CHAPTER 20

1.3M 28.3K 5.2K
                                    

👉👉 Happy Birthday, Casmir Marie Tamayo. Sinadya ko talaga na ngayon ka batiin, hindi nung 17. Sabi mo kasi 20 ka na, so Chapter 20 is for you. 

CHAPTER 20

WALANG GUSTONG kainin si Red maliban nalang sa isang bowl na puno ng bagong pitas na strawberry sa harapan niya. Para siyang hayok na kinakain 'yon na parang wala nang bukas.

Bite after bite and it just tasted better and better each time.

At nang hindi pa siya nakontento, pinakialam niya ang ref ni Phoenix saka kinuha doon ang dalawang malalaking bowl na puno ng strawberry.

They looked so yummy and fresh!

Inilapag niya sa mesa ang dalawang bowl saka nag-umpisang ubusin 'yon. Nasa kalagitnaan siya ng pag-ubos sa isang bowl ng strawberry ng pumasok si Phoenix at Beckett sa hapag-kainan.

"Hey, baby, what are you--" Napatigil sa pagsasalita si Phoenix ng makita siyang inuubos ang strawberry. "The hell?"

Nginitian niya ito saka kumagat ulit ng strawberry. "Mayroon ka pa ba nito?" Tanong niya habang kumakain.

"Yeah." Parang hindi makapaniwalang nakatitig sa kaniya at sa tatlong bowl na may lamang strawberry si Phoenix saka tinuro ang ref. "It's in there, baby."

Napasimangot siya. "Ito na 'yon lahat."

Bahagyang umawang ang labi nito. "Baby, marami ang strawberry na laman ang ref ko. Just look and--"

"I did, and I'm telling you, this is all. And I want more."

Napakurap-kurap sa kaniya si Phoenix. "Come again?"

Napabuntong-hininga siya saka nilapitan ang ref at binuksan ang pinto niyon para ipakita sa binata ang laman. "There. May nakikita ka bang strawberry?"

Sabay na sumilip si Phoenix at Beckett sa loob ng ref saka sabay na napatitig sa kaniya.

"Kinuha mo ang lahat ng strawberry dito?" Hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Beckett. "That's too many."

Mabilis siyang tumango. "Oo, kinuha ko lahat. E, sa gusto kong kumain e. Pero hindi siya ganoon karami." Umingos siya saka bumalik sa kinauupuan.

Phoenix was looking at her like she had lost her head. "Baby, are you okay? Hindi ba sasakit ang tiyan mo diyan sa strawberry na balak mong kainin?"

Umiling siya. "Nope. Though I'm wondering, can you make me a strawberry shake? Feeling ko masarap 'yon at gusto kong tikman--" Tumigil siya sa pagsasalita saka pinukol ng masamang tingin si Beckett na akmang kukuha ng strawberry sa bowl. "Don't you dare or I'll cut your hands off."

Mabilis na binawi ni Beckett ang kamay saka itinago 'yon sa likod nito. "Hindi na ako kukuha, huwag mo na akong tingnan ng masama."

"Buti naman." Inirapan niya si Beckett saka pinagpatuloy ang pagkain.

Si Phoenix naman at Beckett ay magkatulong na naghain ng pagkain sa hapag-kainan. Nang matapos ang mga ito, tamang-tama naman na naubos niya ang dalawang bowl ng strawberry.

Hinaplos niya ang tiyan na busog na busog dahil sa strawberry. "I'm full."

"Sa dami ba naman ng strawberry na kinain mo," ani Phoenix at ibinalik ang bowl ng strawberry sa ref saka naglapag ng pinggan sa harapan niya. "Here. Eat up. Baka mamaya pa kumain 'yong iba, may mga ginagawa pa sila, e. Si Beckett naman doon daw kakain sa sala, manunuod yata ng T.V."

Walang imik na sinunod niya si Phoenix. Kumain siya at habang nagsasalo silang dalawa, tinanong niya ang binata.

"Nasaan pala ang phone ni Titus?" Ito kasi ang huling taong nakita niyang may hawak sa cellphone ni Titus. "Tatawagan ko kasi ang kaibigan ko," pagsisinungaling niya. "Baka nag-aalala na 'yon sakin. Hindi ko memorize ang number ni Gladz e, naka save doon sa phone ni Titus."

POSSESSIVE 15: Phoenix MartinezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon