bH0cxZ 1

9.4K 501 1.1K
                                    

"Bayad!" Sigaw ko sabay abot ng bente ko pero walang kumuha. "Wag kayong papeymus, i-abot niyo! Wala kayong sweg." Sigaw ko kaya kinuha nila yung bente ko at pinasa sa driver.

"Saan ang baba ng bente?" Tanong nung driver.

"Ay shet! Naglalakad ang bente?!" Sigaw ko.

"Saan kasi ang baba neto?!"

"Sa gitna ng kalsada. Para patay ako tapos kulong kayo."

"Aba! Bastos kang bata ka ah!"

"ANONG BATA?! PORKET MALIIT AKO, pero di kasing liit ni Jimin huehue, BATA KAAGAD?! MATANDA NA AKO UY! NAKIKITA MO TONG CHAINS KO? 3 DOLLARS LANG YAN SA DIVISORIA! PAKYEEEWWW!"

"BUMABA KA NA NGA!"

"BABABA NA TALAGA AKO, NANDITO NA RIN NAMAN AKO EH! SALAMAT!" Sigaw ko pabalik at umalis na.

"SUKLI MO!"

"DI KO KAILANGAN NG PERA NA YAN! I'M RICH! VERY EXPENSIVE GLASSES!" Sigaw ko ulit sabay tayo ng dalawang gitnang daliri ko at pagkatapos ay dumiretso na ako sa school ko.

"Kamusta?" Bati ko sa tropa.

"Tuloy ka pare wag kang mahiyang pumasok." Sabi ni Namjoon.

"Pasensya ka na sa bahay ko medyo madumi at nakakasulasok." Sabi naman ni Hoseok.

"May alak ka bang dala wa--ARAY HYUNG!" Binatukan ko naman si Jimin.

Parang mga gago ito. Nangamusta lang ako, kinanta bigla yung Kriminal.

"Hyung! Gwapong umaga!" Bati ni Kookoy sabay igop sign. Naks, laki ng ilong.

"Tropang Hotlogs, nakita niyo ba ang sweg sweg baby ko?" Bungad ko.

"Bakit hindi ikaw ang maghanap? Wala ka bang mata ah?!" Sermon ni nanay Jin.

"Sabi ko nga!" Sagot ko. Si Jin hyung lang talaga ang hindi ko masagot ng pabalang. Babae kasi eh, hindi ako nanakit ng babae. Kinuha ko naman ang cellphone kong Nokia at tinext si Ms. BOOTYful.

To: Ms. BOOTYful
9üd M0rN1N9 pH03z. k4$1N9 q4Nd@ m0 4N9 üM49@ ü707. 73z m1+ üP l83r. c ü.
-9üw4p0Nq $w39

(Trans: Gud morning phoez. Kasing ganda mo ang umaga ulol. Lez mit up later. See you.)

Siguro nagtataka kayo kung bakit 'Hotlogs' pangalan namin. 'Hot', kasi ang hot namin. 'Log', kasi paLOGi kaming pogi. At may 'S' sa dulo dahil madami kami. At may isa pang dahilan, muehehe.

Lahat kasi kami, paborito ang hotdog at itlog. Kapag pinagsama mo yun, magiging 'hotlog'. Yung letter 's' sa dulo, ibig sabihin nun ay 'seven' since pito kaming magkakaibigan.

Bilib naman kayo? Hulaan niyo sino nag-isip nun.

Ako? HAHAHAHAHAHAHHAHA syempre hindi ako yun. Si otor kasi. Ganda nga niya eh. Kras ko na yata.

(Enebe Yeenge kenekeleg eke hihi)

Ulol. t(-_-)t

Yung tropa namin, hindi lang yan purong kalokohan. Varsity kami sa basketball. Ewan ko lang kung paano nakasali doon si Jimin. Pakitanong sa height niya.

Saka, maniwala man kayo o hindi. We are very smartest. You knows, we are topping in us class.

Di rin nagtagal, at narinig na naming magring yung bell. Humilera naman kaming pito at nagsimula maglakad. Lahat nanaman ng tao, nasa amin ang tingin.

Ikaw Lang Sapat Na [Yoongi ff]Where stories live. Discover now