CHAPTER 27

1.3M 31.8K 9.7K
                                    

CHAPTER 27

NAGISING SI Red sa isang puting silid. Kaagad siyang bumangon ng makitang estrangehero ang kuwartong 'yon sa kaniya, pero kaagad na may pumigil sa kaniyang umalis sa kama na kinahihigaan.

"Hey, just relax."

Kaagad siyang tumingin sa nagsalita at kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwang ng makakita ng pamilyar na mukha.

"Kuya Dark..." Hinayaan niya ang pinsan na paupuin siya ulit sa gilid ng kama. "Anong ginagawa mo rito?"

Sa halip na sagutin siya, nagtanong ito. "Nag-aalala ako sayo, malamang. Ayos ka na ba? Namumutla ka kanina pagpasok ko rito."

"Ayos lang ako," sabi niya.

"That's good." Hinaplos nito ang buhok niya. "Talagang dumaan lang ako rito sa Sicily habang patungong Greece. Iniwan ko doon si Anniza ng isang linggo habang nasa Canada ako, e. May inasikaso akong business do'n at walang mag-aalaga sa asawa ko."

Napangiti siya. "Malapit nang lumabas panganay mo, kuya."

"Yes, and I have to go." Hinalikan siya nito sa pisngi. "Sige, aalis na ako. Nag-alala lang talaga ako ng tumawag si Khairro nuong isang araw. Buti naman okay ka na."

Nginitian niya ang pinsan niya. "Salamat, kuya."

Tinitigan siya nito. "I hope to see you in Greece soon."

Tumango siya. "Susubukan ko."

Nginitian siya ng pinsan niya saka ginulo ang buhok niya saka umalis na ng kuwarto. Siya naman ay pinalibot niya ang tingin saka kumunot ang nuo.

"Nasaan ba tayo?" Tanong niya kay Khairro.

"Nasa hospital. Observation room," sagot ni Khairro.

Nang banggitin ng pinsan niya ang salitang hospital, binundol ng kama ang dibdib niya. "Si Phoenix!"

Kaagad siyang umalis sa kanauupuan saka nagmamadaling naglakad patungo sa pinto.

"Hey, hey, hey!" Pinigilan siya ni Khairro. "Dahan-dahan lang. Baka mapaano ka, papatayin kami ni Phoenix kapag may nangyaring masama sayo." Napakamot ito sa batok. "Dadalhin naman kita sa kaniya. Just chill, okay?"

Huminga siya ng malalim saka tumango. At tulad nang sinabi ni Khairro, nagdahan-dahan siya. Hindi pa rin maayos ang pakiramdam niya pero kaya na niya ang sarili.

Lumabas sila ng observation room saka pumasok sa isang hallway na nanunuot sa ilong niya ang amoy ng gamot.

"Ayos lang ba si Phoenix?" Tanong niya habang naglalakad sila.

"Siguro." Nagkibit-balikat si Khairro. "Pinabantayan ka kasi sakin ni Blaze bago pa dumating 'yong doctor na tumingin kay Martinez kaya wala akong alam sa lagay niya." Kapagkuwan ay napailing-iling ito. "Martinez is one crazy man. Good thing he won, kami sana bubogbog sa kaniya e."

Kahit papaano ay gumaang ang pakiramdam ni Red at napangiti. Titus said the same thing. Hindi lang halata pero matatalik na magkaibigan ang mga ito.

"Ikaw lang ba at si kuya Dark ang nandito?" Kapagkuwan ay tanong niya.

"Half of the gang is here," sagot ni Khairro na napailing at mahinang natawa. "Nang malaman namin mula kay Titus ang plano ni Martinez, nagkaniya-kaniya kaming alis papunta rito sa Sicily at nagkita-kita nalang rito para batukan si Martinez sa kabaliwang ginawa niya. Ang hindi lang sumama ay yong mga busy sa pamilya at yong bagong kasal naming kaibigang si Lysander."

Napatango-tango siya at natutuwa siya para kay Phoenix dahil nasa likod lang nito ang mga kaibigan. Bigla tuloy niyang na miss ang mga kaibigan niya na alam niyang nasa likod lang din niya kung kakailanganin niya ang tulong ng mga ito.

POSSESSIVE 15: Phoenix MartinezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon