Natagalan lang ako sa pag bibihis dahil hindi ko alam ang isusuot ko. Kakaunti lang ang dala kong damit kaya kailangan kong magtipid.
Kainis, kailangan ko pang bumili ng damit mamaya.

Pero nanlumo ako nang maalala kong wala nga pala akong dalang maraming pera. Sapat lang ang perang dala ko para sa pagkain.
Nakakainis talaga. Napabuntong hininga ako.

Lalabhan ko na lang. Siguro naman ay mayroon ditong dryer. Pagkalabas ko sa kwarto ay naabutan ko si Boss na nag-aayos ng neck tie niya.

Ang gwapo niya talaga. Lalo na pag nakasuot siya ng tuxedo. Bulag na lang talaga ang hindi makaka-appreciate sa ka-gwapuhan niya. Baliw lang ang hindi maiinlove sa kaniya.

Nasa kaniya na talaga ang lahat. Hay! Lubos siyang pinagpala dahil sa perpekto niyang mukha. Isama niya na rin ang matipuno niyang pangangatawan at pati sobrang yaman niya din. Ang swerte naman ng mapapangasawa niya. Sana ako na lang. Kinurot ko ang pisngi ko.
Hay naku, Hera. Hanggang panaginip ka na lang.

Okay, gusto ko siyang maging boyfriend! Pogi eh!

Nilapitan ko si Boss. Hindi niya napansin ang paglapit ko. Kaya nagulat siya noong inalis ko nang dahan-dahan ang kaniyang kamay para ako ang magpatuloy sa pag-aayos ng neck tie niya.

Seryoso ako sa ginagawa ko kaya hindi ko napansin na nakatitig na pala siya sa akin. Napalunok ako. Nang matapos ako sa ginagawa ay lumayo agad ako sa kaniya.

Umiwas ako nang tingin. Nakakahiya. Bakit mo pa kasi ginawa 'yun Hera. Mukhang hindi niya gusto ang ginawa mo. Napakamot ako sa batok ko.

"Ay! Pasensya na, Boss. Pati paglalagay ng neck tie ay pinakialaman ko pa. He-he" kinakabahang sabi ko.

Yari! Paniguradong galit siya. Deadboll na naman!

Hindi siya nagsalita kaya naman ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. Napakagat labi ako.

Ano ba, Boss! Huwag mo nga akong tingnan ng gan’yan. Kenekeleg kese eke eh. Nakakaakit kasi siyang tumingin eh.

"Kung makatingin ka naman, Boss. Para mo na akong bubuntisin niyan eh!" wala sa sariling saad ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko kung ano ang sinabi ko.
Oh my gosh! Kailangan ko na talagang ipatahi ang napakaganda kong bibig. Hindi ko na kasi mapigilan. Wala na siyang preno.

Napangisi siya sa narinig. "Later babe. Dadating din tayo diyan." nakakaloko siyang ngumiti habang tinitingnan ang kaniyang wristwatch. "Pero bago 'yun ay kailangan muna nating kumain para may lakas tayo"

Napanganga ako sa sinabi niya. Anak ng pusa oh. Kainin na sana ako ng lupa. Ang dami ko ng kahihiyan na nagawa.

"Do you like it?" tumango ako nang dahan dahan.

Tahimik ang buong paligid. Tanging tunog lang ng kubyertos ang aking naririnig. Halos lahat ng tao ay tahimik lang na kumakain. Ganito nga pala talaga pagnakain ka sa isang mamahaling restaurant. Walang maingay at walang mga taong makabasag pinggan.

Halos lahat ay pinong kumilos. Pinagpapawisan na nga ako dahil ayokong makagawa nang hindi maganda. Kaya ginagawa ko ang lahat para maging mahinhin ang aking pag kilos. Ayokong magkalat no.

At ayoko nang madagdagan pa ang mga kahihiyang nangyari sa akin. Lalo na dito sa maraming tao.
Masarap ang mga pagkain sa restaurant na ito pero hindi ko magawang mag-enjoy. Nakakailang kasi parang hindi talaga ako bagay sa ganitong klase ng lugar. Feeling ko mukha akong basahan. Feeling ko rin pinagtitinginan ako ng ibang tao at pinag-uusapan. Feeling ko lang ba talaga o sadyang feelingyera lang talaga ako. Ay ewan.

The Billionaire's SecretaryWhere stories live. Discover now