C2: K-pop Concert

536 23 10
                                    

C2: K-pop Concert

Umaga palang naghahanda na si Sharrah para sa concert ng isang K-pop band na kinababaliwan niya na nagpupuno sa ding-ding ng kanyang kwarto. Excited na excited siya dahil sa tagal ng pagiging fan niya ay sa wakas pinayagan na siya ng parents niyang manood ng concert.

"Ang saya ni bunso ah! Makikita na kasi niya ang mga iniyakan niya noong mga panahong hindi siya makapunta!" Bungad ng kapatid nitong si Kuya Matt na may pang-aasar.

"Wag mo namang sirain ang saya ng kapatid mo Matt!" Saway ng ina nitong naghahain ng almusal.

Tinawanan siya ni Kuya Matt saka kumain ng almusal. Hindi niya nalang ito pinansin dahil ayaw niyang ma-bad vibes ngayon.

Nasa kwarto siya nag iisip ng pwede niyang gawin sa concert at nangangarap na mapansin ang pagiging fan niya kahit impusible ay masaya na siya.

"Anak! Nasa sala si Max. Hinahanap ka." Sabi ng ina nito sa labas ng kwarto niya pagkatapos kumatok.

"Sige po Ma. Lalabas na."

Pagdating niya ay bumungad sakanya ang kaibigang may dalang isang paper bag na inabot kaagad ni Lander.

"Isuot mo sa concert." Tipid na sabi lang ng binata saka nakiupo sa sofa.

Inabot naman niya ito kaagad at nagulat siya ng makitang T-shirt ito na may tatak ng pangalan ng K-pop band na panonoorin niya.

"Halah! Thanks L!" Biglang sambit ng dalaga habang pinagmamasdan ang T-shirt.

"May kasama ka na bang fan din ng panonoorin mo?"

"Wala pa... Pero magkakaroon naman na ako niyang kasama kapag may nakilala akong fan doon kaya keri lang." Sagot nito habang nakatutok parin sa T-shirt ang atensyon niya.

"Kunti nalang magseselos na ako sa T-shirt na yan... Sino bang nagbigay niyan?" Mahinang sambit nito kasabay ng pagbukas nito ng phone at nilapitan siya.

"Ikaw naman nagbigay nito eh, Baliw to." She said as she rolled her eyes. "...Teka, hindi ako ready!" Biglang sambit nito nang bigla siyang akbayan ng binata at nagpicture.

"Look! maeu gwiyeoun..." Nakangiting sambit ng binata na nilalayo sakanya ang phone habang ipinapakita ang mukha niyang hindi handa sa pagpicture.

"Ano?! Wag mo akong kinokorean! Kunti lang alam ko!" Inis na sambit nito habang inaagaw ang phone ng binata.

"Hindi ko un problema! Edi mag-aral ka!" Sambit nito sakanya.

"Ewan ko sayo! Nakakabadtrip ka! Ang pangit ko diyan eh! Delete mo yan!"

"Ayoko."

"Hmp!"

"Wag mo akong tinatarayan baka nakakalimutan mong may utang ka saakin baka maisipan kong bawiin sayo ngayon." Pambablackmail nito.

"Wag kang mag-alala, sa susunod na may concert, hindi na kita hihiraman dahil magboboyfriend nalang ako na may pangbili ng ticket saakin! Umuwi ka na nga!" Pagtataray nito sabay walk out.

"Buti nalang may pangbili ako..." Mahinang sambit ng binata bago makapasok ang dalaga sa kwarto nito.

"Anong nangyari dun Max?" Biglang sulpot ni Mama Maurice.

"Nagulat naman po ako Tita sainyo!" Biglang sambit nito ng makita sa likod niya ang ina ni Sharrah.

"Ba't nag iinarte nanaman un?"

"Pikon lang po si Sharrah." Natatawang sagot nito.

"Naku. Sanay ka namang ganyan yan eh. Nga pala, ba't napunta ka dito?"

"Binigay ko lang po ung T-shirt na may tatak ng pangalan ng panonoorin niyang concert. Tyaka Tita, gusto ko po sanang samahan si Sharrah kahit sa labas lang po ako kasi baka sa dami ng tao mapano siya pauwi."

"Mabuti pa nga at nag aalala din ako. Marami palang nababaliw sa K-pop na yan." Natatawang sambit ni Mama Maurice. "...Pero mas mabuti na un kaysa mabaliw siya sa lalaki dahil sa pagmamahal. Mahirap na."

Biglang natahimik ang binata sa sinabi ni Mama Maurice na mukhang seryoso.

Kala Sharrah na din siya nakitanghalian at nakimeryenda.

"Ano? Bahay mo na bahay namin? Feel na feel mo dito ah. Kanina ka pa. Walang balak umuwi?" Dire-diretsong sabi ng dalaga na para bang asar na asar dito.

"Gusto ko eh." Tipid na sagot ng binata.

"Hmp! Bahala ka nga diyan!"

Two pm palang nagpeprepare na si Sharrah para sa concert.

Paglabas niya sa kwarto ay nabungaran niya pa si Lander. Hindi niya pa dapat ito papansinin dahil aalis na siya nang sumunod ito sakanya.

"Ma, alis na po ako."

"Sige! Anak, ingat kayo! Tumawag ka kapag pauwi na kayo."

Binalingan niya ang binatang nakasunod sakanya.

"Kasama ba kita?"

"Oo. Tara na."

"Wala kang ticket."

"Hihintayin kita sa labas, tawagan mo nalang ako pagkatapos."

"Ayoko. Wag ka ng sumama!"

"Hindi pwede. Sasamahan kita."

"Bahala ka nga!"

Nag commute sila papuntang MOA kung saan ang concert.

Marami ng tao pagdating nila doon kaya nakikipagsiksikan pa sila para makapasok at gaya ng sabi ng binata kanina, maghihintay siya sa labas na ganun nga ang ginawa niya.

Pagkalipas ng ilang oras ay natapos ang concert na may masayang mukha si Sharrah na nabungaran ang binatang inaantok na.

Nakauwi silang bukang bibig ng dalaga ang concert experience at walang ginawa ang binata kundi ang makinig at manahimik.

"Salamat sa pagsama. Baka matagalan ang bayad ko sayo, mag iipon pa ako."

"Ok lang. Sige. Uwi na ako, hinahanap na ako ni Mommy..." Sambit nito sa dalaga saka binalingan si Mama Maurice na nasa likod ng dalaga. "...Tita, alis na po ako."

"Sige ijo. Ingat."

-

C2:
Vocabulary 📖
© Google Translation (Na hindi ko sure kung tama ba talaga lahat ng translations)

Maeu gwiyeoun - So cute

-

C2 Posted: January 11, 2017

Dedicated to WilmaEstil - Thank you for adding Substitute Personal Maid to your reading list. Sana mabasa at magustuhan mo. God bless. ❤

Perfect Combination (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon