CHAPTER 7

1.5M 30.1K 9.6K
                                    

CHAPTER 7

"SALAMAT," WIKA ni Red ng ilapag ni Phoenix ang mainit na isang tasang kape sa harapan niya, saka ihinipan ng sariling hininga ang kamay niya para uminit iyon kahit papaano. "Bakit kaya iba ang lamig ngayon dito?"

Magkaharap sila ni Phoenix sa coffee table nito na nasa balkonahe. Kahit may suot na siyang sweater, malamig pa rin.

"Inumin mo na 'yan," ani Phoenix na tinuro ang kape niya. "Para kahit papaano, mainitan ka."

Tumango siya at sinunod ito. Nakakailang inom palang siya ng mainit na kape ng magsalita ulit si Phoenix.

"So, what now?"

Natigilan siya at napabaling sa binata. "What?"

Tumingin sa mga mata niya si Phoenix. "We did it. So what now?"

Nagkibit-balikat siya na para bang walang nakakailang sa pinag-uusapan nila. "We pretend that nothing happened. May Titus tayong dapat isipin. Isa lang ang sigurado ako, dapat hindi na maulit 'yon. Hindi na puwede. Napagbigyan na natin ang isa't-isa. Tama na 'yon. Init lang 'yon ng katawan. It was just lust and nothing more."

Nawala ang emosyon sa mukha ni Phoenix. "Hindi ko gagawin 'yon."

Nagsalubong ang kilay niya. "Ano ang hindi mo gagawin?"

"Ang magpanggap na parang walang nangyari. I can't do that."

"Phoenix!" Pinandilatan niya ito.

"What?" He asked, annoyed. "Gusto mong magpanggap akong parang walang nangyari. Para ko na rin niyan niloko ang sarili ko."

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Kung ayaw mo, ako ang gagawa. Madali lang naman magpanggap na parang walang nangyari."

"And do you think I would let you?"

Gulat na napatitig siya kay Phoenix. "Anong sabi mo?"

Matiim siya nitong tinitigan habang nakatiim ang bagang. "I wont let you pretend like nothing happened because something happened between us, Red. We had sex. Plain and simple. Don't make it complicated--"

"It's already complicated!" Tumaas na ang boses niya. Nawalan na siya nang ganang ubosin ang kape na tinimpla ni Phoenix. "Baka nakakalimutan mo, Phoenix, may fiance ako."

"Hindi ko nakakalimutan!" Tumaas na rin ang boses ni Phoenix. "I know that you are my best friend's fiance, darn it!" Malakas nitong sinuntok ang coffee table habang madilim ang mukha. "Sa tingin mo basta-basta kong makakalimutan 'yon?"

Nagbaba siya ng tingin mula sa matalim na pakikipagtitigan kay Phoenix. "Kung ganoon naman pala, bakit ayaw mong gawin ang hinihiling ko? Madali lang naman, e," mahina ang boses na sabi niya. "Hindi mo ba naiisip si Titus?"

"Naiisip," ani Phoenix. "That's why you should break the engagement with him."

Malalaki ang matang napatingin siya ulit kay Phoenix. "Ano?"

"Break the engagement off," ani Phoenix na para bang walang halaga ang hinihingi nito sa kaniya.

Napaawang ang labi niya sa gulat saka hindi makapaniwalang napailing-iling. "Nababaliw ka na ba? Ayoko nga! I wont break it off with Titus. He's my fiance and--"

"And you should have think of that first before you kissed me back and let me in!"

"Ikaw ang unang nanghalik!" Balik niyang sigaw rito.

"You kissed me back, Red. You. Kissed. Me. Back!" Parang nanggigigil sa inis ang boses nito. "At dapat lang naman talagang makipaghiwalay ka na kay Titus. It's just too heartless for you to marry a man you don't love."

POSSESSIVE 15: Phoenix MartinezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon