ANG MAIILAP NA SISNE

Start from the beginning
                                    

ELISA: (nang malungkot sa sarili) Ang aking mga kawawang kapatid na lalaki! Hindi ko na ulit sila makikita.

MABUTI: (nang bigla) Nakikita mo ba ang malalaking asul na tampulang iyon sa timog?

ELISA: Oo; humahampas ang dagat sa kanila.

MABUTI: Sa mga tampulang iyon, palayo sa tabing-dagat, ay may kweba. Magpunta ka agad sa kwebang iyon at pumasok.

ELISA: At ano'ng gagawin ko doon, mabuting babae?

MABUTI: Baka malaman mo kung paano masisira ang salamangkang nakabalot sa iyong mga kapatid na lalaki.

ELISA: (nang gulat) Kung paano masisira ang salamangka?

MABUTI: Huwag kang magtanong, kundi magpunta agad sa kweba.

ELISA: (paalis) Salamat, mabuting babae. Ang bait-bait mo sa'kin.

MABUTI: Humayo ka na, anak, at huwag matakot.

[Umalis si Elisa; nawala ang Mabuti.]


EKSENA II

PANAHON: kalahating oras pagkatapos

LUGAR: sa kweba.

ELISA

ANG DIWATA

(Nakikita si ELISA sa pasukan ng kweba. Tumigil siya; natatakot pumasok.)

ELISA: Natatakot akong pumasok! Masyadong madilim--hindi ko alam kung ano ang nasa loob! Baka lungga ito ng isang mabangis na hayop.

(Nakinig.)

Wala akong tunog na naririnig! Pero mga tuso ang mababangis na hayop. Alam nila kung paanong humiga nang kasing-tahimik ng kamatayan at tapos lumundag nang mabilis.

(Huminto.)

A, bahala na. Papasok ako, sapagkat kailangan kong iligtas ang aking mga kapatid na lalaki.

(Pumasok siya sa kweba. Ang DIWATA ay nasa loob ng kweba, pero hindi nakikita.)

DIWATA: Mayroon kang tapang, munting Elisa.

ELISA: (nagpakita ng kaginhawahan) Ay! Nandito ka ba, mabuting ale?

DIWATA: Masdan mo!

(Napuno ng ilaw ang kweba; may nakitang magandang Diwata.)

ELISA: Ah! Akala ko ang Mabuti iyon.

DIWATA: Hindi mahalaga, mahal na bata. Alam kong pupunta ka dito.

ELISA: Natakot akong pumasok.

DIWATA: Pero pumasok ka. Ang iyong pag-ibig para sa iyong mga kapatid na lalaki ay mas malakas kaysa sa iyong takot.

ELISA: Iyon ang nagbigay sa akin ng tapang.

DIWATA: Pagsubok iyon ng iyong tapang. At ngayon masasabi ko sa iyo kung paano sisirain ang salamangkang nakabalot sa iyong mga kapatid na lalaki.

ELISA: Gagawin ko ang anumang sabihin mo.

DIWATA: Maghihirap ka nang malaki.

ELISA: Ano sa akin, kung maliligtas ko ang aking mga kapatid na lalaki!

DIWATA: (tumango) Kung gayon makinig ka. Nakikita mo ba ang mga nakakatusok na kulitis na hawak ko sa aking kamay?

ELISA: Oo, mahal na Diwata.

DIWATA: Kailangan mong magtipon ng marami nito.

ELISA: Nakapansin ako ng marami na katulad niyan na tumutubo malapit sa kwebang ito.

Mga Dulang PambataWhere stories live. Discover now