Hinanap ko ang pila para sa section namin. Nagtilian ang mga kaibigan ko nang makita ako. They welcomed me with a hug. Nang matapos ang kamustahan ay lumayo ako sa kanila at naghanap sa ibang pila ng ka-batch namin para hanapin siya.

An arm suddenly wrapped around my shoulder. My body jumped and my head snapped towards the person who dared to touch me.

"Vance." sabi ko nang makita nang mabuti ang mukha niya.

"Hey, babe. Miss me?" nakangising bati nito sa akin.

Kahit na gago 'to ay kahit papaano nakaka-miss din ang kakulitan at pagiging malandi niya. I lazily smirked and wrapped an arm on his lower back. That seemed to shock him.

"Of course... not." kinurot ko siya ng madiin sa tagiliran at napaatras naman siya sa akin palayo. Tumawa ako at ngumiwi ito sa akin.

"Third year na tayo pero sinasaktan mo pa rin ako."

"Vance, sa kapal ng mukha mong yan, di ka na tinatablan ng sakit." I rolled my eyes at him. He chuckled and I grinned, shaking my head.

The electric bells from the different buildings rang at the same time. That means the opening ceremony will be starting in just a few minutes.

Pinaayos na ang mga pila at ilang minuto pa ay tumahimik na ang lahat. I looked for the line of the top section. Madali kong nakita iyon dahil nasa likod nakapila ang kambal ko. I quickly searched for Silas' but he's nowhere to be found.

Natapos ang opening ceremony nang hindi ko man lang siya nakita. He's still studying here, right? I'm sure he won't be in the final class list if he's not enrolled.

Every students went back to their respected rooms. Nang umakyat kami ay wala pa ang adviser namin. Sa pagkakaalam ko, si Ms. Wensislao ang adviser namin. She was our math teacher last year.

I saw with my friends. Nagpapa-kwento sila sa akin sa naging bakasyon namin sa France. I'm even surprised that they're not sick of asking me stories about my trips to France dahil annual na ang pagbisita namin doon. Since my grandparents from my father's side are there.

"Oh my God." isang impit na boses ang tumawag ng atensyon ko─ng buong klase, mula sa door way. It was a girl who's with another two girls.

They were hyperventilating and looked like they were going to pass out if they don't stop.

"Ang hot na niya!" nanginig ang boses nung isa nang magsalita. Umangat ang dalawang kilay ko at napatawa. Iniling niya ang ulo at nagpaypay gamit ang kamay. "Hustisya! Ang hot na ni Silas!"

Napawi ang tuwa sa mukha ko nang marinig ang pangalan na nabanggit niya. Tumayo ako at naglakad palapit sa mga babae.

"Silas?" I asked her with wide eyes.

"Oo! Close kayo diba, L? Lakad mo naman kami!" tawa nito.

"Where is he?" I asked, ignoring other unimportant words to me.

"May kasama siyang teacher galing ng principal's office! Paniguradong papunta na sila ngayon sa room ng section one." paliwanag ng isa.

I didn't bother thanking them for the information. Mabilis na naglakad ako patungo sa door way. Pagkalabas na pagkalabas ko ay natanaw ko agad si Ms. Wensislao.

"Oh, Ms. Serrano, saan ang punta natin?" nakangiting salubong nito sa akin. "Pumasok na sa loob. Mag-aattendance na ako."

I didn't want to, but I don't have the choice but to follow her order. Bigong bumalik ako sa loob ng room at naglakad pabalik sa pwesto ko.

I endured the next two hours. Tiniis ko na h'wag munang lumabas. Pinilit kong makinig kay Ms. Wensislao sa pagdiscuss ng student's handbook, kahit na taon-taon ay palaging ganoon ang ginagawa tuwing first day.

Every Bad ThingWhere stories live. Discover now