C12: To Be With You

368 21 8
                                    

C12: To Be With You

Marami pang napag-usapan sina Lander at Sharrah, kasama na doon ang tungkol sa desisyon ng ama ni Lander na maikasal ito sa gusto ng ama para dito.

"Kakausapin ko si Dad. He can't decide who I want to be with, lalo na't alam kong ayos na tayo. Don't worry, I'll fix this before I finally court you." Nakangiting sabi nito sakanya.

"Talaga? Liligawan mo parin ako kahit alam mo na ang nararamdaman ko para sayo?" Nahihiyang sabi ng dalaga dito.

"Oo naman. Liligawan naman kita hindi dahil alam kong mahal mo ako kundi dahil gusto kong maramdaman mong gusto din naman kitang paghirapan. I'll talk to your parents one of these days to formally ask permission to them. Is that ok with you?"

"Syempre..."

Biglang natawa ang binata sa inaakto ng dalaga dito.

"Bakit parang nawala na ata ang pagiging makulit mo ngayon?"

"Eh nahihiya ako!" Sagot ng dalaga saka itinakip ang panyo nito sa mukha niyang namumula.

Nakangiting inalis ito ng binata sa mukha niya at tinitigan siya na iniiwasan naman niyang titigan din ang binata.

"L! A-ano ba?!"

"Look at me M..." Malumanay na utos nito sakanya. "I won't stop staring at you, kung hindi ka titingin..."

Napatingin naman agad ang dalaga dito na hindi na niya magawang umiwas pa dahil para siyang nahihipnotismo ng mga singkit at mapupungay nitong mga mata.

Unti-unti itong ngumiti sa dalaga. Ang ngiting dati nitong ibinibigay sakanya sa tuwing magagalit siya dito dahil sa nagtuturo ito ng Math sa mga babae.

Napapikit ang dalaga nang dampian ng binata ng halik ang kanyang noo. Parang sumasabog na ang puso niya sa sobrang sayang nadarama.

-

Pero kahit pagbalik-baliktarin nila ang kanilang mundo ay may masasaktan at masasaktan parin, katulad ni Cj na patuloy na umaasa sa wala.

"Bunso..."

"Ma!"

Pumasok ang kanyang ina sa kwarto niya at tumabi sakanya.

"Mukhang masaya ka anak."

"Opo. Ang sarap po pala sa pakiramdam na malaman na ang taong gusto mo ay gusto ka rin, pero mas masarap sa pakiramdam na ang taong mahal mo ay mahal ka rin... Pero Ma, ayokong masaktan si Cj..."

"Masasaktan at masasaktan mo siya anak kahit hindi mo gustong saktan siya. May mga bagay na kahit wala ka namang ginagawang nakakasakit sa iba, nasasaktan parin sila dahil patuloy silang umaasa sa wala. Alam naman niya un diba?"

"Opo pero naaawa po ako sakanya..."

"Natural ang maawa, ang hindi natural ay ung hahayaan mo siya kahit hindi mo naman talaga ginustong hayaan siyang umasa."

"Salamat Ma." Nakangiting sabi nito sa ina.

Ngumiti ang ina nito saka siya yinakap. Isa sa pinakamasarap na pakiramdam sa mundo ay maintindihan ka ng iyong ina na ikinatutuwa ng dalaga dahil mayroon siyang inang maunawain.

-

Pagkalipas ng ilang araw ay bumalik na ang fiance ni Lander sa Korea. Nagalit man ang ama nito sakanya, ang mahalaga hinayaan na siya nitong magdesisyon para sa gusto niya.

At ngayon ang araw na makikipag-usap si Lander kasama si Mommy Maxine sa parents ni Sharrah.

"Anong meron at may tipon-tipon na nagaganap?" Patawa-tawang bungad ni Kuya Matt.

"Maupo ka na para malaman mo." Sabi ni Mama Maurice.

Sabay-sabay silang kumain ng dinner.

"Tito, Tita, Kuya, gusto ko pong magpaalam na ligawan si Sharrah..." Mahinang sabi ni Lander na ikinasamid ni Kuya Matt.

"Paano na si Cj, bunso?" Pagtatakang tanong nito sa kapatid.

"Nakausap ko na siya Kuya. Alam naman niya simula palang na wala siyang aasahan saakin eh, alam kong nasaktan ko siya pero mas masasaktan siy a kung hahayaan ko parin siyang manligaw kahit wala namang patutunguhan."

"Sabagay. Dahil diyan. Kailangan natin mag usap Max!"

"Sige Kuya."

"Mamaya tayo mag-usap. Lalaki sa lalaki."

"Kung anong desisyon ni bunso ay susuportahan ko, kilala ko naman itong si Max eh." Sabi naman ni Papa Theodore.

"Salamat Tito."

"Syempre, ano pa nga bang magagawa ko? Eh hindi naman na kayo bata para pakialaman ko sa mga desisyon niyo sa buhay. Malaki din naman ang tiwala ko kay Max." Sabi naman ni Mama Maurice.

"Salamat Tita. Hindi ko po sisirain ang tiwala niyo saakin."

Pagkatapos kumain ay si Sharrah ang naghugas habang sina Papa Theodore, Kuya Matt at Lander ay nagkainuman. Sina Mama Maurice naman at Mommy Maxine ay nasa living area nagchichikahan.

"Sa tinagal-tagal ay sa kapatid ko parin pala ang bagsak mo Max. Wag ka lang magkamamaling lokohin ang kapatid ko dahil makakatikim ka ng kamao ko. Alam mo bang, nakakahinayang ang paghihirap ni Cj sa kapatid ko? Lahat ginawa na niya tapos ikaw pa pala itong pinili ni Sharrah sa huli! Ang lakas mo sakanya ah! Kaya ang swerte mo!"

"I know that Kuya at kung pinaghihirapan siya ni Cj noon ay paghihirapan ko siya na mas higit pa ngayon. Matagal ko itong hinintay eh."

Napag-usapan nila ang tungkol sa naging fiance nitong ni Lander at naintindihan naman nila Papa Theodore at Kuya Matt ang sitwasyon na iyon ng binata.

-

C12 Posted: January 26, 2017

Dedicated to kshatrhia - Thank you for the votes in Substitute Personal Maid. I really appreciate it. God bless. Happy Reading! ❤

Perfect Combination (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon