CHAPTER 25

1M 27.2K 8.5K
                                    

CHAPTER 25

KAPOS NG HININGA si Phoenix habang bumabangon siya sa pagkakalugmok sa sahig. Pinahid niya ang dugo sa gilid ng labi na pumutok saka tumayo at inihanda ulit ang sarili na labanan ang trenta katao na nakapalibot sa kaniya.

Fuck! This was suicide!

Mahigpit niyang kinuyom ang kamao ng makitang may sabay-sabay na aatake na naman sa kaniya. Inihanda niya ang sarili sa lakas ng bawat suntok na madali niyang nasasalag pero may nakakalusot pa rin sa depensa niya.

Napa-igik siya ng may tumamang malakas na suntok sa tiyan niya, sa likod niya at sa panga niya, pero hindi niya hinayaang matumba ulit. Umigkas ang kamao niya at malakas sumipa ang paa niya na tumama sa ulo ng isa sa mga kalaban niya. Bumulagta ito sa sahig pero hindi niya iyon binigyan pansin. Patuloy siyang nakipaglaban. Hindi niya pinapansin ang tumatamang suntok at sipa sa katawan niya.

He kept on punching, kicking, punching and kicking and impairing every person he got his hands on.

He blocked and delivered a powerful kick. He blocked and gave a double-punch. Wala siyang pakialam kung sino ang tinatamaan niya. Ang importante, may tinatamaan siya.

Then, a double punch hit his jaw. Mariin niyang pinikit ang mga mata ng magdilim ang paningin niya dahil sa lakas ng puwersa no'n. At dahil sa pagpikit niya, hindi niya napansin ang sipa na tumama sa likod niya, dahilan para mapaliyad siya sa sakit at sinegundahan 'yon ng pagsipa sa tiyan niya.

Napadaing siya sa sakit kasabay ng pagkapaluhod niya sa sahig at pag-ubo niya ng dugo. Pero hindi iyon naging dahilan para tigilan siya ng mga kalaban niya. Panay ang sipa ng mga ito sa kaniya katawan niya hanggang sa bumagsak siya sa sahig. At kahit napakahirap, pinilit pa rin niyang bumangon at lumaban.

Sinalag niya ang bawat suntok at sipa na kaya niyang salagin, at ang hindi niya nasasalag, napapa-igik nalang siya sa sakit, pero lumaban pa rin siya. Sunod-sunod ang suntok na pinapakawalan niya, kasabay ng malalakas na sipa at nang lahat ng kalaban niya ay halos daganan siya para mapatumba, tumalon siya pataas saka ginamit ang siko para patumbahin ang dalawang kalaban sa pamamagitan ng malakas na pagtama ng siko niya sa leeg ng nga ito.

Hindi alam ni Phoenix kung ilang segundo, minuto o oras na ang nagdaan mula ng mag-umpisa ang Flamma kaninang hating-gabi, basta lumaban lang siya ng lumaban hanggang sa maramdaman niyang wala nang pagtitimpi ang lakas na pinapakawalan niya.

Phoenix gave everything he got. He was not holding back anymore, he was not holding his punches and his kicks, afraid that he might kill them. Not anymore. All he wanted was to survive and that was the most ruthless side of him. When he turned into survival mode, everything was muted, his concentration was perfect and he became livid. He became an animal.

Pinahid niya ang dugong dumaloy mula sa pumutok niyang kilay saka matalim ang mata at nagtatagis ang bagang na tumingin sa mga kalaban niya na ngayon ay nabawasan na.

"You're all gonna die," nagtatagis ang bagang niyang sambit saka siya ang unang umatake.



"ARE YOU READY, Red?" Tanong ng ama niya sa kaniya habang nakatayo siya sa puno ng hagdan at nakasuot na ng wedding gown. "We're leaving for the church now."

Humigpit ang hawak niya sa kaniyang bouquet. Hindi niya alam na inimbitahan pala ni Rinaldi ang ama niya at sa sobrang galit na nararamdaman niya para rito, hindi niya ito magawang kausapin at tingnan.

"Red, talk to me," pakiusap ng ama niya.

Matalim ang matang binalingan niya ang ama niya na nasa tabi niya. "Why would I talk to you? Misó̱ sas, patéra." I hate you, Father.

POSSESSIVE 15: Phoenix MartinezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon