bH0cxZ 4

4.9K 319 116
                                    

"Ansabi mo? Tanong ko sa kanya.

"Ikaw lang sapat na, Hera." Sabi niya at lumapit siya sa akin. Ewan ko pero pinikit ko ang mga mata ko at nakaramdam nalang ako na may pumitik sa noo ko.

"Gumising ka. Hindi kwarto ang classroom para tulugan." Sabi bigla ni Yoongi. Napatingin naman ako sa kanya.

ANO YUN?! PANAGINIP LANG YUN?! BA'T AKO NANAGINIP NG GANUN?! OMG I IS NO UNDERSTANDABLE! Futugh, hirap magenglish. 

"Asan na prof natin?" Tanong ko.

"Tapos na yung klase. Ayan kasi." Sabi niya sabay ngisi sa akin at lumabas na. 

NAGTITIMPI NA TALAGA AKO SA LALAKING ITO AH! Lalaki nga ba? Hehe.

Nang matapos na lahat ng klase namin ni gluta god, dumiretso na kami sa library para sa community service namin.

"Hey Jieun sweg sweg baby!" Sigaw bigla ni Yoongi pagkadating namin sa library. Kausap niya pala yung Jieun sa phone.

"Shhh!" Saway ng librarian sa kanya pero nagpose lang siya sabay sabi ng "Sweg."

"Hey Jieun. See us next next next next next next next day. I is busying." Nu raw? Daming next, jusq. "Sarreh sweg sweg baby." Sabi niya at binaba na yung tawag.

"Excuse me, kami po yung magcocommunity service." Sabi ko doon sa librarian.

"Ganun ba? Magbalot kayo ng plastic cover sa mga libro." Sabi niya at inabutan kami ng mga plastic covers at tape sabay turo sa mga libro. Yung totoo? Nasa national library ba kami at ba't ganyan karami yung libro?

Pumunta kami sa isang lamesa at nagsimula na ako magtrabaho. Nang matapos ko na yung isang libro, napatingin ako kay Yoongi na nakahiga sa sahig at ginawang unan yung mga libro.

Aba...so sweg.

Anong kaulolan nanaman ang pinagkakagawa niya?! Binato ko naman siya ng isang libro.

"ARAY KO PUTA!" Sigaw niya. Napatingin naman lahat ng tao sa amin kaya nagpeace sign lang ako.

"Magtrabaho ka!" Sigaw ko na pabulong. Gets niyo? Hehe, sumisigaw ako pero pabulong lang hehe. Gulo ko diba? Parang pagmamahal lang. Kahit gaano kagulo, pipilitin mo paring unawin yung tao dahil mahal mo siya. 

Nu raw? Sisihin niyo si otor. Siya nag-isip ng hugot na yan. Madami yatang pinagdadanan, hehe. Napaphugot tuloy ako bigla dito.

"Kaya mo na yan." Sabi niya sabay thumbs up at bumalik sa pagkahiga niya sa sahig. "Sweg." Dagdag niya at bumalik sa tulog.

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at sinipa yung ano niya.

Tuhod kase. Tsk tsk, kayo talaga.

"KANINA KA PA AH!" Sigaw niya sa akin kaya bumangon siya at tinapakan ang paa ko.

"ARAY KO!" Sigaw ko. Kumuha ako ng dalawang libro at binato sa kanya. Nagbatuhan naman kami ng mga libro. Lumapit sa amin yung librarian pero di ko sinasadya na sakanya naglanding yung libro na ibabato ko sana kay Yoongi. Ayun, niregla bigla ang ilong niya. Wawa siya, wala akong dalang extra napkin ngayon.

"KAYONG DALAWA! MUKHA BANG PLAYGROUND ANG LIBRARY PARA SA INYO?! UMUWI NA NGA KAYO!" Sigaw ng librarian sa amin kaya sinundan nalang namin siya.

"Ayan kasi." sabi bigla ni gluta god.

"Magpasalamat ka nalang. Dapat mamaya pa tayo uuwi pero napaaga dahil sa akin." Sabi ko at naglakad na palayo. Tinawag niya ako pero di ko lang siya pinansin.

"Uy teka lang!" Sabi niya pagkatapos niya ibato sa akin ang bag niya.

"Ano ba kasi?!" Iritado kong tanong.

"May naisip ako."

"Wow may isip ka pala."

"Pakyu. Seryoso kasi ako."

"Ano nga?!"

"Para maaga tayo pauwiin, gumawa tayo ng kalokohan." Nanlaki bigla ang mata ko sa sinabi niya.

"GAGAWA TAYO NG KALOKOHAN?!"

"HINDE KASI YUN!"

"EDI ANO?!"

"MANAHIMIK NGA KAYO!" Sigaw bigla nung janitor.

"Oh manong Marlou. Ikalma mo yang bulkan sa mukha mo. Mukhang sasabog na." Sabi ni Yoongi doon sa janitor. Pucha, daming pinipig sa mukha ni manong Marlou. Kamukha niya yung nagtitinda ng ice cream sa amin.

"Ikaw talaga Yoongi." Sabi ni manong Marlou sabay kindat sa kanya at lumayas na. Ito namang si Yoongi, mukhang tuwang-tuwa sa kagaguhan nilang dalawa.

"Ano na nga naisip mo?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Basta, magsira tayo ng mga gamit sa mga communiy service natin hanggang sa magalit sila at pauwiin tayo nang maaga."

"Wow, kaulolan mo nanaman. Ikaw gumawa mag-isa, ayoko mapahamak." Sabi ko at naglakad na ulit palayo.

"PARA HINDI NA RIN TAYO IPAGAWA NG MGA COMMUNITY SERVICE NA YAN! AYAW MO?" Sigaw niya kaya napahinto naman ako. May point rin naman siya. Dapat ko bang gawin? Lumapit ako pabalik sa kanya.

"Fine. Pero kapag may nangyaring masama, ikaw ang sisisihin ko." Sabi ko.

"PUTA! HAHAHA! SISISHIN WAHAHA! NAAALALA KO SI SEHUN! PFFT HAHAHA!" Tawa niya. Tangina, akala ko ba malapit na gumabi? Bakit nakikita ko ulit ang pagsinag ng araw? Ang silaw ng gilagid.

"Bahala ka sa buhay mo." Sabi ko at iniwan siyang tumatawa doon. Kitang-kita yung gilagid niya habang tumatawa, nakakaasar. 

Sa pangalawang araw ng community service namin, pinalinis kami ng classroom. Kaya ang ginawa namin, pinag-gugulo namin lahat ng mga upuan. Kinalat lahat ng mga chalk at pinagkakalat yung mga gamit na nakita namin doon.

Pinaglinis kami kung saan-saan sa mga sumunod pang araw. Sa cafeteria, science lab, sa likod nung school, quadrangle at sa cr.

Nung nasa cr kami, tinawag ni Yoongi yung kaibigan niyang si Namjoon at nagpatulong na sirain yung lababo. Isang hawak lang niya doon sa gripo, agad lumabas yung tubig.

Aminado ako na masaya yung ginawa namin pero natatakot ako. Malakas ang kutob ko na may mangyayari na di ko magugustuhan.

"MR. MIN AT MS. CHO! SA LOOB NG ISANG LINGGO, teka limang araw lang pala yung tinagal ninyo, WALA MAN LANG KAYONG NAGAWA NANG TAMA! PURONG PAHAMAK LANG KAYO!" Sigaw nung principal. Nagcoconcert nanamn siya at VIP ulit kami. "KUNG DI KAYO MADADALA NG COMMUNITY SERVICE, THEN FINE! 2 DAYS OF SUSPENSION! GET OUT OF MY ROOM!" Dagdag niya. Lumabas din naman kami kaagad.

"NASUSPEND TULOY TAYO DAHIL SA KALOKOHAN MO!" Sigaw ko sa kanya.

"Ayaw mo nun? Bakasyon hehe."

"KUNG SAYO BAKASYON YUN PWES SA AKIN HINDI! ANO NALANG SASABIHIN NG TITA KO SA AKIN?!" Sigaw ko at naglakad na palayo. Ayaw ko makita niya mga luha ko. Sa una palang dapat hindi na ako sumama sa kalokohan na naisip niya. Ang tanga ko kasi eh.

[Yoongi's POV]

Pucha! Anong gagawin ko?! Walang sweg ang paglapit ko sa kanya at magsabi ng sorry. Puta, isang beses lang talaga toh. Hinanap ko siya at nakita ko siya sa isang bakanteng classroom na umiiyak.

"Sorry." Simula ko. "Di ko na uulitin at lalayuan nalang kita para makaiwas ka na sa mga gulo." Dagdag ko. Tinanggal ko ang suot kong chains at sinuot sa kanya. "3 dollars yan. Isangla mo tapos gamitin mo yung pera kahit sa anong bagay." Sabi ko at umalis na.

Hayaan niyo na yung chains ko, marami pa naman ako sa bahay. Sweg. Saka di naman ako marunong magsorry nang maayos. Nakakahiya. Nakakawala masyado ng sweg. I is not takenings of that, you knows. 

Ngayong wala akong pasok sa loob ng dalawang araw, makakapagdate na rin kami ni Jieun sweg sweg baby ko. I is excited, huehue.

Ikaw Lang Sapat Na [Yoongi ff]Where stories live. Discover now