ANG PAGSUBOK NG EMPERADOR

Magsimula sa umpisa
                                    

ASAWA NG MAGTOTROSO: (nagbuntong-hininga) Siguro nga tama iyon, pero si Pedro ay matalinong bata. Kung makikita lang siya ng Emperador--

ASAWA NG MANGANGALAKAL: (sumabad) Gusto ng Emperador ng batang may mapagmataas na ugali na tulad ng mayroon sa aming mga bata.

EMPERADOR: (nang galit) Mga patpat ng biyolin!

MGA BABAE: (yumuko) Iyong Kataas-taasan!

EMPERADOR: Mga patpat ng byolin at mga kandila, sabi ko!

ASAWA NG MAGTOTROSO: Patawad, iyong Kamahalan. Hindi ko alam na gayon pala. Halika na, Pedro.

(Pumihit siya para umalis.)

EMPERADOR: Manatili ka. Kukunin ni Pedro ang pagsubok kasama ng iba. Mga ginang, malalaman ninyo kung sino ang napili ko kapag tapos na ang pagsubok. Magandang araw sa inyo.

(Yumuko ang mga babae at umalis.)

EMPERADOR: (humarap sa mga batang lalaki) Mga binata, pumasok kayo sa gubat patimog, hanggang makarating kayo sa ilog. Makakabalik kayo tapos. Kapitan, siguraduhin mong may mga guwardiyang sasama sa kanila. Mga binata, hindi kayo pwedeng mag-usap-usap hanggang makita ko na kayo ulit. Kailangan kong makuha ang inyong salita doon. Nangangako ba kayo?

MGA BATA: Panginoon, nangangako kami.

EMPERADOR: Mabuti. Kapitan, nasa iyong pangangalaga na sila. Heneral, gusto kitang makausap.

(Pumasok ang Emperador at Heneral sa silid ng Emperador. Pinangunahan ng Kapitan ang mga bata mula sa tolda.)


EKSENA II

PANAHON: dalawang oras pagkatapos.

LUGAR: sa tolda ng Emperador; sa silid ng Emperador.

ANG EMPERADOR

UNANG AYUDANTE

PANGALAWANG AYUNDANTE

LUDWIG

(Nakaupo ang EMPERADOR sa mesa na tumitingin sa mga mapa. May AYUNDANTE na pumasok. Sumaludo siya.)

EMPERADOR: Ano?

AYUDANTE: Bumalik na po ang bilanggo.

EMPERADOR: Anong bilanggo?

AYUDANTE: Ang pinalabas po para sa pagsubok.

EMPERADOR: Sino ang pinalabas?

AYUDANTE: Si Ludwig, ang bilanggong nagkasakit nang matagal.

EMPERADOR: Ah, oo; papasukin mo siya.

(Umalis ang Ayudante; pumasok siya ulit kasama si LUDWIG, na nakasuot ng lumang, punit na panghukbong panlabas na damit sa ibabaw ng kanyang uniporme. Sumaludo siya.)

Napansin kong medyo pilay ka, Ludwig.

LUDWIG: Opo; sa aking kaliwang paa. Natamaan ang aking aso sa oras ding iyon.

EMPERADOR: Pumupunta ba ang iyong aso sa labanan kasama mo?

LUDWIG: Kung nakakalusot po siya sa mga ranggo. Lagi po siyang pumupunta kung saan ako pumupunta.

EMPERADOR: Kung gayon sumama siya sa iyo ngayong araw, siyempre?

LUDWIG: Opo.

EMPERADOR: Sigurado kang hindi ka nakita ng mga bata?

LUDWIG: Walang nakakita sa akin. Nag-ingat ako nang mabuti. Nang makarating ako sa isang maluwag na lugar nagpunta ako sa isang panig, nagtago sa likod ng mga puno, para tumingin sa unahan. Tapos tumakbo ako patawid.

Mga Dulang PambataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon