[ 32 ] Is This The End?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Steffi. I'm Steffi," pagpapakilala niya.

"Hope to get to know you more, Steffi," nakangiting sinabi nito.

"JC, tara na. Sige dude, Steffi, mauna na kami," pagpapaalam ni Sean.

"JC?" tanong ni Kurt.

"Tawag ko sa kanya. Walang basagan ng trip, dude. Sige, punta na kami sa room," sagot ni Sean.

Inakbayan ni Sean si Jia at saka sila umalis doon. Napatingin si Steffi sa paligid at nakita ang ilang mukha na nalulungkot sa pagdating ni Jia. Marami rin talagang fangirls ang 11SG. Marami man ang gwapo na estudyante doon, iba pa rin talaga ang dating ng 11SG.

"Paano ba 'yan, Steffi. Alis na ako, ah?" paalam ni Kurt.

"Sige."

Pagkaalis ni Kurt, bumalik na siya sa paggawa ng assignments at nagadvance reading na din siya. Kailangan niya pa din na makahanap ng trabaho.

"Paano na si Sean my love? May girlfriend na pala tapos dito pa sa school mag-aaral. Its so.. heartbreaking!" sabi ng isang babae.

"This is so not happening to us! Paano na tayong mga may gusto sa kanya? Hindi niya na din tayo papansinin?" tanong ng kasama nito.

"We need to be happy for him, girls. Buti na lang at maganda 'yong girlfriend niya. Alam niyo na wala tayong laban sa kanya," sabi ng isa sa mga kasama.

Napatingin si Steffi sa tatlong babae na nasa likuran niya lang. Nag-aaral siya pero hindi niya maiwasan makinig sa kwentuhan ng mga ito at distraction iyon sa kanya.

"Pwede ba manahimik kayo?!" sigaw niya.

Pumwesto ang tatlong babae at tiningnan siya ng masama. Hindi nila gusto ang pagmamatapang nito na akala niya ay kakayanin niya ang lahat ng estudyante doon.

"At nagsalita ka na naman? Know your place, girl. Mahirap ka lang at isa ka pang gold digger. For your information, this school is exclusive for rich kids only. Ang swerte mo na nakapasok ka dito dahil hindi ka naman talaga bagay dito," sabi ng isang babae.

"Yeah, right! Inagaw mo na si ZAC, pati si Kurt at Zavier gusto mo din! Akala mo naman kung sino kang maganda!" dagdag ng kasama nito.

"Just get lost! Siguro naman hindi kami ang unang nagsabi sa 'yo nyan. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Dumi lang ang tingin sa 'yo dito. Hindi ka bagay sa school na 'to, Steffi. Kaya ka lang naman lumalapit kay ZAC ay para hingan siya ng pera, 'di ba?" sabi ng isa pa nilang kasama.

Alam ni Steffi na ginagalit lang siya ng mga ito pero dahil hindi niya naman kilala ang mga ito, hindi niya na ito pagsasayangan pa ng oras at magtitimpi na lang siya. Tumayo na siya at kinuha ang gamit niya saka naglakad palayo doon. Dire-deretso lang siya sa paglalakad at hindi niya napansin ang dinadaanan dahil sa sahig lang siya nakatingin. May nabangga siyang babae pero binalewala niya lang iyon at nagpatuloy sa paglalakad.

"What the hell?! Watch where you're going!" sigaw ng babae.

Napatigil doon si Steffi. Lilingunin niya na sana ang babaeng iyon pero hinatak nito ang buhok niya at siya na mismo ang nagpakita ng sarili niya dito.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon