CHAPTER 19: Besties

Magsimula sa umpisa
                                    

'Alam ko. Pero tol, ingatan mo naman si Kath. Babae yun. Hindi lang pangkaraniwang babae. Public figure yun. Kayong dalawa. Nung ginawa nyo ba, may condom ka?'

Umiling lamang si DJ.

'Ilang beses nyo na ba ginawa?'

'Isa pa lang.' He says after some hesitation.

'Promise? Honesto?'

'Hindi ko kasi alam kung counted yung dalawa.'

'Anong dalawa?'

At sinimulan na ring ikwento ni DJ kay Seth lahat.

********

'Ganito na lang teh...' Pagsisimula ni Miles matapos magkuwento ni Kathryn. 'Huwag mong masyadong pahirapan ang sarili mo kakaisip sa ganyang bagay.'

'Parang nadurumihan na kasi ako sa sarili ko teh e.' Naiiyak na sabi ni Kathryn. 'Girlfriend nya ko. Hindi parausan.'

Napabuntong hininga si Miles.

'Mamili ka nga Chandria. Anong gusto mo? Sa ibang babae nagpaparaos ang boyfriend mo? At least sayo no.'

'Miles naman.'

'Medyo nagugulo talaga ang relasyon pag pumapasok na ang ganyang usapan e. Sinimulan nyo na. E di pangatawanan nyo. Basta mag-ingat lang ha? Kung ayaw mong gawin, sabihin mo sa kanya. Alam ko namang hindi ka pupuwersahin ni DJ. At saka ok nga yung huling ginawa nyo. Safe pero nairaos.'

'Saan mo ba nakukuha yang pag-iisip na ganyan?' Finally, Kath was able to chuckle while asking that question to Miles.

'Ganyan talaga Kath. Kailangan pinapalawak lang natin ang mga isip natin paminsan-minsan.'

'Siguro nga kailangan na naming mag-usap ni DJ.' Buntong hininga niya. 'Nahihirapan na ako.'

'Gora lang te. Usap kayo. Basta wala namang mga bagay na hindi nadadaan sa mabuting usapan e. For sure naman, di ka rin matitiis nun.'

*********

'E sabi naman pala ni Kath mag-uusap kayo. Kaso, saka na lang daw.'

'Natatakot kasi ako tol e. Syempre kanina, hindi ko alam kung ano ba. Nasaktan ko ba sya? Ayaw na ba nya?' Naguguluhang tanong ni DJ. 'Lalo na nung tinabig nya yung kamay ko nung hahawakan ko sya? Grabe brad. Para na rin niya akong sinuntok.'

'Huwag ka kasing padalos-dalos Padilla. Malay mo. Ayaw nyang gawin kanina. Kaso sinunggaban mo na agad. Hindi na nakapalag. Babae yun DJ. Isa pa, bata pa yun. Tapos ikaw ang una nya. Syempre maguguluhan yun.' Paliwanag ni Seth.

'Mahal na mahal ko talaga e. Kung pwede nga lang pakasalan ko na e.'

'Sabihin mo, mahalay ka.' At binatukan ni Seth si DJ. 'All this time, akala ko pa-virgin talaga kayong dalawa. Na hanggang HHWS lang. Yun pala... Harujusko DJ. Ingat ingat kayo. Pag yan umukol.'

'Sabi ko sayo diba, handa kong panagutan. Kahit pakasalan ko pa sa lahat ng simbahan.'

'Hindi naman ganun kadali yun brad e. Isipin mo ha? Si Kath, endorser ng Whisper at Buscopan. Mga ginagamit ng babae pag meron. Pag nabuntis si Kath, pano na yun? Kontrata yun pare!'

'Malapit na maexpire yung kontrata nya dun sa dalawang yun. Kung mangyari, e di hindi na nya ire-renew.'

'Sumeselfish ka rin ano? 18 pa lang yung tao. Ano na lang sasabihin ng publiko sa kanya? Sa'yo malamang wala masyado kasi lalaki ka. Baka nga dagdag puntos pa sa ka-machohan mo. E si Kath, brad! Babae un. Yun pa nga lang mga pictures nyo na stolen shots na clingy clingy kayo, kung ma-bash sya ng mga tao. Kung mai-issue pa syang buntis? Tapos hindi pa kayo umaamin na kayo na? Gamitin ang kukote Padilla. Girlfriend mo si Kath. Hindi parausan.' Paglilitanya ni Seth.

'E pano kung kailangan ko na? Alangan namang humanap ako ng iba diba?'

'Sira ulo!' At binatukan uli ni Seth si DJ.

'Ikaw. Nakakailan ka na ha.'

'Ay, sorry.' Ngisi ni Seth. 'Kung di mo maiwasan, sabihin mo sa kanya ng maayos. E bakit before naman na di nyo pa ginagawa, naitatawid mo ng mag-isa diba? Anong difference ngayon? Magpaalam ka ng mabuti. Huwag sunggab ng sunggab. Siguro nagulat lang din si Kath dun sa ginawa mo kanina. Iba kasi e. San mo natutunan yun?' Natatawang tanong ni Seth.

'Wag ka nga...' Namumulang sabi ni DJ.

'Saan nga?'

'Nakita ko sa Google! Loko!'

'Aba. May pinagmanahan naman pala si Joaquin Manansala e. Google boy...'

'Gago!'

'Basta mag-usap kayo DJ. Walang bagay na hindi naayos kapag pinag-usapan ng mabuti.'

*****************

***Author's Note***

#MedyoSabaw
#HappyKathNielDay

At bakit ako naghahashtag dito? XD

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon