CHAPTER 24

1.1M 26.4K 6.2K
                                    

Hi to Lucy Joy Angel Repayo.

CHAPTER 24

ISANG ARAW na ang nagdaan mula ng huling makita at makausap ni Red si Phoenix. Isang araw na ang nagdaan mula ng huli niyang makausap si Titus dahil kahit ang pagkain niya ay dinadalhan lang siya sa kuwarto dahil bawal siyang lumabas. At isang araw na rin ang nagdaan na walang balita mula kay Nate. Hindi na siya mapakali habang dumadaan ang mga oras. Hindi siya makatulog, hindi siya makakain ng mabuti at wala siya sa sarili.

Ang tanging laman lang ng isip niya ay si Phoenix at kung ano na ang lagay ng binata. Natatakot siya para rito. Hindi niya kakayanin kung may mangyayaring masama sa binata.

Kaagad siyang umupo ng tuwid sa gilid ng kama ng bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Kaagad na nawala ang emosyon sa mukha niya ng makitang si Rinaldi Ivanov ang pumasok at kasama nito si Titus.

"Good afternoon, princess," bati sa kaniya ni Rinaldi. "How are you feeling today?"

Huminga siya ng malalim bago sumagot. "I'm fine." Hindi niya hinayaang makita nito ang emosyong nararamdaman niya sa mga sandaling 'yon. "How about you?" Pormal niyang balik tanong.

"Oh, I am well, princess." Malapad itong ngumiti. "And I actually came here to tell you that his death will never be your fault. It's his choice."

Kumunot ang nuo at kinabahan ng maisip na baka si Phoenix ang tinutukoy nito. "What do you mean? Who are you talking about?"

"You know Phoenix Martinez, right?"

Hindi siya tumango, hindi rin siya umiling. "Why are you asking?"

"I know you know him, you don't have to pretend that you don't. I just want to inform you that he'll be dead before the sun shines tomorrow." Nanatili ang ngiti sa mga labi nito. "I'll make sure of that. My men will kill him. Thirty versus one? What a joke."

Pilit niyang pinapakalma ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi niya hahayaang may makita itong kahit na anong emosyon sa mukha niya. "And if he won?"

Rinaldi smirked and it instantly disappeared. "He wont."

"He will," giit niya.

"Don't let your hopes up, princess. You'll be disappointed."

Red smiled. "We'll see."

"Yes, we shall see." Bumalik ulit ang ngiti sa mga labi nito saka iniba ang usapan. "The wedding is tomorrow morning, so get some rest. I don't want you to look unappealing tomorrow. You have to look beautiful tomorrow. And I also came here to tell you that everything is ready, even the honeymoon room." Mahina itong tumawa saka pinagsiklop ang mga kamay. "So rest, will you?"

Tumango siya. "I will rest."

"That's good to hear, princess."

Pilit siyang ngumiti saka magalang na nagtanong. "Is it okay if I speak to Titus?"

"Of course." Nakangiting pagpayag ni Rinaldi. "I'll take my leave now." Bumaling ito kay Titus. "You two talk. After all, the wedding is tomorrow. Sunday is the best wedding date, they say, that the marriage will be prosperous."

"Yes, patri," sagot ni Titus habang matiim na nakatingin sa kaniya.

Tinanguan siya ni Rinaldi bago ito tumalikod at naglakad palabas ng kuwarto niya. Nang sumara ang pinto at silang dalawa nalang ni Titus, kaagad siyang nagtanong sa mahinang boses.

"Kumusta si Phoenix?" Puno ng pag-aalalang tanong niya. "Napigilan niyo ba siya?"

Sapat na ang pagtiim-bagang ni Titus para malaman niya ang sagot sa tanong niya.

POSSESSIVE 15: Phoenix MartinezWhere stories live. Discover now