ko.

Bumuntong hininga naman si jam dahil sa inakto ko.

Hayst.ano pa bang magagawa ko kung hindi talaga maganda ang kutob ko sa power battle na to.

Pumunta na kami ng battle arena dahil malapit na daw itong mag simula.

BATTLE ARENA.

Marami na rin ang estyudante na nasa arena nang dumating kami ni jamella.

Inilibot ko naman ang paningin ko sa buong arena dahil hinahanap ko sila jk kung saan sila naka-upo para dun na kami umupo ni jam.

Kumaway naman sa akin si ruby.

Yes!si ruby aliah lopez na bestfriend ko sa mortal world ang kumakaway sa akin ngayon isama niyo na rin si onyx xander silvestre na isa din palang elementians-_-

Yung totoo?kaibigan ko ba talaga sila?
Para kasing hindi e!

"Tara jam dun tayo kayla ruby"-sabi ko kay jam at hinila na siya.

Nang makarating na kami sa puwesto nila ruby ay umupo na kaagad ako.

Umupo naman din si jam sa tabi ko.

Maya maya ay nag salita na rin ang emcee.

"Good Morning Elementians!!!!!!!!"-malakas na sigaw ng emcee kaya naman nag sigawan na din ang mga estyudante siyempre maliban sa akin at dun sa masungit na jk na yun.

Paano ako makiki-sakay sa kasiyahan nila kung may kutob nga akong hindi maganda?

Tss baliw lang siguro ang gagaw nun.

"Alam naming excited na kayo kaya umpisahan muna natin sa beginner section!!!!!"-sigaw ulit ng emcee.

Pramis!ang sarap niyang sipain!

By the way may tatlong klase ng section ang highschool dito sa light academy.

Una ang beginner kung saan nandun ang mga transferee pero maliban sa akin noh!

Pangalawa ang Controller kung saan nandito ang mga kaya nang i-kontrol ang mga powers nila.
Halata naman sa pangalan ng section diba?
Dito din nabibilang si jam.

And last the Majesty kung saan nandito ang mga pinaka-malakas na mga estyudante siyempre kasama nadun sila jk at ang mga prinsesa at prinsipe.

Fast forward....

Tapos na ang mga beginner at ang mga controller at ngayon ay kami naman ng mga majesty ang sasalang.

Unang lumaban si prince edward at ang kalaban naman niya ngayon ay isang lalaki na taga-majesty din at ang power naman niya ay water user.

Matagal tagal din silang nag laban at ang nanalo naman ay si prince edward at ang nakuha niya ay 1000 gems dahil rank 95 siya at still majesty section parin siya.

Sabi din sa akin ni jamella na kapag rank 90 above ay 1000 gems ang makukuha kapag 89-80 ay 100 gems kapag 79-70 naman ay 50 gems and kapag rank 100 naman ang nakuha mo ay 1,000,000 gems ang makukuha mo.

Light Academy-THE LONG LOST ELEMENTAL PRINCESS(-ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon