ANG PUSA AT ANG DAGA

890 7 0
                                    

PANAHON: siguro nang minutong ito

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

PANAHON: siguro nang minutong ito.

LUGAR: siguro sa isang silid sa iyo mismong bahay.

INANG DAGA.

ANG KANYANG ANAK, SI BINIBINING DAGA.

ANG PUSA.

(Sina INANG DAGA at BINIBINING DAGA ay nasa kanilang silid dahil naghahanda si Inang Daga para sa isang paglalakbay. Tinutulungan siya ni Binibining Daga. Ang PUSA ay nasa labas at pasilip-silip sa bintana, pero nang lubhang maingat, kaya hindi siya nakikita ng mga daga.)

INANG DAGA: (paalis) Ngayon tandaan mo, anak, lagi mong babantayan ang ating palayok ng sebo.

BINIBINING DAGA: Babantayan ko po, mahal na ina!

INANG DAGA: Huwag kang magpapapasok ng kahit sino,--kahit sino! kahit sino!

BINIBINING DAGA: Kahit sino po, mahal na ina!

INANG DAGA: Hindi ako magtatagal. Paalam, anak.

(Palabas; titigil.)

Tandaan mo, huwag mong ipapakita kahit kanino ang ating palayok ng sebo, anak,--kahit kanino! kahit kanino!

BINIBINING DAGA: Kahit kanino po, mahal na ina!

(Lalabas sa pinto si Inang Daga.)

PUSA: (tatawag mula sa bintana) Oh, Binibining Daga! Oh, Binibining Daga!

BINIBINING DAGA: (mababalisa) Sino ang tumatawag?

PUSA: (nang magiliw) Ako lang! Pwede mo ba akong papasukin?

BINIBINING DAGA: (iiling) Sabi ni Ina--

PUSA: (sasabat agad) Mahalagang bagay ito!

BINIBINING DAGA: (iiling) Pero sabi ni Ina--

PUSA: (sasabat) Talagang mahalaga ito!

BINIBINING DAGA: (gayon pa din) Pero sabi ni ina--

PUSA: (sasabat) Gusto ko ng iyong payo--napakatalino mo!

BINIBING DAGA: (magpapakita ng pagkalugod; mapapalapit nang kaunti sa bintana) Oh, sa tingin po ba talaga ninyo?

PUSA: (tatango) Gayon ang tingin ng lahat!

BINIBINING DAGA: (mas malulugod; pupunta sa bintana) Oh, talaga pong gayon ang tingin nila?

PUSA: Oh, talaga nga!

BINIBINING DAGA: (malulugod nang husto; kikilos para buksan ang bintana.) Ano pa po ang sinasabi nilang maganda?

PUSA: (tatalon papasok) Sasabihin ko sa iyo maya-maya.

(Aamuyin niya paligid.)

Siguradong may palayok ng sebo sa malapit! Tama ba ako?

Mga Dulang PambataМесто, где живут истории. Откройте их для себя