ANG MAPANGIT NA SISIW NA PATO

Start from the beginning
                                    

PUTING GANSA: Hindi siya pato at hindi din siya gansa!

MALAKING INAHIN: At hindi din siya manok!

PABO: Ikahihiya kong magkaroon ng pabong mukhang ganyan!

PULANG TANDANG: Hindi ako makakapayag na ampunin siya ng kahit sino sa aking mga inahin.

GINANG PATO: Teka muna, teka muna, mga kaibigan. Ang kawawang bata ay hindi maganda, pero mabait siya, at kaya niyang lumangoy nang mas mahusay sa mga iba.

PABO: Kung nakakalangoy siya nang mahusay ay wala sa akin!

PULANG TANDANG: Ni sa akin! Dapat siyang itaboy, sabi ko!

GINANG PATO: Hayaan ninyo siya; wala siyang ginagawang masama.

UNANG SISIW NA PATO: Pero, inay, walang titingin sa atin kung mananatili siya kasama natin!

GINANG PATO: (mapapaisip) Ngayon, siguro baka ganoon ang mangyari.

PANGALAWANG SISIW: Hindi ako maglalakad nang kasama siya!

PANGATLONG SISIW: Ni ako!

GINANG PATO: Ay, ay! Mukhang mas mapangit siya sa inaakala ko!

UNANG SISIW NA PATO: Isa pa, mahal na ina, ayaw niyang magkwak.

GINANG PATO: Ano ito? Hindi ba siya nagkwak ngayon-ngayon lang?

PANGALAWANG SISIW: Ibinuka niya ang kanyang mga paa, pero ayaw niyang magkwak.

PANGATLONG SISIW: Totoo iyon, mahal na ina.

GINANG PATO: (sa Mapangit na Sisiw na Pato) Magkwak ka! Magkwak ka ngayon--ngayon din!

(Susubukan ng Mapangit na Sisiw na Pato na magkwak, pero mabubulunan siya. Tatawanan siya at tutuyain ng mga ibon.)

MAITIM NA GANSA: Ha, ha! Ayan ang "kwak" para sa iyo!

PUTING GANSA: Ha, ha!

MALAKING INAHIN: Ha, ha!

PULANG TANDANG: Ha, ha!

PABO: Ha, ha!

GINANG PATO: (nang galit) Isa pa, sabi ko--magkwak ka!

(Susubukan uli ng Mapangit na Sisiw na Pato; mabubulunan siya.)

LAHAT NG MGA IBON: Ha, ha, ha, ha!

MAPANGIT NA SISIW NA PATO: (iiyak) Patawad--magkukwak ako kung kaya ko.

GINANG PATO: Ah, sana wala ka na dito!

UNANG SISIW NA PATO: Sana kainin ka ng pusa!

PANGALAWANG SISIW: Sana patayin ka ng mga sisne!

PUTING GANSA: At gagawin nila iyon kapag makita nila siya--makakasiguro ka doon.

MAITIM NA GANSA: (tatango) Oo, hindi nila mapapayagang lumangoy sa sapa ang ganyan kapangit na nilalang!

PULANG TANDANG: Kailangan natin siyang itaboy--malinaw iyon!

(Susugod sa Mapangit na Sisiw na Pato.)

Sige na, umalis ka na!

MALAKING INAHIN: (tutuka sa Sisiw na Pato) Umalis ka!

MAPANGIT NA SISIW NA PATO: Inay, iligtas ninyo ako!

GINANG PATO: Huwag kang tumawag sa akin!

MAITIM NA GANSA: (susugod para hampasin ng kanyang mga pakpak ang Sisiw na Pato) Umalis ka!

Mga Dulang PambataWhere stories live. Discover now