Batid niya na bukod sa kaarawan ng triplets ay marami pa siyang hindi nalalaman. Marami pa siyang sekreto na malabong ipaalam sa kanya ng magkakapatid. Iginagalang niya ang mga ito. At wala siya sa posisyon na usisain kung ano man ang sekretong iyon.


"Pero gusto ko'ng malaman ang birthday nila..." malungkot niyang pinagmasdan ang maliwanag na buwan. "Hindi dahil gusto kong malaman kung bakit parang hindi umeedad ang mga iyon, kundi dahil gusto ko lang na i-celebrate ang birthday nila. Gusto ko rin regaluhan at batiin sila... para naman makabawi ako sa ilang beses na paghahanda nila sa birthday ko."


Kapag nag-iisa siya ay madalas na buwan ang kausap niya. Tuwing bilog na bilog ang buwan ay napa-praning si Perisha. Wala siyang magawa kundi ang dumungaw sa terrace, dahil walang ilaw ang mansiyon kapag kabilugan ng buwan. Hindi niya alam kung ano ang koneksyon ng kuriente sa mansiyon tuwing una, pangalawa, pangatlo at pang-apat na full moon sa loob ng isang taon. Basta automatic na hindi gagana ang kuriente, ultimo ang mga generator.


"You shouldn't be here,"


Napalingon siya sa gilid ng terrace. May nakatayong bulto ron, unti-unti niya itong nakilala ng tumama na ang liwanag ng buwan sa mukha nito.


"Cross..."


"Sana sa Manila ka na lang nagpalipas ng weekend, alam mo naman na brownout 'pag ganitong panahon dito."


Umismid siya. "Sanay na po ako."


"Gaano ka kasanay, 'Neng?"


Hindi siya kumibo. Sumampa ito sa pasimano ng terrace. Wala talagang takot sa heights ang lalaking ito.


Napansin niya na parang may lungkot sa mga mata nito. "May problema ka ba, Cross?" First time niya itong nakitang ganoon katamlay.


"May naalala lang ako," umalis na ito sa pasimano saka lumapit sa kanya. Hinalikan nito ang noo niya. "Buona notte, 'Neng."


"Good night din..." naguguluhan siya sa ikinikilos nito. Ano nga kaya ang problema ni Cross?


Mula sa terrace niya ay tinalon nito ang katabing terrace, saka naglambitin sa mahabang poste para makarating sa terrace ng sarili nitong kuwarto. Anino na lamang ang nakikita ni Perisha dahil natatabingan ng lilim ng malalaking puno sa hardin ang bahagi na kinaroroonan ng kuwarto ng magkakaatid na Vox.


Naiiling na bumalik na siya sa kanyang kuwarto. Matapos ang dinner ay hindi niya na nakita si Kaden, basta ikalawang kabilugan ng buwan ng taon ay hindi niya nakikita ang lalaki. Naka-lock ang kuwarto nito sa maghapon.


Kinabukasan ay saka niya lamang nakita si Kaden, nakatayo ito sa tapat ng fountain ng hardin. Nakapamulsa sa suot na pantalon. Tila malalim ang iniisip.


Hindi na siya nabigla na alam nitong nasa likuran siya nito. Humarap ito sa kanya.


Fall For YouDär berättelser lever. Upptäck nu