Chapter 14 - Stolen Kisses

Start from the beginning
                                        

Pumwesto ako paharap sakanya kahit medyo mahirap. "I'm just curious. Bakit sa condo ka nagsstay? Nasaan ang parents mo?" Tanong ko sakanya. Nabobother kasi talaga ako kung bakit siya nagcocondo. I mean si Trina kasi mas malapit sa trabaho niya, at isa pa madalas na wala ang parents nito.

Pero si Adam? Parang wala kasi akong alam kay Adam maliban sa katrabaho ko siya, gentleman, may sasakyan at may condo unit. Bukod doon, wala na akong alam tungkol sakanya.

Nawala ang ngiti sa labi niya. "Sa tabi tabi." Malamig na sabi nito.

Napalunok ako. I think I hit a nerve there. Mukhang hindi magandang topic ang magulang niya. Sa tabi tabi, so I'm thinking buhay pa ang mga ito, pero sa paraan ng pagtikom niya ng bibig ay mukhang hindi sila in good terms ng parents niya.

Umayos ako ng upo at bumaling nalang ng tingin sa labas. Hindi nalang ako magtatanong ng mga personal na tanong kay Adam tutal ay wala din naman akong karapatan manghimasok sa personal niyang buhay.

We're just having fun, that's all.

"Sorry." Sabi nito at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa lap ko. "We're in bad terms, my parents and I. They're forcing me into doing something I don't want, kaya umalis ako sa bahay." Napalingon ako sakanya. Nawala ang pagkaseryoso niya kanina. This is his soft side, he's letting me see his soft side.

I squeezed his hand pero hindi na ako nagsalita. Hindi ko din naman alam ang sasabihin, but I'm thankful na naguumpisa na siya mag-open up sa akin.

Nang makarating na kami sa parking lot ay may napansin akong pamilyar na sasakyan. "Wait. Sasakyan ni Troy iyon." Sabi ko nang makumpirma ko nga na sasakyan ni Troy ang nagpapark sa di kalayuan sa amin.

Hininto ni Adam ang sasakyan. Nang makapagpark na si Troy ay lumabas na ito ng sasakyan. He was holding a bouquet of flowers, at may hawak pa siyang paper bag galing sa paborito kong restaurant.

Hindi ako nakaramdam ng kahit na ano, maliban sa kaba na baka makita niya kami ni Adam. Hindi ako naawa na hirap na hirap siyang bitbitin ang mga iyon. Ni-hindi ako nakaramdam ng konsensya. He deserves all of it dahil nagloko na naman siya. "I should probably go first. Hindi tayo pwedeng makita ni Troy na sabay." Sabi ko kay Adam.

He nodded and kissed me. "Go. Your boyfriend's waiting for you." He said before taking his gaze off of me.

Napangiti ako sa inasal ni Adam. "Teka nga, nagseselos ka ba?" Natatawang tanong ko.

Umiling siya pero hindi parin ako binabalingan ng tingin. "Hindi. Sige na, mauna ka na umakyat." Anito.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa. I held his face with both my hands para mapatingin siya sa akin. "Bakit ka ba nagseselos? We just did something na hindi namin ginagawa ni Troy. You know last night, and kanina." Sabi ko dito. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil naalala ko na naman ang ginawa namin ni Adam.

"You're right." He nodded and kissed me. "Sige na, go ahead. Maghahanap ako ng mapaparkingan." Aniya.

Bumaba na ako ng sasakyan ni Adam at dumeretso sa elevator paakyat. Nang makarating ako sa floor namin ay nagaabang na doon si Troy. Nang makita niya ako ay agad niya ako nilapitan. "Babe." Aniya.

His eyes look tired. Tila ba wala pa itong tulog at nakumpirma ko iyon ng sabihin niyang hinanap niya ako. "I've been looking everywhere for you. Wala ka sainyo, wala din sila Tita at Tito may emergency daw sa ospital, wala ka kila Trina." He said in a tired tone.

I kept mum. Hindi ko mahanap yung paki ko. Fuck! Bakit ganito? Gusto kong maawa sakanya dahil hinahanap niya ako buong gabi, pero hindi ko magawa. Parang wala na akong maramdaman? Parang naubos na yung pakialam ko dahil sa paulit-ulit niyang pananakit sa akin.

Damn, I was so sure I'm still in love with this guy earlier. But having him in front of me right now? Hindi ko na alam.

Pero baka naman dahil galit lang ako kaya parang wala akong maramdaman para sakanya? Baka. Iyon nga siguro iyon.

"I'm so sorry. Alam ko, sawang sawa ka na sa akin, sa pananakit ko sayo, sa mga sorry ko. Pero maniwala ka pag sinabi kong mahal kita. Mahal na mahal kita. May mga pagkakataon lang na natetempt ako, because of my bullshit needs, but I love you. I love you, Mira. Magbabago na talaga ako. Hindi na talaga mauulit, just please forgive me." Mahabang sabi niya pero ni-isang salita ay wala akong pinakinggan.

I nodded and sighed. "Ano pa nga ba?" Sabi ko at kinuha ko ang bulaklak at yung paper bag. "Last na to, Troy. I swear, last na." Sabi ko sakanya.

Sakto lumabas si Adam galing sa elevator nang hapitin ako ni Troy palapit sakanya. Napahugot ako ng hininga ng magtama ang mga mata namin ni Adam. Mas inilapit pa ako ni Troy sa kanya tapos ay naglean siya para halikan ako sa labi. Nagpanic ako dahil nakatuon sa amin ang tingin ni Adam kaya napaiwas ako. Damn!

"Malalate na ko." I told him as I took a step back.

Napabuntong hininga siya. "Okay. Sunduin kita mamaya? Dinner tayo?" Tumango nalang ako sa tinuran niya bago ako magpaalam.

Nauna ako pumunta sa cube ko pero maya maya ay kasunod ko narin si Adam. Agad akong binati ni Tine nang ilapag ko ang gamit ko at bumati din ito ng makita niya si Adam sa likod ko.

I felt a lump on my throat as Adam looked at me with a playful smile. "Good morning, Miracle." Anito na tila ba nangaasar pa.

"Ako di mo babatiin? Ako yung bumati tapos si Mira yung may good morning? Aba may pa-bouquet na nga yung boyfriend ni Mira, tapos may pa-good morning ka pa." Ani Tine at ngumuso pa. Hanggang ngayon ay parang may kaunting pagnanasa parin siya kay Adam. Pero sorry girl, that hottie is mine.

Tumawa si Adam bago umupo sa place niya. "Good morning." Natatawang sabi niya nalang dito.

Maya't maya nagmemessage si Adam sa Lync ko kaya naman hindi ako makafocus sa trabaho. Ginagamit lang namin itong Lync para makipagusap sa mga katrabaho namin ng tungkol sa trabaho, pero itong si Adam ay nangungulit lang.

Nang tumunog na naman ang lync ko ay sinamaan ko na ng tingin si Adam. "Ang kulit! Di na ko natapos-tapos sa pinapagawa sakin." I hissed at him.

Ilang minuto narin ng magpaalam si Tine na sasabay sa ibang kateam namin para maglunch kaya kami nalang ni Adam ang natira dito sa place namin.

Lumapit siya sakin at sinilip ang monitor ko. "Mamaya mo na tapusin yan. Nagugutom na ko." Anito at nginitian ako.

Sumimangot ako. "Edi kumain ka na. Mahaba pa ito, Adam." Sagot ko sakanya.

Kahit nagugutom narin ako ay wala naman akong choice kung hindi tapusin ito dahil baka bigla 'tong hingin ni Miss Rica mamaya at wala akong maibigay. Kung bakit ba naman kasi favorite niya ako bigyan ng trabaho?

Halos mapatalon ako sa gulat ng maramdaman ko ang mga labi ni Adam sa balikat ko. Off-shoulder kasi itong dress na ito kaya naman malaya niyang nagawa ang gusto niya sa balikat ko. "Adam! Baka may makakita!" Gulat kong sabi at inilibot ang paningin ko.

Pag may nakakita sa amin dito sa office ay lagot na. Alam ng lahat dito na may boyfriend ako. Tiyak na pag-uusapan nila kami once magkaroon sila ng ideya sa amin ni Adam.

"Tutulungan kita dyan mamaya. Kumain na muna tayo, please. Kay Troy ka mamayang dinner. Pwede bang sa akin ka muna ng lunch?" Sobrang lambing ng boses niya ng sabihin niya iyon kaya naman napa-oo nalang ako.

Nang nasa elevator kami ay nagulat ako ng dahan-dahang inabot ni Adam ang kamay ko. "Adam." Sabi ko dito.

I'm worried na baka biglang bumukas ang elevator at may makakita sa amin. This whole cheating thing is making me paranoid. "Saglit lang." Mahinang sabi niya.

Sinilip ko ang numero sa elevator. 13th. May ilang segundo pa ako para gawin ito. Gamit ang kamay kong hawak niya ay pinihit ko siya paharap sakin at mabilis ko siyang hinalikan sa labi niya.

Napaawang ang labi niya at tila ba hindi ito nakarecover sa ginawa ko hanggang sa bumukas ang elevator. Natatawa akong lumabas ng elevator at iniwan ko siyang nakatunganga doon.

"Magnanakaw." Mahinang sabi ni Adam ng mahabol niya ako.

Nilingon ko siya. Nandoon na naman yung lecheng ngiti niya kaninang umaga. "Ano?" Tanong ko. Ano daw?

"Magnanakaw ng halik."

All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now