"May The Best Man Win"

Start from the beginning
                                    

"Pinaparusahan mo 'ko!" ani Lucho.

"Hindi kita maalala. I am trying to remember you but I really can't. Sumasakit na ang ulo ko, ngunit wala pa rin akong maalalang kahit na ano." Tuwid na wika ni Savannah Scarlett at ngayong bumitaw na sa pagkakayapos sa kanya ang binata ay bigla siyang naupo sa sahig ng kwarto, nakahawak ang mga palad sa kanyang ulo waring nasasaktan.

"Savannah!"

"Rave!" sigaw ni Savannah Scarlett at dahil nasa tapat lang ng pintuan ang binata otomatiko na din itong pumasok sa loob ng silid, bagay na ikinagulat ni Lucho.

"Scarlett.. Lucho, anong nangyari?"

"Rave, masakit ang ulo ko!" sumbong ng dalaga saka mabilis na yumakap sa dibdib nito.

"Relax, Scarlett. Hindi mo dapat pini-pressure ang sarili mong maalala ang mga bagay na pwede mo ring maalala  sa takdang panahon." Sabi ni Rave. Sa nasaksihan ni Lucho, pakiramdam niya'y lalo pang dinurog ang puso niya. Labis siyang nasasaktan. Questioning himself why? Is this a thing called, karma?

"Hindi ko intensyong saktan ka Savannah. But I did and I'm so sorry. Really I am." Ani Lucho. "Aalis ako ngayon- but I won't give up. Kukunin kita kapag handa ka na." Luhaang wika ni Lucho habang pinapanood si Rave na binuhat ang dalaga saka inilapag sa kama.

"No, Lucho!" pigil ni Rave. Napalingon naman si Lucho dahil sa wika ni Rave. "If she's not going with you then you should stay here. Help her remember all the things she should remember."

Humawak si Savannah Scarlett sa kamay ni Rave bilang pagtutol na sinabayan ng marahang pag-iling.

"Let him be, Scarlett." Wika ni Rave, trying to convince her.

"Fine." Tugon ng dalaga. Hindi man sigurado si Lucho sa maaaring dahilan ni Rave sa pag-offer na tumira siya kasama nito dito, pero kung ito lamang ang tanging paraan para mapalapit muli sa dalaga ay tatanggapin niya.

"Thank you, Rave." Walang emosyong wika ni Lucho. "Savannah, take your rest and stop remembering anything. Don't pressure yourself so much. It may take time but I'm willing to wait. Makita lang kita araw-araw." Di na rin umimik pa ang dalaga. Mas minabuti nitong pumikit na lamang, sinusubukan naman niyang maalala si Lucho ngunit kahit anong pilit niya hindi talaga. Wala talaga siyang maalala.

Magkasabay na lumabas sina Rave at Lucho. They both went to the roof deck, staring at the horizon. Marami silang gustong sabihin at pag-usapan pero wala namang nais magsimula. Halos sabay pa silang napapabuntong-hininga, tila doon na lamang ibinubuhos ang oras.

"Letting you stay here with us is a tough decision I've ever made. But I just don't wanna be unfair." Sa wakas ay namutawi din sa kanyang mga labi.

"What do you mean?" he asks.

"Alam mo na rin lang ang nararamdaman ko para kay Scarlett.." tugon nito. Sarkastiko namang ngumiti si Lucho.

"Just because she wants you beside her doesn't mean she loves you. Remember she had an amnesia. Anytime soon, she'll gain her memory back- and if that happens? Masasaktan ka lang." Sabi ni Lucho. Rave sighed. Alam niyang totoo ang sinasabi nito.

"Hayaan mo akong ipakita sa kanya ang nararamdaman ko. Hahayaan kitang ipakita ang nararamdaman mo para sa kanya." Aniya kahit alam niyang wala siyang karapatang sabihin 'yon sapagkat batid niyang si Savannah Scarlett ay pag-aari nito.

"I really don't know what gives you the courage to tell me something like that when you don't even have an idea what we were before you even met her." Nakangising wika ni Lucho.

"I know." Confident na wika ni Rave. "Bakit ba ikaw ang narito at naghahanap sa kanya? Nasaan ang mga magulang niya? Alam na ba nilang buhay siya? Alam na ba nilang natagpuan mo na siya?"

"Hindi pa." Tugon niya. "At hindi pa nila pwedeng malaman, lalo na ng kanyang Papa!"

"Karapatan ng magulang niyang malaman ang tungkol sa kanya higit kanino man." Tugon ni Rave sa tinuran ni Lucho. Wala din silang alam na lihim na pala silang nasundan ni Savannah Scarlett sa roof deck. Dinig na dinig nito ang pinag-uusapan ng dalawa.

"She's a runaway bride." Umpisa ni Lucho. "Her father wants her to marry Xian Gabrielle- her childhood friend." Dagdag pa nito.

"Bakit di siya pumayag?"

"Kapatid lang ang turing niya kay Xian Gabrielle." Tugon ng binata. "Running away from her supposedly wedding was her way to me. Her life wasn't easy, full of threat that I had to protect her." Saka niya dinukot ang kanyang wallet mula sa likurang bulsa ng kanyang trouser at inilabas ang ilang mga larawan nila ni Savannah Scarlett saka iniabot kay Rave. Maingat naman 'tong tinanggap ng binata.

The first picture was taken inside the cabin's room of a yacht. Nakatayo silang magkaharap, magkahawak ang mga kamay at tanging kumot lang ang nakabalot sa hubad nilang mga katawan. The picture says it all. Sobrang in love sa isa't-isa kaya di napigilan ni Rave ang makadama ng paninibugho. He turns it to the other picture- it was still taken inside the cabin's room- nakahiga sa kama ang dalaga, nakatukod ang mga palad sa magkabilang tagiliran ni Savannah Scarlett habang magkalapat ang mga labi nila't mga binti. Binalot lang din ng kumot ang hubo't-hubad nilang katawan. And it hurts Rave even more finding no courage to turn it to the other picture- dahil alam niyang masasaktan lamang siya.

"You told me you were there to protect her. How come- nag-decide siyang magpunta dito sa Hongkong na wala ka? Nag-iisa siya at naaksidente pa? Tandang-tanda ko pa na minsan sinabi sa akin ni Axehl na malungkot si Scarlett sa barko- mukhang napakalalim ng iniisip- mukhang wala sa sarili. May kinalaman ka ba sa paglayo niya?" Rave asks carefully- staring into Lucho's eyes.

"Something came up." Tugon ni Lucho at nakipagsabayan din ng titigan kay Rave. "I just have to do what I had to do- kahit masakit- kahit napakahirap. And it was the biggest mistake I ever made."
Hindi naman malaman ni Savannah Scarlett kung ano ang dapat niyang maramdaman sa mga narinig. Nais niyang magtanong- marami siyang nais malaman. Pinipilit niya ang sariling makaalala kahit konti ngunit wala talaga.

"I don't know what to say, Lucho. But, I trust you." Sabi ni Rave matapos magpakawala ng buntong-hininga. "Excuse me." He was about to turn his back from him when Savannah Scarlett appears!

"Is everything, okay?" she asks and her eyes are misty.

"Yes." Pilit ang ngiting tugon ni Rave. "I thought you're resting.."

"Ang tagal mo kasi. Nakakalungkot." Tugon ni Savannah Scarlett. Tahimik lang na nagseselos si Lucho sa dalawa. Hindi nagpapahalata.

"Nag-breakfast ka na ba?"

"I did. Ikaw ba?" she asks in return.

"Hindi pa."

"Gusto mo bang ipaghanda kita?" malambing niyang wika.

"No." Tugon nito. "Gusto ko kausapin mo siya-" at inginuso si Lucho. "Mag-usap kayo nang mabuti." Tinignan ng dalaga si Lucho kaya nagkasalubong ang tingin nila. "Excuse me." Saka mabilis na ring lumayo sa mga ito. Naiwan nga ang dalawang hanggang ngayo'y magkatitigan pa rin. Nang makahuma si Savannah Scarlett ay agad niyang kinuha mula sa kamay ni Lucho ang mga larawang isinoli ni Rave dito. And she's shocked. Alam niyang naging malalim ang koneksyon nila sa isa't-isa.

"Miss na miss na kita alam mo ba?" Lucho says na bigla na lamang napaluha. He wants to hug her really tight. Pero tama bang samantalahin ang pagkakataong wala pa ring maalala ang dalaga? At sa di maipaliwanag na dahilan ay bigla na lamang siyang sinugod ni Savannah Scarlett ng isang mahigpit na yakap.

"I don't remember you at all but I feel that I'm loved." Tugon ni Savannah Scarlett.

"Mahal na mahal kita. Sobra-sobra." Luhaang wika ni Lucho saka pinaghahagkan sa buhok ang dalagang nakayapos pa rin sa kanya.

TBC

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"LUCHO: THE SUBSERVIENT"Where stories live. Discover now