bH0cxZ 23

2.3K 190 170
                                    

"Yoongs, okay ka lang?" Tanong ni Jieun na ngayon ay kasama ko.

"Ako? Oo." Sagot ko.

"Bakit ang tahimik? Di ako sanay."

"Sorry. May naiisip lang."

"Ano ba yang iniisip mo?" Tanong niya.

"Hindi ano, sino." Pagtatama ko sa tanong niya.

"Sabi ko nga sino." Sabi niya. Napangiti naman ako nang kaunti.

"Ikaw." Nabigla naman siya sa sagot ko. Sabay rin na nagkunot yung noo niya.

"Me? Bakit? Magkasama naman tayo ah." Tanong niya naman.

"Magkasama nga tayo ngayon pero mukhang iba naman makakasama mo habang buhay." Sabi ko. Nawala naman bigla yung ngiti niya sa mukha. "Alam ko na yung tungkol sa inyo ni Taehyung." Pagdidiretso ko.

"How d--nevermind. Sinabi sayo ni Taehyung? Of course, he would. Pero maniwala ka sa akin, Yoongi. Simula palang ayoko na. Ayaw--" Pagpapaliwanag niya pero pinutol ko yung sinasabi niya.

"Naiintindihan ko naman. Kahit mahirap ako, alam ko naman na kailangan niyong mga mayayaman ang isa pang mayaman para mas lalong yumaman. Gold chains lang ang kayamanan na meron ako eh, hehe." Pagbibiro ko. Binuksan ko naman yung bag ko at pinakita yung paborito kong gold chains.

Kadena lang talaga yun na nilagyan ng kulay gold.

Pero nawirdohan ako nang makita ko siyang hindi tumawa o ngumiti. Nyeta, drama kasi ni otor tangina. Gustong-gusto na nahihirapan yung mga characters.

"Pero Yoongi, ayaw ko naman. Ayaw rin ni Taehyung. Ayaw namin parehas. Napipilitan lang kami. Yung magulang lang talaga namin ang may gusto nun. Ikaw yung gusto ko, hindi yung kaibigan mo." Paliwanag niya.

"Alam mo, ang drama natin. Nyeta. Alam ko rom-com genre natin. Kaya kingina, halikana. May gagawin pa tayo, diba?" Sabi ko sabay taas-baba ng kilay ko. Natawa naman siya sa akin kaya pumunta na kami sa pupuntahan namin.

Sinamahan ko siya magshopping sa isang mall para maiba naman. Ayaw niya talaga magshopping baka daw kasi mabored ako, pero pinilit ko siya na gawin niya yun kasi unang beses ko rin na mararanasan yun.

"Jieun, ito nalang bilhin mo oh." Sabi ko sabay kuha ng isang two piece bikini.

"What the f? Loko ka, haha." Sabi niya sabay tawa. Nagpatuloy naman siya na maghanap ng ibang damit.

"Ah, ito. Maganda 'to tingnan sayo." Sabi ko ulit. Kinuha ko naman yung sobrang ikling shorts at pinakita sa kanya.

"Wow, ang galing pumili." Pamimilosopo niya sabay palakpak. Napangisi naman ako.

"So ito yung bibilhin at susuotin mo?" Tanong ko sabay ngiti.

"Hindi. Hayp ka." Napangiti naman ako. Ang cute niya magmura, natuturn-on ako, tangina. Pero mas nakakaturn-on kapag sinuot niya yung shorts.

Di ko nga alam kung shorts pa ba yun sa sobrang ikli. Tangina, panty na yata yun.

Isang oras na kaming nasa loob ng departure store. Departure ba yun? Basta yun. Pero wala pa rin siyang napipili at nabibiling damit.

Kingina, ganito ba talaga makapagpili ng damit ang mga babae? Kaya pala ang tagal rin nila maligo.

Nang makalipas ang ilang minuto, nakapili na rin siya ng limang damit at lahat yun sinukat sa loob ng fitting room. Nasa labas naman ako nag-aantay at maya't maya ay lumalabas siya sabay tanong kung bagay sa kanya yung damit.

Ikaw Lang Sapat Na [Yoongi ff]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt