Kaagad na nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Ano?"

Titus clicked his tongue. "That's because forever doest exist," sabad ni Titus. Puno ng pait ang boses nito. "It's a lie and a fucking daydream."

Mahinang natawa si Nate habang inaapakan nito ang selenyador ng kotse para mas bumilis pa ang takbo nila. "I bet my future wife is now thinking forever with her boyfriend." Napailing-iling ito na nakangiti, "I'll see you in a few years, baby."

Mahina siyang natawa at nailing. Magpinsan nga ang dalawa, parehong pananaw sa pag-ibig.

Tumiim ang mga labi ni Red ng makitang palabas na sila ng Baguio. Isinandal niya ang katawan sa likod ng backseat at tumingin sa labas ng bintana.

Phoenix...

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilang manubig ang mga mata niya. Phoenix was busy with something. At wala itong oras na umuwi at makita siya. Ayaw niyang masaktan pero hindi niya mapigilan, e. Nasasaktan siya sa isiping aalis siya at magpapakasal sa iba na hindi man lang ito nakikita.

Vlaca!

"Ayos ka lang ba, Red?" Tanong ni Titus na bumasag sa katahimikan niya.

"I'm fine," sagot niya ng hindi tumitingin sa binata. "Don't mind me."

"Tumawag pala sakin si patri kagabi. Nakahanda na daw ang lahat para sa kasal natin," imporma sa kaniya ni Titus. "Nang sabihin ko sa kaniyang nasa akin na ang seal, sapat na daw 'yon para maikasal tayo. Nawawala din rin naman kasi ang crest. Sapat ka na daw at ang seal para matuloy ang kasal. Unless my brother shows up with the crest and his own bride. And well, since you're the only bride left, I think we're good. Kailangan natin itong madaliin bago ka pa makuha ng kapatid ko. Matatapos din 'to."

Tumango siya at nanatiling tahimik.

"Pagdating natin sa Manila, aalis kaagad tayo patungong Sicily," dagdag nito.

Tumango siya.

"Are you really okay, Red?" Tanong ulit nito.

Tumango siya, nanatiling walang imik.

Narinig niyang malakas na bumuntong-hininga si Titus at hindi na siya kinausap. Siya naman ay nanatiling nakatingin sa labas ng bintana habang nasa biyahe. Hindi siya umimik hanggang sa makarating sila sa airport.

It was a quiet ride. Isang pribadong eroplano ang sinakyan nila ni Titus at kasama nila si Nate na umaaktong bantay nilang dalawa. Hindi niya alam kung bakit ito sumama sa kanila, pero hindi na siya nagtanong. Hindi naman niya kailangang malaman.

Isang nakakabagot, nakakatamad at napakahabang biyahe ang naranasan ni Red patungong Sicily. Tumigil sila sa ilang bansa para lagyan ng fuel ang eroplano at para kumain na rin at umalis din sila kaagad.

Nang makarating sila sa Sicily, nang umapak ang mga paa niya sa lupa ng bansang sinumpa niya noon na hindi na babalikan pa, mahina siyang natawa kasabay ng pagragasa ng takot sa buo niyang katawan.

Welcome back to Sicily, Red, aniya sa sarili.

Everything that could and would destroy her life would happen here in this country. At wala nang Phoenix ngayon na magpapasaya at magpapagaan sa dibdib niya.

She was all alone now. With Titus. And this was her choice. Ito ang pinili niya kaya dapat panindigan niya ang sakit na nararamdaman.

Wala nang balikan ngayon. Wala nang talikuran.

"Let's go?"

Napabaling siya kay Titus na siyang nagtanong at nakalahad ang kamay nito sa kaniya. Napatitig siya sa kamay nito saka humugot ng malalim na hininga bago tinanggap ang kamay nito at tumango.

POSSESSIVE 15: Phoenix MartinezWhere stories live. Discover now