ANG MATANDANG LALAKI AT ANG KANYANG APO

3.5K 17 5
                                    


PANAHON: ngayon.

LUGAR: bahay ng isang LALAKI.

ANG LALAKI.

ANG KANYANG ASAWA.

ANG KANILANG ANAK NA LALAKI--SI MUNTING HANS.

ANG LOLO.

(Nakaupo sa mesa ang LALAKI, ang kanyang ASAWA, si munting HANS, at ang LOLO habang nagtatanghalian.)

LALAKI: Mag-ingat ka, ama! Natatapon ang sopas sa iyong damit.

LOLO: (magsisikap na patigilin ang panginginig ng kanyang kamay) Oo, oo, mag-iingat ako.

(Isang sandali.)

ASAWA (nang galit) Lolo! Natapon mo ang sopas sa aking malinis na mantel!

LOLO: (mapapahiya) Naku po! Naku po!

(Isang sandali.)

LALAKI: Heto, ama, ang iyong plato ng karne.

(Kukunin ng matanda ang plato, pero mahuhulog niya iyon.)

ASAWA: (nang galit) Ayan,  ayan! Tingnan mo ang nagawa mo!

LOLO: Nanginig ang aking kamay--patawad--patawad!

ASAWA: Hindi niyon maaayos ang plato!

MAN: Ni maibibili ng bago!

ASAWA: (sa Lalaki) Dapat siyang kumain sa mga platong kahoy.

LALAKI: (tatango, magtuturo ng platong kahoy) Iyon ang ibigay mo sa kanya para sa kanyang karne.

(Magbubuntong-hininga nang malungkot ang Lolo. Kukuha ng platong kahoy ang Asawa para punuin iyon ng karne. Aalis sa mesa si Munting Hans para paglaruan ang kanyang mga bloke sa sahig.)

ASAWA: (lalapit para ibigay ang plato sa Lolo.) Heto ang isang hindi mo mababasag. Lumipat ka at umupo sa sulok sa likod ng hurno. Doon ka na kakain mula ngayon. Hindi ako makakapayag na mamantsahan ang aking mga mantel--hindi ako makakapayag!

(Kukunin ng Lolo ang kanyang platong kahoy at pupunta sa upuan sa sulok sa likod ng hurno. Mapupuno ng luha ang kanyang mga mata.)

LALAKI: Halika, munting Hans, at ubusin mo ang iyong pagkain.

ASAWA: (lilingon kay Hans) Diyos ko! Ano ang ginagawa mo, anak?

HANS: Isang labangang kahoy para sa inyo ni ama para kainan ninyo kapag lumaki na ako.

(Magtitinginan ang Mag-asawa; lilipas ang isang sandali.)

LALAKI: (makikitaan ng hiya) Gagawin niya sa atin ang ginagawa natin kay ama!

ASAWA: (iiyak) Tama lang sa atin iyon!

LALAKI: (nang magiliw) Ama, itapon na po ninyo ang platong kahoy na iyan sa bintana. Nahihiya ako sa nagawa ko; patawarin po ninyo ako!

ASAWA: (nang magiliw) Ama, bumalik na po kayo sa mesa. Nahihiya din po ako. Patawarin po ninyo ako, mahal na ama.

Mga Dulang PambataWhere stories live. Discover now