bH0cxZ 24

2.2K 221 220
                                    

"Mamsi! Papsi!" Sigaw ko pagkauwi ko. Nagsinglabasan naman kaagad sila parehas sa kwarto na pawis na pawis at mukhang hinihingal.

Tangina, magkakaroon na ba ako ng kapatid? Neomuhae. Neomuhae.

"Ba't ganyan itsura niyo? Para kayong--"

"Aba, dumi ng utak mo ah. Linis-linis muna bago mag-isip ng kung ano-ano ah." Sabi ni papsi.

"Lul." Sambit ko.

"Anong lul ka diyan ah?! Na-aadik ka na rin ba sa mga computer games?! Diba sabi ko mag-aral ka muna! Magtapos ka muna--aba! Lumapit ka dito!" Sigaw ng nanay ko.

"Weh si mamsi ang corny." Sabi ko. Nakatanggap nalang ako tsinelas na lumilipad. "Aray ko! Ano ba?!"

"Ano ba kasi meron at tinawag mo kami?" Tanong ng tatay ko.

"Wag sana kayong mabibigla pero--"

"BUNTIS KA?!" Sigaw ng tatay ko at napahawak naman siya sa ulo niya. Yung sa taas, nyemas.

"YOONGI NAMAN EH! ALAM MO NAMAN NAGHIHIRAP KAMI NA PAARALIN KA PERO MAGPAPABUNTIS KA LANG?!" Sermon nung nanay ko.

"Sino ama niyan ah?!" Tanong ni papsi.

Si Jimin.

Hihi, ulol. Ako magbubuntis doon, hindi siya. Siya yung babae sa amin, bading.

"Teka. Gagi Tutan! Hindi nabubuntis ang lalaki!" Sabi ni mamsi at pinaghahampas ang tatay ko.

"Aray ko! Babe naman eh!"

"ANONG BABE KA DIYAN?! MUKHA BA AKONG BABOY AH?!

"Oo, taba-taba mong hayop ka!"

"Aba--namo! Wala kang ka-valentines ngayon! Pwe!"

"Valentines?! Ni di ko nga alam kung ano yun eh! Kinakain ba yun?" Tanong ni paps.

"Gagu. LQ tayo ngayon aba." Sabi ng nanay ko. Binackhug nalang siya bigla ni papsi kaya napakunot ako ng noo.

"Bwiset. Wag kayong maglalandian sa harap ko. Disgusting shit." Sabi ko at nagsimula nang mag-ayos ng gamit sa kwarto ko.

Nang tumino na mga magulang ko, doon ko na pinaliwanag ang lahat. Na pagkatapos ng school year na ito, aalis ako at sasama kay Taehyung. Medyo matagal rin at aabutin ng ilang taon dahil kailangan ko raw matuto. Simula sa pinakauna at basic ng business hanggang sa maintindihan ko na ang lahat.

Pagpapaliwanag palang ni Taehyung sa akin tumulo na ang laway ko. Kingina, ibahin pa naman raw yung style ko ng pagsusulat. p4nü N4 i2 mG4 bH3bxcZ q0h?

Nung una, di pumayag magulang ko pero dahil ang gwapo ko, pumayag nalang sila. Wala na silang magagawa doon, in born na sa akin yung kagwapuhan na ito.

"Tangina mo Taehyung, akala ko ba ako lang ah?! Bakit si hyung pa ang kailangan mong isama?! Panget ba ako?! Kapalit-palit ba ako?! Then why?!" Pagdradrama ni Jungkook nang matapos naming ipaliwanag ni Tete ang mangyayari.

"Jung--"

"No! Don't call my name! Masakit eh." Dagdag pa ni Jungkook.

"Jung Hoseok kasi, ano ba? Jungkook, feeler. Tsk." Sabi ni Taehyung at lumapit kay Hoseok.

"Pakyu hyung. Ni di mo man lang ako dito dinadamayan." Pagtatampo ni Jungkook. Natawa naman si Tete sa kanya kaya lumapit siya sa kanya at binatukan.

"Hyung, sabi mo sa akin dati I'll never walk alone? Pero ba't iiwanan mo ako ah?" Sabi naman ngayon ni Jimin sa akin.

"Pinagsasabi mo? Ni di ko nga alam ibig sabihin nung sinabi mo, ugag." Pambabara ko.

"Bwiset. Yoko na nga." Sabi ni Jimin at lumayo sa akin. Natawa nalang ako sa kanya.

Halos lahat ng mga kaibigan namin nagreklamo nang sabihin namin yung mangyayari. Sa ibang bansa raw kasi kami mag-aaral. Sasagutin niya yung mga gastusin ko sa eskwelahan.

Palibhasa, rich kid amp. Hehe, kaya mahal ko si Taehyung eh.

Katulad ng sinabi sa akin ng nanay nila Jieun, nilayuan ko sila. Lumalapit pa rin ako pero hindi na katulad nung dati. Oo, mahirap pero kingina sisiguraduhin ko na sa susunod legal na kaming dalawa. Pwede ko na maging syota nang tuluyan si Jieun at bestfriend si Hera.

Hera, miss ko na yun nang sobra. Sobrang saya ko nung nalaman ko na may gusto siya sa akin. Di ko alam pero sobrang saya ko, pati na rin yung puso.

Yak, ang seryoso ko magsalita.

Pero yun nga. Miss ko na yung mga ka-ulolan at kagaguhan ng babaeng yun. Yung pagtatalo namin sa simpleng bagay at yung pagmumura niya. Parehas na parehas kami. Oo, alam kong maganda siya. Pero iba yung nararamdaman ko sa ganda niya at nung ganda ni Jieun ko.

Si Jieun, kung ikukumpara mo sa iba ang bait niya. Kabaligtaran ni Hera sa madaling salita. Kaya ba ako nagkagusto sa kanya? Opposites attraction nga ba?

Yun ba yung motto? Shet, basta opposites may attraction. Opposites do attraction. Yiee.

"Tae, magpapaalam lang ako sa kanila." Pagpapaalam ko.

"Huwag." Sagot niya. "Iwanan mo sila ng maikling sulat. Sabihin mo na babalik ka at magtitino para sa kanila. Mag-antay lang sila." Sabi ni Taehyung. Tumango nalang ako at pinadala na yung sulat ko.

"Bakit ba bawal?" Tanong.

"Kasi kapag nagpaalam ka na, parang sinasabi mo na di ka na babalik."

---

"Wag niyo kaming kakalimutan ah. Subukan niyo lang talaga, who you kayo sa amin." Banta ni Namjoon.

Nang matapos ang school year at gumraduate kami, naghanda na kami ng gamit para sa paglipad namin sa ibang bansa. Nang dumaan na ang dalawang araw, sumama ang tropang Hotlogs sa paghatid sa amin sa airport.

"Shet ka Taehyung, next time kami rin. Daya ni Yoongi." Pagrereklamo ni Hoseok.

"Wag ka mag-alala, Hoseok. Magpapadala ako dito palagi ng bermuda grass." Sabi ko sabay suot ng shades dahil sa liwanag ng araw.

"Yoongi at Taehyung, alagaan niyo ang isa't isa ah. Ikaw Yoongi, mas nakakatanda ka diyan sa isa. Ikaw naman Tete, mas matino na yata pag-iisip mo kaysa sa hyung mo. Wag ka--"

"Opo nay, wag kayong mag-alala." Sagot ni Taehyung kay Jin sabay thumbs up sa kanya. Inirapan lang siya nito. "Weh bading." Dagdag niya kaya nakatanggap siya ng batok mula kay hyung.

"Oy Tete, bespren. Pakyu ka. Iiwanan mo na nga lang kami, isasama mo pa si Yoongi. Ikaw naman gilagid, bumalik ka ah. Parehas kayo. Mamimiss ko kayo nang sobra." Halos maiyak-iyak na sabi ni Jimin. Niyakap ko nalang siya at binatukan.

"Oo na. Pakabait dito. Wag masyadong malandi. Alam kong makati yang betlog mo, wag masyado ipairal. Sapakin kita diyan eh." Sabi ko. Ngumiti naman siya sabay pakyu sa akin.

"Jeon?" Tawag ni Taehyung.

"Pwe. Tsundere ako. Mag-ingat nalang kayo." Sabi niya. Napailing nalang si Taehyung at niyakap niya ito nang mahigpit.

"Arte. Parang bakla." Sabi ni Taehyung sa kanya.

Isa-isa naman kaming nagyakapan at pagkatapos ay sumakay na kami sa eroplano.

New fucking Min Yoongi si coming.

Ikaw Lang Sapat Na [Yoongi ff]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن